FYI 2

4 0 0
                                        

isha's POV

Nandito na kami sa bahay at inaayos yung mga nanakaw namin dahil swerte kami ngayon marami rami rin kaming nakuha este nanakaw AHAHAHHA. Hinihiwalay namin yung mga ibabalik at ipamimigay, o dba mabait kami kasi ibabalik pa namin sa kanila pero hindi mismo sa kanila edi nakulong kami, sa police station namin inaabot para sila na mag bigay pero syempre iiwan lang namin sa labas para hindi mahuli or mag tanong pa mahirap na, pero kahit naman na mahuli kami ay makakalabas rin kasi may kamag-anak kami sa loob so there's nothing to worry.

"swerte talaga natin ngayon" masayang sabi ni Nae at masayang hinihiwalay yung mga laman ng wallet at relo

sa wallet pera lang kinukuha namin at dina binubuksan yung mga singit singit kasi baka mamaya may importante doon eh mawala pa namin kawawa yung may ari nanakawan na nga nawalan pa ng mahalagang bagay. Ang mga kinukuha lang namin is pera dahil iyon lang naman talaga yung target namin, pagtapos naming makuha lahat ng pera ay nilagay na namin sa paper bag na maganda yung mga wallet at mamayang gabi ay dadalhin na namin sa police station

"avi natawagan mo naba sila kua zack?" tanong ko kay avi at umiiling kaya agad naman niyang tinawagan sila kua para maipadala na ito at maasikaso na nila, after 10 mins. ay nakarating na rin sila at gulat na gulat

"what the!" nagulat si kuya zach sa nakita sa dinning table namin "kaya pala ang lakas nang loob niyong mag bigay" dugtong niya pa at hinawakan yung apat na kumpol ng pera

"girls! i thought tumigil na kayo?" galit na tanong ni kua andreas sa amin

"kuya hindi naman kasya yung mga binibigay namin dahil marami sila at kailangan buwan buwan tayong mag padala sa kanila" paliwanag ni avi kay kuya andreas

"eh paano kung nahuli nanaman kayo" galit naman na tanong rin ni kua zach

"hindi naman eh" akala mo pinagalitan nang tatay si naei

" i will tell them" sabi ni kua andreas at nag simulang kalikutin yung cellphone niya

"n-no kuya" inaagaw ni avi ang phone at parang nagmamakaawa

"kuya andreas last na ito" sabi ko sa kanila si kua zack naman ay tahimik lang sa gilid at pinapanood kami samantalang kaming lima ay nag kakagulo na dahil sa takot na baka ma grounded nanaman kami

"but little sis and cous, you know it's wrong don't you?" tanong sa amin ni kuya andreas

tumango naman kami at nag makaawa sa kanyang wag na kami isumbong at gusto lang naman naming tumulong kahit na alam ko or namin sa sa maling paraan kami kumukuha pero gusto talaga naming tumulong

"last na talaga ito mga kuyas, promise" sabi ko sa kanilang tatlo at nag pa cute

"fine! but pls! just pls girls wag niyo nang ulitin dahil baka mapahamak kayo" nag aalalang sabi sa amin ni kua andreas

"yes kuyas" sabay na sabi naming tatlo at niyakap nmin silang dalawa

"aba hindi toh pwede, pagalitan niyo pa sila dahil hindi nila ako sinama" naiinis na sabi ni kuya zach at umaktong nagtatampo

"isa ka pa eh" inambahan siya ng suntok ni kua zack pero dahil nga magkayakap kami ay di siya makalapit kaya natawa na lang kaming lahat

kung nagtataka kayo kung saan napupunta mga nananakaw namin, sa orphan namin dinadala o dba di lang kami magnanakaw, mabait na magnanakaw! aba saan ka nakakita ng magnanakaw na tumutulong? syempre kami lang! Actually may mga kaya naman kami i mean parents namin sila naging reason kung bakit kami may kaya, ayaw naming umasa sa pera nila pwera na lang sa tuition nmin. Alam nilang tumutulong kami sa mga orphan pero di nila alam na nagnanakaw kami basta ang alam nila is yung perang binibigay namin ay akala nila sa perang binibigay nila sa amin nanggagaling, kaya natatakot kaming baka magsumbong nga sila kuyas

ako, si avi at si naei ay magpipinsan, ang mga papa namin ay magkakapatid, si avi ay may kapatid at yun si kuya andreas meron rin siyang baby sister na si ande, si naei naman ay may dalawang kuya si kua zack at si kuya Zachary or kuya zach, hindi sila kambal ha AHAHAHAH maraming nagaakala na magkambal sila dahil sa pangalan pero 6 months lang tanda ni kuya zack kay kuya zach, at ako naman ay may ate, si ate maecy or ate mae kaso wala siya ngayon dto dahil may work siya, malaki gap namin kaya maraming nagsasabi na baka si ate talaga nanay ko at hindi si mama dahil mas hawig kami kesa kay mama or papa. Hindi daddy or mommy tawag nmin sa parents namin dahil masyadong pangmayaman AHAHAHHA atyaka parang pang billionaire parents lang pwede itawag yun, for me ha, wag kayo ano

sa kanilang tatlo si kuya zack ang parang tatay namin since siya ang pinaka matanda sa aming pito na magpipinsan si kuya zach naman ay yung isip bata at kasama namin sa kalokohan si kua andreas naman ay ang pinaka mabait wag mo nga lang sasagadin dahil mas matindi siya magalit kay kuya zack, si ate naman ay ang mataray at sakto lang AHAHAHA sakto lang kasi may time na parang nanay at tatay siya, may time na parang bata, at may time na ate talaga siya gets niyo? basta ganon siya kaso dahil nga nag wowork na siya ay bihira namin siya makasama, kasama siya nila mama mag handle ng company namin.

kilala ang pamilya namin dahil sa product namin na lotion at undergarments, marami ring gusto mag invest kaya magaan ang company nmin.

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now