isha's POV
"Hindi kna ba sasama??" tanong ko kay avi na naglilinis nang bahay
"hindi na sa susunod na lang ako kailangan ko maglinis ng kwarto eh" sabi ni avi at naglinis na ulit ng kwarto niya wala si naei ngayon nandun sa kanila kaya kaming dalawa lang ni avi ang nandto
"sige una na ako ha, tawagan mo ako kapag may kailangan ka" umalis na ako at pumunta sa garahe, mag kokotse ako dahil pupunta pa akong mall para bumili ng mga groceries para sa mga bata
Papunta na akong mall ngayon mga 30mins pa bago ako makakarating doon kaya habang nag dridrive ako ay kumakanta ako, ako lang naman mag isa eh. Pagkatapos kumanta nila drish ay inaya na namin sila sa table namin at ang bilis nila maging close sila kuya at ate at naginuman rin sila pero hindi nag lasing ha,pagkatapos ay kinanta namin yung request ni ate sa amin at sobrang saya walang asaran or bangayan na nangyari masaya lang kaming nag inuman. Pagkarating ay nag park na ako malapit sa entrance dto na ako nag park kasi marami akong bibilhin, hindi ito yung mall na pinagnakawan namin kung saan una naming nakita ang domchilin,oo sila yun kaya nga nagulat si avi kahit man ako hindi makapaniwala tapos classmate pa namin
Dumertyo na ako sa department store at kumuha ng dalawang malaking cart ako ata si isha kayang kaya ko yung dalawa noh wag nga lang mamalasin sa gulong, at kakasabi ko lang na wag sana akong malasin sa gulong pero yung isang push cart ay maingay at gumegewang gewang yawa yan. bawat aisle ay dinadaanan ko nandto na ako ngayon sa candy aisle at puno na yung isang cart ko ng mga can goods at kung ano ano pang klase ng gulay at meats, kumuha ako ng prutos, bubble joe, gummies, lollipop at kung ano ano pa lahat nang klase ng canday na-nandto ay kinuhaan ko di kasi ako makapa pili eh, pagkatapos ko ay lumipat naman ako sa drink aisle at kumuha nang yakult, Chuckie, choc-o, dutcmill, zesto, at kahit soft drinks pero mga maliliit lang, pumunta naman ako sa mga biscuit at snacks aisle habang kumukuha ako ay may nabunggo ako kaya nag sorry ako pero pagtingin ko ay dko inaasahang makikita ko siya dto
"dominic, ikaw pala yan" nagulat ako kasi dko inaasahan na pupunta siya dto at mag grogrocery
"hi" awkward na bati niya sa akin, yawa toh akala mo hindi ko naka inuman kagabi at naka kwentuhan
"AHAHAHH hi, ano nga pala ginagawa mo dto" nakangiting tanong ko sa kanya at dumampot nang lays at cheese ring
"grocery ubos na kasi stock eh" simleng sagot niya at kumuha naman ng callbee na nasa tabi ng cheese ring, kumuha na rin ako kasi masarap yun
"ahh" tumango tango at lumakad nang konti at hinatak yung cart na nasa likod ko at tinulak naman yung cart na nasa harap ko
"birthday mo?" tanong niya sa akin kaya natawa naman ako
"AHAHAHHA hindi malayo pa birthday ko and about this, ay may bibisitahin kasi ako" nakangiti kong sagot sa kanya
"mmhh ok, ikaw lang ba? kaya moba lahat yan? let me help you" sunod sunod na tanong niya
"ano kaba ako paba!? yakang yaka kona toh pero salamat" kaka touch naman siya, mabait naman talaga siya eh topakin at may pagka alien nga lang AHAHAHAH
"Sige ha una na ako bye" kumaway ako sa kanya at tumango na lang siya aalis na rin naman na daw siya eh, lumipat na ako sa kabilang aisle section nandto naman yung mga condiments, nahihirapan akong hatakin itong isang cart dahil gumegewang siya at maingay kaya hirap na hirap ako pero biglang gumaan at nakita ko na tinutulak iyun ni dominic
"oh akala koba aalis kana" nagulat ako sa kanya
"yup pero wala naman na akong ibang pupuntahan eh kaya tutulungan nakita" dahil mapilit siya ay hinayaan kona siya, sabi ko ako na magbabayad ng mga binili niya dahil maliit lang naman na basket iyun at pang thankyou ko na rin pero ayaw niya
ang dami naming bitbit na plastic palabas may lumapit lumapit pa ngang isang security guard at tinulungan kami siya na ang nag dala nung mga plastic bag na hindi na kasya sa cart, pagdating namin sa sasakyan ko ay pinababa kona doon
"thankyou kuya" tumango lang sa akin yung guard at umalis na, bait ni kuya God bless you
"sakto lang pala dto rin ako naka park" biglang tumunog yung katabi sasakyan nang sasakyan ko, shete! sakanya itong super car or kung tawagin ng iba ay exotic car. nahiya yung SUV ko ha yawa yan edi siya na mayaman
"sayo yan!?" di makapaniwalang tanong ko
"yup" natatawang sabi niya at pinakita pa yung susi, ang ganda ng susi kakulay nung sasakyan niya silver and red
"tangina" sa sobrang mangha ko ay napapamura na ako
"words stellah, kababae mong tao nag mumura ka" inis na sabi niya
"at bakit!? lalaki lang pwedeng magmura? atyaka ikaw ha talagang stellah na rin tinatawag mo sa akin" hay nako since maganda naman pakinggan kapag tinatawag niya ako kaya hahayaan kona lang
"why? si drew nga pinayagan mo ako pa kaya" bulong niya pero narinig ko yun
"huy narinig ko yun ha" pinanlakihan ko siya nang mata at nginisian lang ako tapos ginulo pa buhok ko, ano ako aso!?
"mukha ba akong aso" inis na tanong ko sa kanya
"yeah whatever! anyway sure kabang dimo na kailangan nang kasama" tanong niya sa akin tapos na rin naman na ilagay lahat nang mga pinamili ko eh at dederetyo na akong orphan
"bakit gusto mo bang sumama? pwede naman" pagbibiro ko sa kanya pero ngumisi lang siya, takte yan abnormal ay
"ok" sabi niya at sumakay na
"anong ok? sasama ka talaga?! nag jojoke lang ako" sigaw ko sa labas ng bintana niya katakot hawakan kasi baka magasgasan mag bayad pa ako ng wala sa oras
"ano pang hinihintay mo?! tara na" tignan mo tong lalaking toh galit nanaman, abnormal talaga ipapakunsulta kona talaga siya.
nakasunod lang siya sa akin yung sasakyan niya kasi hindi naman niya alam kung saan ako pupunta, after 30 mins ay pumasok na ako sa katabing kanto ng village kung saan nakatira sila mommy,mamayang gabi kona lang siguro sila bibisitahin namimiss kona rin sila.

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...