FYI 28

3 0 0
                                        

isha's POV

Papasok na kami ngayon sa school kaka park lang namin nung bike at masaya kaming nag uusap na tatlo nang may tumawag sa amin. dko alam pero bigla akong nalungkot

"avi!" tawag ni leen kay avi pag lingon namin ay nakita namin silang tatlong magkakasama, ngayon lang sila nalate ng pasok ah,hindi pa naman time pero kasi lagi silang nauuna sa amin. akala namin silang tatlo lang pero may mga kasama sila... yung babaeng kasama rin nila kahapon dahil medyo malapit sila sa amin ay nakikita namin yung mga mukha ng kasama nila isa lang masasabi ko magaganda sila. siguro mga model at flight attendant sila dahil matatangkad, masaya silang nag kwekwentuhan. akmang lalapit sa amin si leen at nung mga kasama niya ay umalis na kami

pag dating namin sa room ay tahimik lang kaming tatlo si avi naman ay malungkot nanaman habang si naei ay naka simangot

"ok ka lang??" tanong ko kay avi hinarap naman niya ako at nginitian pagkatapos ay dumukdok na

Hindi namin pinansin yung tatlo na kanina pa kami kinakausap at tinatawag, kahit nung pagdating nila ay hindi namin sila pinansin si drish na kanina pa kinukulit si naei ay hindi rin siya pinapansin, ngayong lunch time ay naisipan naming lumabas at maglakad lakad kahit tanghaling tapat hanggang ngayon ay wala pa rin akong gana kumain kahit yung dalawa. pabalik na sana kami ng school may tumawag sa akin

"stellah!" tawag sa akin ni drew, pero bakit hindi ako masaya nang makita ko siya??

"hi" awkward na bati ko sa kanya, ngumiti naman siya ng sobrang tamis at ginulo buhok ko pero hindi man lang ako kinilig

"papasok naba kayo??" tanong sa akin ni drew tumango lang ako sa kanya at nag lakad na ulit, nahuhuli kaming dalawa habang sila avi,naei, nathan at rassel ay nauuna sa amin na masayang nag uusap buti naman at masaya na ulit si avi

"are you ok??" nag aalalang tanong niya sa akin hinipo niya pa noo ko

"yeah, sorry wala lang ako sa mood" sabi ko kay drew at binigyan ng pilit na ngiti at bumuntong hininga. hindi na siya nag salita pa ulit pero sinasabayan niya ako sa paglalakad

"anong tawag sa runner na banana??" nakangiting tanong sa akin ni drew, nag tataka ko naman siyang tinignan anong sinasabi niya

"ha?" nagtataka king tanong, nginitian naman niya ako

"kako anong tawag sa runner na banana" masayang ulit niya, hindi ko alam isasagot ko

"a- ano?" tanong ko sa kanya at medyo lumayo siya sa akin

"edi turon turon turon ton ton 2x" natawa naman ako sa ginagawa niya para siyang cowboy na may hawak na tali

"ito pa, paano paalisin ang banana?" masayang tanong niya sa akin

"ano" natatawang sagot ko sa kanya

"alisin mo yung "b" anana" natawa nanaman ako sa kanya, nag gesture siya nung wala na yung parang welcome gesture AHAHAHA gets niyo? edi hindi!

"oh iyan tumatawa kana" nakangiting sabi niya sa akin at ginulo ang buhok ko

"AHAHAHAH salamat" hindi ako maka get over yawa, kulang na lang humiga ako sa sobrang sakit ng tyan ko

"your welcome, ikaw paba" masayang sabi niya sa akin at kinindatan ako, shet kinikilig na ulit ako!

"nasan na sila Naei" tanong ko sa sarili ko. hindi ko namalayan na nandto na pala kami sa gate ng school wala sila naei at avi sila rassel at nathan din ay wala na

"nauna na sila" sagot ni drew sa tanong ko

"ha? hindi man lang nila ako hinintay" napa pout naman ako, kainis sila avi mamaya sila sa akin

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now