isha's POV
Today is Monday and nandto na na kami sa school papuntang locker para tignan kung nandun yung kwintas ko kagabi pag kauwi ko galing kila mama ay naghanap ulit ako sa kwarto ko kasi baka mamaya na misplace ko lang pero wala talaga, umiyak pa nga ako kagabi kasi dko talaga mahanap
"sana naman hindi natin makasalubong yung ipaktang yun" aga aga ang init ng ulo ni avi
"AHAHAHAH meron kaba" tudyo sa kanya ni naei pero inirapan lang siya
"ay meron nga" siniko niya pa ako para iinform na meron si avi eh naririnig ko naman sila buang talaga
nandto na kami ngayon sa locker at nadismaya ako kasi wala rin siya doon, nasaan kana ba
"wala rin dto eh" malungkot kong sabi sa kanila. kahit sa mga Locker nila ay tinignan nila
"sure kaba talagang hindi mo tinanggal?" pagkukumpirma sa akin ni avi at umiling naman ako, chineck ko ulit ng mabuti pero wala talaga naiiyak naako
"asan kana ba kasi" naiiyak kong sabi
Papunta na kami ngayong room para makaupo dahil maaga pa naman at makapahinga dahil inaantok rin ako, anong oras na ako natapos mag hanap sa bahay
"oohh looks who's here" boses pa lang nakakairita na at mapapairap kana lang
"kakasabi lang eh" mataray na bulong ni avi at nag cross arm
"excuse me lang ha" nagpipigil nang inis ni naei pero inirapan lang siya ni princess, sana tinagalan pa nila eh
"how dare you!" ang isyu nang babaeng ito kainis
"ha! by the way small eart" ngisi niya, pota!? ganda sana eh tanga nga lang bagay talaga sa kanya ang lower section
"ppfft!" pigil naming tawang tatlo
"anong nakakatawa!?" anak ba talaga ito nang mayor, bumulong sa kanya si arumi isa sa mga kaibigan niya at muka namang napahiya siya. bobo ay small eart eh small world yun
"che!" taray niya sa amin at binunggo si avi pero kami ay natawa lang
"AHAHAHAH" halos mapahawak na kami sa tyan kakatawa kahit yung nga nakarinig ay natawa rin
"pota! small eart bobo amputa" napapamura na ako sa kakatawa
"word stellah" napatigil naman kami sa pagtatawa dahil sa nagsalita, pag lingon namin ay nandun yung tatlo na seryoso luh problema nila aga aga ay
"aga aga mga nakabusangot kayo, problema niyo" tanong ni avi sa kanila
"oonga para kayong pinagsakluban ng langit at lupa" nagtataka ring sabi ni naei sa kanila at tinignan ko lang sila pero inirapan lang ako, tanginang alien toh. iniwan na nila kami ditong nagtataka
"problema nung mga yun, may mga sayad ay" nag gesture pa si naei ng kulelat, yung naka turo yung hintuturo sa ulo tapos inikot niya yung hintutura niya. gets niyo? edi hindi
"avi!" napalingon ulit kami sa tumawag kay avi, aba automatic na kapag may isang tumawag or nag banggit ng pangalan namin ay lumilingon kaming tatlo
"nathan?" takang bulong ni avi
eh sino namang hindi magtataka eh nandto sila drew, paano sila nakapasok dto bawal outsider dto
"hi stellah" shet nawala yung lungkot na nararamdaman ko bigla akong kinilig ang ganda naman ng umaga ko
"h-hi anong ginagawa niyo dto?" tanong ko sa kaniya at tinignan sila mga naka uniform din sila, ibig sabihin ay galing silang school nila. sa ibang school kasi sila nag aaral pero malapit lang naman yun dto sa school namin
"wala ba kayong pasok?" tanong ni naei kay rassel at natawa naman siya
"syempre meron, may inutos kasi sa amin dto sa school niyo" ahh ok napatango na lang kami sa sagot ni rassel
"lahat kayo" natatawang turo ni avi kila drew,nathan at rassel
"actually ako lang kaso may gusto daw silang bisitahin" natatawang tinignan ni rassel sila drew at nathan na napa kamot sa mga ulo nila, ha?
Naglalakad na kami papuntang room kasi malapit na rin mag time sila drew naman ay kasabay namin kasi papunta daw silang principal office eh madadaanan yung room namin kaya sumabay na sila
"omg!"
"are they new here?"
"i don't think so, look at their uniform"
"gosh! is that drew?!"
"look it's drew,rassel and nathan!"kanya kanya nilang bulungan habang naglalakad kami papuntang room, yung tatlo naman ay nginingitian sila at bumabati kapag binabati nila. hinatid pa nila kami mismo sa tapat ng pinto akala namin ay mauuna na sila hinatid pa kami kanya kanya naman ulit ng bulungan yung mga nakakakita sa kanila
"here" abot sa akin ng paper bag ni drew at tinanggap ko naman ito
"nagabala kapa ha pero thanks" shete! hinding hindi ako magsasawang titigan siyang nakangiti yung dimple niya ay sobrang lalim at mas lalo siyang cute tignan dahil kapag ngumingiti siya ay sumisingkit mata niya.
Sila naei at avi ay pumasok na napansin ko ring may bitbit silang paper bag
"sige ha una na ako" papasok na sana ako kaso hinawakan niya braso ko napatingin naman ako sa gawi nila dominic at ang sama nang tingin niya sa akin, tinitignan niya ako at yung kamay ni drew na nakahawak sa akin
"ba-bakit" diko alam pero kinakabahan ako
"drew may susunod pa naman eh AHAHAHA" pang aasar nila nathan dko alam pero kinilig ako AHAHAHAH nahahawa na ako sa kabaliwan ni naei.
kung hindi pa siya hinatak nila nathan ay dipa siya aalis ano bang problema nun may pasok rin kaya sila pero bumalik siya at nabigla ako sa ginawa niya, niyakap niya ako at hinalikan yung ulo ko, ano yun! para saan yun!?
"nice one!" nakipag apir pa siya kila nathan at nagtawanan sila
"Ayieieieie" kanina pa ako tinutudyo nila naei last subject na namin ngayong umaga at mag lulunch time na at may kausap si ma'am sa labas kaya maingay kami
"an-ano ba" kanina pa ako namumula dahil sa dalawang ito, epal sila kinakalimutan kona nga eh
"ano yun ha" tudyo sa akin ni avi at kiniliti ako sa tagiliran
"ano ba avi kanina kapa ha" kunwari naiinis ako sa kanya
"oonga! bakit may pahalik at yakap, ano yun isha!" dko alam kung si naei ba o ako ang kinikilig eh, mas kinikilig pa siya sa akin
"hindi ko alam ok, kahit man ako nagulat" paliwanag ko sa kanila, pero pagkatapos niya gawin yun ay isa lang naramdaman ko kinilig ako siguro kung nasa bahay ako ay magtatatalon na ako sa saya, aba sinong hindi eh niyakap ka ng crush mo
"kayo naba ni drew" itong babaeng ito masasapak kona toh eh
"ano ba naei hindi pa kami ok" kainis siya ha
"pa!? oh my gosh! so may balak ka!" mas lalo nang kinilig si naei dahil sa sinabi ni avi, ang lakas talaga ng pandinig nang babaeng ito ako naman ay namula at dko alam sasabihin ko
"pero bagay naman kayo ni dr--" dina natapos ni naei ang sasabihin niya nang biglang nag dabog si dominic, napansin ko kanina pa sila tahimik kahit si drish ay hindi kinulit si naei
"sige ha una na ako" panggagaya ni dominic sa sinabi ko kanina at inirapan ako,what the! problema nang taong toh tatanungin ko na sana siya pero bigla siyang umalis at sumunod naman yung dalawa. kahit yung mga kaklase namin ay nagulat rin
"problema ba nung mga yun kaninang umaga pa sila" takang sabi ni avi at nagkibit balikat na lang ako
"at saan sila pupunta wala pang lunch time at nasa labas lang si ma'am" nagkibit balikat na lang rin ako sa sinabi ni naei
Sa likod kami nag lunch at ulam pala ang binigay sa amin kanina nila drew at may letter pa akong nakita sa binigay sa akin "enjoy, i hope you like it" kaya kinilig naman ako, masaya naman naming kinain ang binigay nila at ang baon namin na niluto ko, marunong rin akong magluto ha pero kasi may pagkatamad ako kaya si avi ang naghahanda palagi sa amin. uwian na ngayon at hindi na pumasok yung tatlo hinanap pa nga sa amin eh malay ba namin atyaka bakit sa amin tinatanong

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...