isha's POV
"sister!" nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ni ate at niyakap ako, nandto rin sila kuya zack, kuya zach at kuya dre. nag tataka ko naman silang tinignan
"ate... anong ginagawa niyo dto sa mall?" tanong ko sa kanila habang humihiwalay ng yakap kay ate
"ok kana ba? yung mata mo medyo namamaga pa" hindi pinansin ni ate yung tanong ko at chineck mata at katawan ko na akala mo nakipag bugbugan ako
"ate AHAHAH ok na ako" mag susure ko sa kanya, napabuntong hininga naman siya at muli akong niyakap ganun din ang nila kuya at naei kaya nag group hug kami
"always remember that we're here for you ok" hinaplos ni kuya zack yung buhok ko kaya napangiti ako, grabe ang swerte ko sa kanila
"hayaan mo kapag nakita ko yun hindi ako magdadalawang isip na bugbugin yun kahit maraming tao" finlex pa ni kuya zach yung braso niya binatukan naman siya ni kuya dre
"kahit kelan ka talaga " nagtawanan kami sa sinabi ni kuya
"teka teka ano nga pala ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila nang matapos kaming mag group hug
"well we're here to support you guys!" nag giggle pa si ate
"ha?" pagmamaang maangan ko kasi hello nandto si kuya zack at kuya dre
"don't worry pumayag na sila zack at dre dahil sinabi ko hehe" natawa naman ako sa sinabi ni ate
"so pinagusapan niyo na ito" nilingon ko silang lahat
"yeah kahit ayoko, sinali pa ako nitong si maecy" naiinis na sabi ni kuya zack kaya natawa kami at nag puppy eyes naman si ate
"ano pa bang hinihintay niyo? excited na ako" nag mamadaling sabi ni kuya zach
dumertyo muna kaming cr para mag disguise alam niyo na safety first, kaming tatlo ay suot suot na yung mga bangs namin at nag lagay ng tig dadalawang nunal sa muka si ate naman ay nagsuot ng wig na maiksi hanggang tenga, bumagay naman sa kanya si kuya zack naman ay naka cap lang at shades, si kuya zach naman ay nag suot ng blonde na wig na bumagay sa kanya, mas lalo siyang nagmukang kpop idol at si kuya dre naman ay nag suot rin ng cup at reading glasses
"teka kulang pa tayo" pagpipigil sa amin ni kuya zach, nag sisang ayunan naman sila maliban sa akin
"bakit kulang? kompleto na tayo ha" binilang kopa sila isa isa at kompleto naman kaming mag pipinsan
"nag text na siya papunta pa lang daw siya so pagusapan na lang muna ulit natin yung gagawin" nilagay na ni ate sa bag niya yung cellphone niya kasi nag basa siya ng text ata or chat
"zack, dre, naei at avi sa likod lang kayo ha" tinuro pa ni ate yung mga binggit niyang pangalan at nag si tango naman sila bilang sagot
I can't believe that kuya zack and kuya dre will be part of our kalokohan AHAHAHA
"pero kung sakaling dumami yung tao ay sa gitna kayo pumwesto na dalawa" tinuro ni ate sila kuya zack at kuya dre, tumango naman sila
"and for me,zach,isha and tan tan... tayo ang bida" masigalang sabi ni ate buti na lang sa hindi kami mataong parte ng mall kundi pagtitinginan kami. dto ulit kami sa mall kung saan namin unang na meet ang domchilin nila *rolled eyes
"tan tan? anong kinalaman niya dto??" pagkasabing pagkasabi ko nun ay may tumawag sa amin
"guys!" nakita naming may tumatakbong lalaki at naka porma na akala mo galing sa meeting may suot rin siyang hikaw
"tan tan? anong ginagawa mo dto?" tanong ko kaagad sa kanya habang nakikipag beso ganun rin ang ginawa nila ate at nakipag fist bomb naman siya kila kuyas
"well I'm part of this AMAZING ACTIVITY" masiglang sabi niya, maka activity naman siya akala mo hindi masama gagawin namin
"siraulo ka" binatukan ko siya napa ouch naman siya "pang professionals lang toh noh" pagyayabang ko sa kanya
"watch and be amaze" kinindatan niya pa ako, nako nako kung hindi ko lang ito pinsan baka pinatos kona ito
Naka angkal ang braso ko sa braso ni kuya zach at nagkwekwentuhan na parang magkasintahan
"he loves you" tinignan ako ni kuya at nginitian, alam ko kung ano ang pinopoint niya
"eh bakit niya ginawa yun" angal ko naman at nalungkot, hindi dapat ako maging malungkot ngayon
"because he has a reason" sagot naman kaagad ni kuya at tinapik ako sa braso
"reason? tsk reason my ass! bullshit" napairap na lang ako. nandto kami para mag enjoy hindi para sa alien na iyun pagod na akong mag emote
nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan ng makita namin si ate at tan tan na magka holding hands at may mga hawak na paper bag, it's time to shine....
"jon?" kunwari nag tataka ako nang lumingon sila sa amin ay umakto silang nagulat
ganto ang gagawin namin... kunwari ako and tan tan are in a relationship then ate is my besfriend then kuya is my kuya, that is our role. binago rin namin mga name namin mae for ate,jon for jonathan, Z for kuya zach and ish for me
"what is the meaning of this?" pagkasabi pagkasabi ko nun ay parang nag flash back yung nangyari kahapon kung saan nahuli ko si nic na may kahalikan pero iyun ay totoo at ito ay gawa gawa lang
"i-ish.."sabay na sabi nila agad na binitawan ni tan tan yung pagkakahawak niya sa kamay ni ate
"mae?" tawag ko sa kanya at nag simulang umaktong umiiyak
"mali ka ng iniisip" depensa kaagad ni ate
"nakita ko na... itatanggi mo pa!? itatanggi niyo pa!?" galit na tanong ko sa kanilang dalawa at tinignan sila
"bakit nagawa mo ito jon?" pasigaw na tanong ko sa kanya, nakukuha naman na namin yung atensyo ng mga tao nakita ko naman sila naei,avi at kuyas na nagsisimula na
"ang lupet mo rin naman pala pare, magkaibigan pa talaga" nakangising sabi ni kuya at bahagya pang tinulak si tan tan nagulat pa ako kasi hindi ko ineexpect yun
"ano bang pakealam mo!?" mayabang na sigaw ni tan tan kay kuya at gumanti rin ng tulak, ok ok magaling na siyang umarte pasok na siya sa grupo namin AHAHAHAH naka experience narin naman kasi sila ate, kuya zack at kuya dre kaso ilang beses lang kasi masama raw
"anong anong pakealam ko!? eh girlfriend ko yan gago kaba" galit na sigaw ni kuya nagulat naman yung mga nanonood kahit sila naei na narinig ko pa na nag oh my god
dahil sa sigaw ni kuya ay mas lalong dumadami yung tao nag sisimula na rin sila. napansin ko pang kila kuya zack at kuya dre ang pansin ng ibang mga babae, grabe mga naka disguise pa lang sila pero lakas na makahatak paano pa kaya kapag totoo nang muka nila edi na tegi na sila AHAHAHA charot

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...