FYI 5

5 0 0
                                        

isha's POV

Nagising ako dahil sa pagtapik sa akin nila avi kaya papungay pungay pa ko nang inangat ulo ko, wala pa si ma'am pero nag riring na yung bell kaya umayos na ako at hanggang ngayon ay iyun pa rin ang topic nila

"ok class that's enough, go back to your proper seats" bungad sa amin ng Math teacher slash adviser namin na si ma'am meyan

"ok class good morning" nakangiti niyang sabi

"good morning ma'am" bati namin sa kanya at umupo na ulit

"before we start, I'd like to announce that you will have your new classmates and i guess kilala niyo na sila" nakangiti niya pa ring sabi sa amin

"oh my! i told you! dto na rin sila mag aaral" kinikilig na sabi nang mga kaibigan ni nics na class president namin

"oonga! at classmates pa natin, waaahhhh" grabe naman makatili yung katabi niyang si nicole

"tss mga pasikat" angal naman na mga grupo ni jules, pogi rin naman si jules at kaya lang naman siya ganyan dahil siguro nag seselos siya, eh kasi may gusto siya kay nics at hindi siya pinapansin ni nics dahil palagi niyang inaasar

habang nag kakasiyahan sila at mga kinikilig ay biglang may kumatok sa pintuan na mas lalo pang nagpa ingay nang classroom, 27 lang kami sa klase at kahit kunti ay nakakarindi yung mga tilian nila

"excuse me madam" bungad ni ma'am lei ang principal ng school

"oh yes madam" nilapitan ni ma'am si ma'am lei at nag usap, madam ang tawagan ng mga teacher dto at hindi ma'am sa mga lalaki naman ay sir lang

"pogi kaya sila?" bulong sa akin ni naei

"aba malay ko, dko pa nga sila nakikita" sagot ko naman sa kanya, tinatanong ako eh maski ako dko kilala

"ano sa tingin mo?" kalabit naman ni naei kay avi. hindi naman ganun kalayo yung agwat ng mga upuan namin sakto na para maging komportable

"mukha... kasi hindi naman magiging ganyan mga babae dto kung hindi pogi lalo na yung mga bakla, proven na pogi" tinignan isa isa ni avi ang mga classmates naming babae at bakla kaya napa tango naman si naei

maya maya lang ay bumalik na ulit si ma'am sa harap

"class quiet" pag papatahimik sa amin ni ma'am at sumenyas na pumasok na at isa isa naman silang mga pumasok. naka pila silang tatlo pumasok at parang habang nag lalakad sila ay lumiliwanag sila yung akala mong nasa stage sila at sa kanila naka tutok yung ilaw. nauuna ang pinaka maliit sa kanila pero cute ha, mga naka by height sila AHAHHA ganyan ba nila ipagmalaki na maliit ang isa nilang kaibigan AHAHAHAHHA. yung nauuna sa kanila ay maliit at may dimple konting galaw lang nang bibig lumalabas na yung dimple, yung nasa gitna naman ay may nunal malapit sa mata na lalong nag pa pogi shet! dagdag points, at ang pinaka huli at matangkad sila AT pinaka gwapo sa dalawa, whoa yung jawline niya ang perfect tapos manipis na makapal ang kilay niya, halatang makinis at madulas yung mukha. my goodness!

"kyah!"
"beh hihimatayin na ata ako"
"iloveyou dom!"
"ieieieiie!"

nakakainis yung mga tili nila at bakit may iloveyou kaagad, bilis ate gurl ha

"wafu" sabay na sabi nila naei at avi habang ako ay tulala lang at pinag mamasdan yung mukha nila, parang nakita kona sila. isip isip...

"hindi niyo ba namumukaan?" hinarap ko silang dalawa nang naka kunot yung noo

"bakit kilala mo ba sila?" takang tanong ni avi sa akin

"gaga syempre hindi! pag masdan niyo" sabi ko sa kanila at sinunod naman nila ako

"introduce yourself please" naka ngiting sabi sa kanila ni ma'am

"Hi!" masiglang bati nung cute size nilang kasama " I'm Childrish Windsor 18 years old. single and ready to fuck este mingle" loko loko pala, mukhang sa liit niyang iyan ay fuckboy o kaya womanizer siya, sabagay wala na sa height ang pagiging malandi at lakas maka supernatural nag last name ha AHAHAHHA

"I'm Lennon Baxter 18 years old, and marunong akong mag gitara" at ngumiti siya nang nakaka loko at yung mga babae naman ay grabe makatili, teka! dko gets yun! ano yun! "at pinaka pogi sa aming tatlo" hinawakan niya pa yung baba niya at kumindat at ito nanaman itong mga fans niya, grabehan ang sakit sa tenga at ang baho ng last name niya ha. inaabangan ko yung pinaka last sa kanila, inayos ko pa upo ko na akala mo may discussion sa harap

"Dominic Ian Carter" walang gana niyang sagot, nabigo naman ako kasi expected ko mahaba eh yawa yan, sarcastic wow na lang masasabi ko

"yun na yun" sabi ni avi at napa kibit balikat na lang ako

"ngi" nasabi na lang ni naei kaya bahagyang natawa ako, nakaka tawa kasi reaction niya AHAHHAA

tinignan ni ma'am yung dominic na nag pakilala, siguro inaabangan rin ni ma'am kung may isusunod pa kaso tinignan lang siya

"o-ok (cough) I'm meyan your gen - math teacher also your adviser, you may take your seat" winestra ni ma'am yung kamay niya na pwede na silang dumaan para umupo

since sa likod na lang naman may bakante at sa kabilang row ay dto sila sa likod namin pumwesto dahil siguro ayaw din nila maghiwalay na magkakaibigan, habang nag lalakad pa nga sila kanina ay kaway nang kaway sila drish at lennon na akala mo mga tumatakbong pangulo at yung mga fans nila ay kumakaway rin at humihirit, kausap pa rin naman ni ma'am lei si ma'am sa labas kaya malaya silang nag iingay yung dominic naman ay tahimik lang na naglalakad. Habang nag lalakad sila pinagmamasdan ko sila kasi namumukaan ko talaga sila, mga pogi sana eh kaso parang mga tanga lalo na yung lennon at drish

"anong ginagawa mo" tanong ni avi kay naei, parang tanga kasi yung kamay niya nasa baba niya at naka tingin lang sa harap

"nag iisip" sagot niya at naka kunot pa rin ang noo

"alam ko teh, ang pinopoint ko is what are you thinking?" sungit avi ha, kalma ka teh

"parang pamilyar nga sila" sabi ni naei at hinarap kami para kaming tanga dto na nag bubulungan

"oh dba, i told you. they look familiar" bulong ko sa kanila

"how?" takang tanong ni avi

"think avi" pag susungit na rin ni naei kay avi at maya maya lang ay bigla kona silang naalala

" oh. my. gulay! no way!" napatingin mga kaklase namin sa pwesto namin dahil sa medyo pagtaas nang boses ni avi kahit sila lennon ay napatingin, dali dali naman siyang humarap sa amin na kinakabahan. NO WAY SHETE!

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now