Ms. Chubby 30 (Curfew?)

485 27 0
                                    

LECKZY'S POV

"Wala na ba kayong naiwan? Ikaw, Babe baka may naiwan ka? Kayo, girls? Clark?" Ivan said. Bad trip ako ngayon, bakit ba kasi si Clark pa ang katabi ko. Nakakainis. Alam ko Isa ito sa plano nila. Ngayon pa lang hindi na ako natutuwa. Nag-pouty lips ako at hindi sila pinansin.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Kuya Kian. Nag-ring ang phone at maya maya lang ay sinagot nya na ang tawag.

"Hello, Kuya Kian! Hindi ka ba talaga sasama? Pinayagan ka na naman ng girlfriend mo ah!" I said and pouted.

"Lecks, hindi talaga ako makakasama. Atsaka, bre-break na kami ni Cleah! Kagabi lang!" He said. Medyo nagulat ako sa sinabi nya.

"H-ha? Why? Okay kayo diba? Bakit kayo nag-hiwalay?" Nalilitong tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Mukhang nakikinig sila, ang tahimik e!

"Lecks, pa-loud speaker naman para marinig namin ang kwento ni Kian!" Ivan said.

"Sinabi ko na e, magbi-break ang dalawang yan!" Chelsey said. Napailing na lang ako.

"Sige na Kuya Kian, mamaya mo na lang ikwento sa akin! Bye!" I said and ended the call.

"Ayy, ano ba yan! Ang damot!"" Chelsey said.

"Diba, kapatid mo naman si Kian bakit hindi mo na lang tanungin sa kanya mamaya. Tapos kwento mo sa akin!" Ivan said at kinidatan pa si Chelsey. Chismosa talaga si Ivan.

"Hindi magku-kweto sa akin 'yun 'no! Magkaaway kami nun!" Chelsey said.

"Ayy, ano ba yan! Bakit mo kasi inaaway ang Kuya mo?" Ivan said.

"Bakit ako, e sya yung nang-aaway sa akin!" Chelsey said.

"Pumapatol ka naman!" Ivan said.

"Pakialam mo ba!" Chelsey said. I rolled my eyes.

"Here we go again!" I whispered. Napatingin ako kay Clark at napansin na nakatingin lang sya sa labas ng bintana.

"Ehem, bakit ka sumama?" I said. He looked at me and raised his two eyebrows.

"To be with you!" Mahinang sabi nya kaya hindi ko narinig. I frowned.

"What?" Nalilitong tanong ko.

"I mean, gusto ko lang din mag bakasyon." He said. I just shrugged and just ignored him. I gasped loudly.

Kinuha ko Ang cellphone at headset ko. Inilagay ko ang aking headset sa aking tenga at nakinig na lang ng music. Maya maya lang ay bigla akong nakaramdam ng antok ipinilig ko ang aking ulo sa kanan at hinayaan ang sarili na makatulog.

Pagkagising ko. Naramdaman ko na may nakayakap ng mahigpit sa aking bewang habang nakapilig ang kanyang ulo sa aking dibdib. Pagkatingin ko dito ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. C-Clark!

"E-Ehem!" Kinakabahang sabi ko. 'Di parin sya nagigising.

Dahan dahan akong gumalaw para magising sya. Naramdaman ko naman ay paggalaw nya. Kumalas sya ng pagkakayakap sa aking bewang. Imumulat ko na sana ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paghaplos nya sa aking kanang pisngi. Biglang bumilis ang tibok ng puso. Iba parin talaga ang epekto ni Clark sa akin.

Naramdaman ko ang pagisod nya. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata para silipin kung saan ma sya nakatingin. Nakita ko na nakapikit na ulit sya pero sa may bintana na nakahilig ang ulo nya.

Biglang akong namula. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pag-ngiti. Andwae! Hindi ito tama. Mahina kong tinampal ang aking pisngi. Hindi ko naman inaasahan na mapatingin sa rear-view mirror. Nakita ko na nakatingin si Ivan sa akin. Nginitian nya ako ng nakakaloko bago tinaas baba ang kanyang kilay. Inaasar nya ako! Shet! Nakita nya lahat ng nangyari.

ᴍꜱ. ᴄʜᴜʙʙʏ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon