isha's POV
Monday ngayon at 2 weeks na rin ang nakalipas simula nang nag start yung school year, nakabihis na kami at kumakain na lang. May sarili kaming bahay so it means nakahiwalay na kami sa mga magulang namin dahil malalaki na rin naman kami at ok lang naman yun sa kanila kasi matututo daw kaming mamuhay mag isa ng walang magulang, sakto lang ang laki nang bahay namin meron kaming 6 bedrooms may mga cr na rin kada kwarto at may dalawang kwarto rin kami dto sa baba, since kaming tatlo lang naman ay mga tambakan na lang namin yun, every sunday lang kami may katulong dahil kaya naman namin ang mga gawaing bahay at ayaw naming laging naka asa. Kahit sila kuya at ate ay may sarili ring bahay, magkakasama rin sila kuya habang si ate ay solo niya lang ang bahay pero nasa iisang village pa rin naman kaming magpipinsan pero ang mga bahay ng magulang namin ay nasa kabilang village aabutin siguro ng mga 20mins papunta sa bahay ng parents namin kung matrafic.
Kumakain na kami ngayon ng umagahan dahil papasok pa kami, ang ulam namin ay ham at tocino lang dahil tatlo lang naman kami at baka di namin maubos at masayang lang.
"May bagong transfer daw ngayon" simula ni avi habang kumakain " at mukhang panibagong pagkakaguluhan dahil mga lalake" dugtong niya pa
"pogi ba??" masayang tanong ni naei "atyaka saan mo nasagap yan??" dugtong niya pa
"sa fb and laman sila ng news feed ko and guess what? sobrang pogi, pero namumukaan ko sila" paliwanag ni avi at biglang nag isip, kumakain lang ako at nakikinig sa kanilang usapan about sa mga bagong lipat. tapos na kami at papasok na nakapag hugas at linis na rin kami bago pumasok para hindi panget tignan kapag uwi. Nagbibike na lang kami papuntang school since walking distance lang naman siya at mas prefer namin ang pagbibike, exercise at tipid gas
ang uniform naming mga girls ay white long sleeve, white blazer na may black linings, grey necktie with a logo and also gray skirt, white socks yung hanggang tuhod at black shoes hindi siya ganun ka taas kaya kahit tumakbo dika matitisod pwera na lang kung dika sanay sa mga lalaki naman ay black version nang sa amin pero naka black slacks sila, white long sleeve, black blazer at white naman yung linings nang uniform nila, grey necktie with logo at black shoes, kahit mga uniform namin may logo rin nang school. yung ityura naman nung logo nang school namin ay bow and arrow, yung bow niya is black tapos yung arrow ay white naman. oh dba ang ganda ang name nang school namin ay "BORROW" kasi yung school daw dati ay isang mansion at dahil walang school dto sa lugar namin ay iyun ang ginawa, hiniram nang mga sinaunang ninuno nang mga dating nakatira dto ang mansion para gawing school, kaya ang name nang school ay borrow at since may katunog ang pangalan nang school kapag mabagal ang pag babasa "bo" at "rrow" kaya ang logo ay bow and arrow. Ang galing at ang ganda noh?
Pag pasok namin ng school ay bubungad yung malaking fountain sa gitna na may bow and arrow na statue kulay black at white. Paglagpas ng fountain ay bubungad naman ang mga 15 sigurong baitang na hagdan at sa magkabilang side nun ay ang mga parking area, pinark na namin ang bike namin at nagsimula ng maglakad papasok ng campus, tapos pag pasok naman ay bubungad naman na ang tatlong building kumabaga yung may hagdan sa harap another entrance ng school, tapos makikita na ang mga classrooms at school building na may 5 floor
"nasaan na sila" takang tanong ko kasi wala kaming nakakasalubong or nakikita man lang na students
"May announcement ba? wala namang naka paskil sa bulletin board" nagtatakang sabi ni avi
"baka naman walang pasok?" biglang sumaya si naei sa naisip niya
"ang tamad mo talaga" sabi ni avi at bumelat lang si naei sa kanya, cute talaga ni naei
"hindi ka-kaya" kinakabahan kong tanong at bigla nila akong binatukan at nag aray sakit ha
"kakanood mo yan eh" naiinis na sabi ni naei at tumawa lang si avi
"eh kasi gantong ganto naman talaga yung nangyayari tapos pag pasok natin jan saka sila mag lalabasan para kagatin tayo" himas batok kung paliwanag ang sakit kaya
"tara na nga pumasok na tayo nang malaman baka nga nasa room na sila" aya sa amin ni avi
"room? eh ang aga pa kaya 9:30 pa ang start nang klase 8:45 pa lang" pinakita pa sa amin ni naei yung phone niya at tama nga siya maaga pa
"kaya nga papasok na tayo dba" pag tataray na ni avi at nauna nang pumasok
"sabi ko nga" sabi ni nae at sumunod na sa kanya
"wag kana kasi sumabat teh ayan tuloy" natatawa kong sabi sa kanya at napa pout naman siya, awww cute pero mas cute ako, hehe
pag pasok namin ay wala pa ring tao kahit yung mga hagdan tinignan namin dahil may mga students na tumatambay doon pero wala, sa locker ay mga wala rin, takte yan kapag sa susunod na pupuntahan namin ay wala pa ring mga tao mag iisip na talaga ako

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...