FYI 55

1 0 0
                                        

isha's POV

Hanggang ngayon ay magkalapat pa rin yung labi namin at gulat na gulat pa rin shete kang alien ka

"I'm sorry" nang humiwalay siya sa paghalik niya sa akin ay bigla niya akong niyakap, ako namam ay parang estatwa pa rin

"hindi ko na mapigilan sarili ko... gustong gusto na kitang yakapin, halikan at higit sa lahat hawakan. you're making me crazy... stellah" para naman akong nagising sa pagtawag niya sa akin, bakit parang naiiyak ako

"ano?" dko na napigilan sarili ko at naluha na

"hey hey sorry ok I'm sorry, pls stellah forgive me" pagsusumamo niya sa akin at hinawakan yung dalawang kamay ko

"gago kaba *sniff" bahagya ko pa siyang sinuntok

"matapos mo akong hindi pansinin at lokohin, pakyu ka" humagulgol na ako, niyakap naman niya ako

"sorry baby I'm sorry, nasaktan kasi ako" nagtataka ko naman siyang hinarap

"so ako pala may kasalanan ganun" sarcastic kong tanong sa kanya dali dali naman siyang umiling

"no no, remember your birthday?" tanong niya sa akin at pinunasan luha ko

"oo naman, sinong hindi makakatanda doon lalo na ako, nakita lang naman kitang may kahalikan and sinabi mo pang girlfriend mo!" inis na sigaw ko sa kanya, ngayon nagagalit naman ako

"i saw you and drew talking... i was about to call you when you said i love you to him too, so i thought you're just using me to get closer to him. I'm sorry, dahil sa nararamdaman ko ay umalis na ako at nagawa yun hindi ko hinintay yung idudugtong mo and i didn't give you a chance to explain... I'm really sorry baby" mahabang paliwanag niya lalo naman akong naiyak

"drew already explained to me" dugtong niya pa bigla ko naman siyang niyakap

"i hate you! i hate you!" umiiyak kong sabi at hinampas hampas likod niya, tumawa naman siya

"i love you" natatawang sabi niya, mas lalo ko naman hinigpitan yakap ko sa kanya

"bati na tayo?" tanong niya sa akin at hinarap sa kanya pinunasan naman niya yung luha ko na nahalo na ata sa sipon AHAHAH

"no! matapos mo akong saktan ganun ganun na lang yun!? utot mong alien ka!" sigaw ko sa kanya at tinawanan nanaman ako

gosh! I miss him! kahit na nakikita ko naman siya  parati, i really really miss him lakas nang tama ko sayo alien ko... ngayon masaya na akong ok na kami parang nakompleto na ulit yung pagkatao ko

"so bati na kayo?" tanong sa akin ni avi tumango naman ako. nandto na ulit kami sa loob ng bar at umiinom na kwento kona rin sa kanila as in sa kanilang lahat kahit kila kuya max, ate mayra at kuya allen tuwang tuwa pa nga si ate mayra eh AHAHAH

"ano ba iyan walang thrill! dapat may pa habol habol or suyo ganurn" natawa na lang kami ni avi sa sinabi ni naei, kaming tatlo lang ang nandto sa table at yung iba ay nasa stage pa sumasayaw ulit sila nic at drew naman ay naguusap hindi naman ako kinakabahan dahil alam ko namang hindi magbubugbugan yung magkapatid na iyun

"Naei malapit na tayo tama na angal saglit mo nga lang binuhat yan eh, atyaka ito na yung pinto oh" naiinis na sigaw ko kay naei na medyo malayo sa akin

"eh ang bigat bigat kaya!" inis rin na sigaw niya sa akin, napailing na lang ako at binuksan na yung pinto ng bahay

"hay sa wakas!" pagkalapag na pagkalapag ko ay nagunat kaagad ako, galing kasi kami ni naei sa grocery store dahil wala na kaming maluluto at makakain dahil ubos na mga stock namin. si avi naman ay naiwan para maglinis atyaka tinatamad daw siya

"yawa ang bigat!" natawa na lang ako sa pagaangal ni naei binagsak niya nga kaagad eh pero buti na lang walang babasagin sa bitbit niya

"asan na si avi!? bakit hindi man lang tayo tulungan kainis yung babaeng yun ha" nanggigil na sabi ni naei

"kumalma ka nga naei" natatawang sabi ko sa kanya pero inirapan lang ako

maaga kasi kaming nag grocery dahil maaga kaming nagising, hindi naman kami nagtagal sa bar dahil maagang umuwi sila ate mayra kaya umuwi na rin kami. nakwento kona rin kila ate at kuya yung nangyari sa amin ni nic yung reaction pa nga ni ate ay sobrang saya na akala mo hindi pinanggigilan at nagalit kay dominic, sila kuyas naman ay sinabing gusto daw nilang makaharap si nic

"huy babae ka! aga aga niyan ah" sigaw ni naei mula sa kusina nagtaka naman ako kaya sumunod ako, nakita ko si avi na nasa counter at umiinom ng... wine?

"shete ka problema mo?" tanong ko sa kanya at tinignan yung iniinom niya, hindi naman niya ako sinagot

"nag away ba kayo ni leen? ayan sabi ko sa inyo eh walang poreber" panenermon ni naei natawa naman ako kasi tunog na tunog yung letter R, inirapan naman siya ni avi at uminom ulit

"teh gurl may drish ka kaya wag kang better parang hindi ka inlove ha" pangaasar ko sa kanya namula naman siya AHAHAHAA

"ayoko na" nagulat na lang kami naei sa biglang pagiyak ng babaeng ito

"huy! anong drama ba yan" inalo naman siya ni naei pero nandun pa rin yung pang aasar

"huuuwaaa!" iyak niya pa tinignan ko naman siya walang luha pero umaatungal, baliw ay

"sige iyak ka lang dyan, painom nga" agaw ko sa hawak niyang wine dali dali naman siyang gumalaw para kunin sa akin pero nainom ko na, nagtaka naman ako sa lasa

"shete kang babae ka! coke ito eh!" sigaw ko at natatawa na rin, humagalpak naman siya ng tawa nagtaka naman si naei kaya tumikim rin

"buset ka! coke nga" inis naman niyang pinalo palo si avi na tawa ng tawa

"WHAHAHAH ang epic ng muka niyo WHAHAHHA" hagalpak ni avi at humiga na sa sahig

"coke nga! akin toh eh nakalimutan kong inumin kaya wala ng spirit " natawa naman ako, naisahan kami dun ah

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now