Ms. Chubby 44 (Sorry)

400 21 0
                                    

LECKZY'S POV

"Are you free tomorrow night?" Clark suddenly asked me. I slowly looked at him.

"Uhm...yeah. Why?" Sabi ko sa kanya.

"Can we date?" Sabi nya. I smiled and nodded.

"Okay! Saan?" Sabi ko. Tumingin sya sa akin bago ngumisi. Napakunot naman ang aking noo.

"Basta. Susunduin na lang kita sa Inyo." Sabi nya.

"Okay!" Sabi ko bago tumango-tango.

Anyway, kami na nga pala ni Clark. Halos one year na kaming magkasintahan. Hindi 'yon alam ng mga kaibigan ko. Ang alam lang nila ay nanliligaw lang sa akin si Clark. Ayaw ko na kasing magpa hard-to-get pa dahil baka pagbalik ko makuha pa ng iba. Kaya sinagot ko sya nung birthday nya.

"Kailan ba natin sasabihin sa kanila?" Tanong ni Clark. Agad akong napatingin sa kanya. Tumayo bago umupo malapit sa akin.

"Yung tungkol sa relasyon nating dalawa." Sabi nya.

"Mamaya, siguro?" Sabi ko. Tumango-tango sya.

"Paano kung mag-tampo sila dahil hindi natin agad sinabi ang tungkol sa atin?" Sabi nito. Napabuntong hininga ako.

"Maiinti-----." Natigilan ako ng biglang may pumasok sa bahay nila Clark.

"Anong tungkol sa Inyo? May tinatago ba kayo sa amin, ha?" Gulat kaming napatingin ni Clark kila Chelsey, Ivan, Izzy, at Hazel na kapapasok lang ng bahay.

"May tinatago ba kayo sa amin?" Tanong ni Izzy. Nagkatinginan kami ni Clark.

"May sasabihin kami sa Inyo." Sabi ko. Magsitaasan ang mga kilay nila sa amin.

"Kami na." Sabi ko. Biglang pumitik si Ivan.

"Sinabi ko na sa inyo, e. Oyyy! Akin ng yung one fifty ko." Sabi ni Ivan. Napakunot ang noo ko.

"E kung sapok kaya ang ibigay ko sa'yo!" Sabi ni Chelsey. Sinimangutan sya ni Ivan.

"Bakit hindi nyo sinabi sa amin agad. Kelan pa naging kayo?" Sabi ni Hazel. Umupo sila sa sofa sa harapan namin.

"Simula nung birthday nya." Sabi ko. Nanlaki ang mga mata nila.

"Nung birthday nya pa! E, magbi-birthday na ulit yan next week." Sabi ni Izzy.

"Nakakatampo!" Chelsey said.

"Wag nga kayong isip bata. Suportahan na lang natin silang dalawa sa lahat ng desisyon nila. Ang mahalaga ngayon ay sama sama parin tayo hanggang ngayon. Hindi parin tayo nabubuwag." Sabi ni Hazel.

"Correct!" Izzy said.

"Nakakagulat lang talaga. So kelan nyo balak mag-pakasal?" Tanong ni Izzy. Nabilaukan ako sa sarili kong laway. Nagkatinginan kaming dalawa ni Clark.

"Hindi pa namin alam!"--Me.

"Soon!"--Clark.

Sabay na sabi namin. Gulat akong napatingin ulit sa kanya. Ngumisi sya sa akin bago nagkibit-balikat.

"Bilisan nyo na nang makapagpakasal na rin kami. Ang arte arte naman kasi nito ni Chelsey e." Mahinang sabi ni Ivan. Bigla naman syang hinampas ni Chelsey.

"Narinig ko ang sinabi mo!" Galit na sigaw ni Chelsey. Hanggang ngayon parin talaga, ang lakas parin ng boses ni Chelsey.

Tumingin ulit ako kay Clark. Anong ibig nyang sabihin sa 'soon!'?

"Clark, anong pagkain nyo?" Tanong ni Chelsey. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ginugutom na kasi ako, e!" Sabi ni Chelsey. Napailing-iling na lang ako.

ᴍꜱ. ᴄʜᴜʙʙʏ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon