isha's POV
Nandto na kami sa tapat ng bahay nila drish and sobrang laki na bahay nila! first time namin makapunta dto shete! mas malaki pa sa bahay nila mama. nandto kami sa gilid nang gate nila at kanina pa tinitext ni naei si drish na sunduin kami dto sa labas kahit na sinabihan na kami ni drish kanina na pumasok lang kami, eh sa mahiyain kami kahit na mag nanakaw kami AHAHAHHA
"ano na? nag reply naba?" tanong ni avi kay naei na kanina pa gigil na gigil sa cellphone niya
"hindi nga eh! kainis na lalaki yun ilang beses ko ng tinawagan" naiinis na sabi ni naei at sinubukan ulit tawagan si drish
"si leen na lang kaya" suggestion ni naei pero umiling lang si avi
"cannot be reached din siya eh" simpleng sagot ni avi at umiling iling
binaba naman niya yung dress na suot niya she's wearing a Asymmetrical dress na red and bagay sa kanya kasi matangkad siya at may kurba ang katawan at nakalugay lang ang buhok niyang cinurl, si naei naman ay bouffant dress white na nagpabagay sa height niya kasi maliit siya she looks like a kid AHAHAHHA at ako naman ay naka suot ng strapless dress na black with a messy bun, hindi ako sanay mag suot nang ganto kaya hatak ako ng hatak pataas ng suot ko dahil piling ko konting galaw ko lang ay nahuhubadan ako, si ate ang nagpasuot sa akin nito, ayaw ko nga sana kaso mapilit siya and wala namang binigay na dress code drish eh
"sorry girls madami kasing bisita eh" humihinging pasensya ni drish na makita niya kami kumamot pa siya sa ulo niya
"ok lang" nakangiting sabi ko at binati siya at inabot yung regalo niya ganun din ang ginawa ni avi, siya lang ang nandto siguro wala pa sila nic at leen
"oh bakit ganyan ka makatingin, eh maraming tao sa loob" natatakot na tanong niya kay naei na masama ang tingin sa kanya
"ang tagal mo kaya! agghh! pasalamat ka birthday mo dahil kung hindi nasapok na kita, ha!" inambahan pa ni naei si drish na babatukan siya pero si drish ay natawa lang
"oh!" hinampas ni naei yung regalo niya sa dibdib ni drish kaya napadaing siya
"grabe naman mag abot parang hindi ko birthday" nag tatampong sabi ni drish at ngumuso natawa naman kami ni avi sa harap namin
"oona oona!" pag surrender ni naei "ngayon lang ako hindi mang aaway sayo" dugtong niya pa at ngumiti, ngumiti rin si drish sa kanya
"asan bati ko? and kiss?" pang aasar ni drish at aangal sana si naei ng tignan siya ni drish ng kakasabi mo lang look AHAHHAHA
"che!" pagtataray ni naei natawa naman kaming tatlo
"drish! nandto ka lang pala kanina kapa namin hinahanap" salubong sa amin ni leen at umakbay kay drish
"hi naei, hi isha ganda natin ngayon ha" ganado at pangbobola sa amin ni leen
"ngayon lang? tagal na kaya" nag flip pa ng hair si naei kaya natawa nanaman kami sa kanya, lakas ng amats ng babaeng ito
"h-hi avi" nahihiyang bati ni leen kay avi si avi naman at namula. nakapag usap na sila kanina nung iniwan nila ako hinatak rin pala silang dalawa nila leen, akala ko iniwanan na ako
"h-hi" nahihiyang bati rin ni avi
iniwan na namin yung dalawa kasi mukang wala pa silang balak umalis sa gilid gilid pa talaga nila nakuhang mag date jusme AHAHAHHA nakasunod lang ako kila naei at drish the moves din itong si drish eh kasi nakahawak siya sa bewang ni naei dahil inaalalayan niya ata sa sobrang daming tao eh marunong naman mag lakad at tumayo mag isa yun. Nakasunod lang ako sa kanila at medyo nauuna na sila dahil naiipit na ako sa sobrang daming tao gusto kong sumigaw ng hello!? nandto pa po ako! pero wag na, sinabi ni drish na night party pero hindi ko iniexpect na club pala ito chareng AHAHAHA eh kasi maraming taong nag sasayaw sa entrance
piling ko nalulunod na ako sa sobrang daming tao at mahihilo na ako kakalingon dahil hindi ko makita sila drish, lingon lang ako ng lingon ng may naramdaman akong humawak sa braso ko at nilayo ako sa maraming tao nandto kami sa gilid kung nasaan ang mga table nilingon ko ang paligid at malapit sa pwesto ko yung mga pagkain bigla ata akong nagutom. nilingon ko rin kung sino yung humatak sa akin pero hindi ko ineexpect na makikita ko siya dto, nakangiti siya sa akin ngayon
"drew?" hindi makapaniwalang banggit ko sa pangalan niya
"your dress... your dress suits you" nakangiting puri niya sa akin kinilig naman ako sa sinabi niya, gusto ko siyang suntukan tapos sabihin enebe pero wag na lang, cringe! AHAHAHAHA
"tha-thanks" nahihiya kong sabi at napakagat sa labi dahil pinipigilan ko sariling kong ngumiti dahil sa sobrang kilig
"i-ikaw rin" puri ko rin sa kanya he's wearing a black tuxedo and black necktie, kahit sila drish at leen ay tuxedo rin ang suot but drish necktie is color white while leen is gray
"a-ano nga pala ginagawa mo rito? did drish invite you??" tanong ko sa kanya, close rin ba sila?? pero bakit hindi ko naman ata nakitang nag usap sila drish?? and mukang siya lang ang nandto kasi kung nandto rin sila nathan at rassel ay paniguradong magkakasama silang tatlo
"my parents and his parents are friends" paliwanag niya sa akin at napatango naman ako at napa bulong ng ok
mag sasalita pa sana siya ng may tumawag sa kanya
"van! nandto ka lang pala" bungad sa amin ng magandang ginang siguro ka age niya lang sila mama, nakipag beso beso siya kay drew, alam kong si drew ang tinawag dahil ang full name niya ay Drew Van Rosales
"hi mom" bati niya sa babae, gusto kong ngumanga sa pagkagulat na nanay niya itong kasama namin shete! ang ganda! pero syempre mas maganda mama ko
"who is this beautiful woman with you" nakangiting tanong ng mama niya sa kaya, hindi na ako mag tataka kung kanino nag mana si drew ngumiti pareho sila ng mom niya na happy go lucky person. namula naman ako sa sinabi ng mama niya beautiful daw? AHAHHAHA maabutan nga mamaya ng pera chareng AHAHAHH
"she's Maisha stellahn, my--" hindi natapos ni drew ang sasabihin niya ng biglang may nagsalita salikod nila
"nandto ka lang pala, sabi ng kapatid mo nauna kana daw" inakbayan siya ng lalaki na gwapo shete ilan taon na kaya siya? ang pogi niya yung jawline niya! ang perpek! shete
"hi dad" masayang bati ni drew, what the!? tatay niya yan!? yawa ibig sabihin magkakagusto pa ako sa matanda? pero hindi siya mukang may asawa't anak na
"oh hi young lady, I'm Ian drew's dad and this is my wife Vanessa" nakipag kamay sa akin tatay niya nag dalawang isip pa ako kung makikipag kamay ako
"who is she son?? is she your girlfriend?" namula naman ako sa sinabi ni no sir ian
"we're friends po sir ian" nahihiyang pangkokorek ko hindi naman sa ayaw kong maging boyfriend si drew ha kundi dahil hindi naman totoo
"what!?" nagulat ako sa biglang pag sigaw ni ma'am vanessa, buti nalang malayo kami sa maraming tao
"she's not yet your girlfriend!?" gulat na tanong niya, kinilig naman ako gusto kong tanungin na bakit tita bagay ba kami ng anak niyo hehe AHAHAHAH cringe
"mom" pagbabawal ni drew sa mama niya "she's just my Friend" dugtong niya pa, ouch just huhu
"yes po ma'am vanessa friend lang po kami" nakangiting sabi ko sa kanya
"drop the ma'am, just call me tita... tita van" masayang sabi niya at hinawakan pa kamay ko, nahiya naman yung kamay kong kaka linis lang sa kamay ni tita van sa sobrang puti
"mom dad" nagulat ako sa biglang pag tawag ni nic sa mama at papa ni drew, what the. nakipag beso siya sa parents niya
"hi nandto kana rin pala" bati sa kanya ng mommy niya at umangkal sa braso niya, naka angkal pareho ang kamay ni tita van sa braso ni drew at nic habang nasa tabi ng ni drew dad nila, tinignan ko silang apat and i want to shout. pota!?
"mag kapatid kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko, tinuro ko pa silang dalawa.

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...