isha's POV
Papunta na kami nang cafeteria ngayon at buti naman may nakikita na kaming tao kasi kung wala ay nako ewan ko na lang talaga
"bakit sila tumatakbo??" takang tanong ko dahil mga nag tatakbuhan sila at nagtitilian may nga sumisigaw pa
"shete! sabi kona eh! tara na uma---" dko natapos sasabihin ko nang biglang takpan ni avi bibig ko
"ano ba isha mababatukan na talaga ulit kita eh" inambahan naman ako ni avi kaya napa iwas ako, binitawan niya na rin ako at grabe naman siya makatakip ng bibig ko akala mo hindi pinsan
"sorry naman" nasabi ko na lang at si naei todo tawa kaya tinarayan ko siya, aba hindi pwedeng si avi lang mataray
" sige tawa lang" sarcastic kong sabi sa kanya at tumawa rin ng pilit
Nabunggo si naei ng mga babaeng tumatakbo kahit mga bakla dto ay nakikitakbo rin grabe, nagkukumpulan dila sa entrance ng cafeteria at may hawak na mga cellphone at may pinipicturan ata sa loob.
"Anong meron?" tanong ni avi sa isa sa mga babaeng tumatakbo at nag taka naman siya
"you don't know?" kaya nagtaka kami lalo "seriously!?" gulat niya pang dugtong, sakit nang pagkakasigaw niya ha
"ano ba mag tataka ba kami kung di namin alam?" taray sa kanya ni avi, hay nako kung ako kay ate gurl sinagot na lang niya para dina siya natarayan ng pinsan ko, grabe pa naman toh sa pagtataray dahil abot hanggang langit kilay niya AHAHAHHA chareng
" ang dami mong hanash eh kung sinagot mona lang ay edi naka alis kana" sabat naman ni naei at hinawakan naman niya sa kanang kamay yung babae. hinatak lang kasi siya ni avi at hanggang ngayon ay di niya pa rin binibitawan
"ea-sy easy, nandto kasi yung domchilin and dito na sila mag aaral, aahhhh! at ang popogi nila lalo" kinikilig niyang paliwanag sa amin at tumili pa, binitawan na siya nila naei dahil pati sila ay narindi sa tili niya
"Domchilin?" takang tanong ni naei at tinignan kaming dalawa at nag kibit balikat na lang kami
"baka sila yung bagong lipat dto at yung laman ng nf at sinasabi ni avi" sabi ko at napa tango tango naman sila
" tara tignan natin" masayang suggestion ni naei at hahakbang na sana nang hawakan siya sa balikat ni avi
"what!? makikipag siksikan tayo dyan? no way!" ang taray talaga ng babaeng ito
"oonga, wag na for sure makikita rin natin sila dahil nga diba "pogi kuno sila" kaya pumunta na tayo sa room at nangangalay na ako" sabi ko at nauna nang nag lakad at sumunod naman sila sa akin
"sabagay dahil paniguradong ipangangalandakan nilang pogi sila" sabi ni naei at tumatango tango pa, buang talaga tsk tsk
Pagdating namin sa classroom ay may iilan na kami classmate pero puro mga lalaki at puro bag na, umupo na kami sa pwesto namin sa gitna. Yung mga upuan kasi dto ay may tatlong row, both side ay 2 seaters lang tapos sa gitna ay tatlo kaya doon kami naka pwesto para mag kakatabi kami at di naman na nila binabago yung seating arrangement namin, may bakante pa sa likod namin dahil pangalawa sa huli yung upuan namin at sa kaliwa sa kanan sa may bintana na may apat pang bakante sa likod kung saan makikita mo yung soccer field.
Unti unti nang dumadami mga pumapasok at maiingay na
"omg! nakapag papicture ako kay drish! waah!" tili nang isa sa nga classmate naming si monic at nag tatatalon pa sa saya
"ako din besh! and inakbayan pa ako ni leen!" tili naman ng kaibigan niyang si Alyssa at pinakita sa mga kaibigan yung cellphone niya at nag tilian nanaman sila. Napatakip na lang kami ng tenga sa lakas ng bunganga nila
"100% na pogi yung mga bagong dating dahil ang lalakas ng tili nila at nababaliw na sila" natatawang sabi ni avi kaya napatawa naman kami
" teh tignan mo kahit stolen shot lang at ayaw niya magpa picture ay ang pogi pogi niya pa rin! bagay talaga kami ni fafa dom" kinikilig na sabi nung nasa kanan namin na mga bakla, sila mae AHAHAHHA kahit dto sa classroom nmin ay may bakla kaming classmates at di naman mawawala yun sila pa nga minsan nag papa good vibe ng classroom eh
"mga mapuputi lang naman sila kaya malakas hatak nila, lamang lang sila ng tatlong paligo ng gatas sa akin" mayabang na sabi ni jules ang treasurer namin na nasa kanan at katapat namin, nag uusap usap silang mag trotropa
"mga walang kwentang usapan, may assignment ba?" biglang tanong sa amin ni naei kaya napa sapo na lang at napailing na lang kmi
"ayan sige inuuna pa kasi yung kpop kesa assignment" sabi ko sa kanya at nag piece sign naman siya sa akin
"sige na ito naman" nagpapacute siya sa amin ni avi kaya napa iww na lang kami, pero cute naman talaga siya eh, since nakalabas naman na yung math notebook ni avi ay iyun na lang inabot ko sa kanya
"oh" pasa ko sa kanya at napa yes naman
"bakit yung sa akin, pwede naman yung sayo" maktol ni avi sa akin
"eh nakalabas na yung sayo at pareho naman na tayo ng sagot" sabi ko sa kanya at nilabas na rin yung notebook ko para hihintayin na lang si ma'am. Grabe first subject namin ay pipigain na kaagad utak namin, first subject ba naman ay gen math(general mathematics) sinong di sasakit ang ulo.
inaantok ako kaya dumukdok muna ako para umidlip 8:50 pa lang naman at 9:30 pa start ng klase kaya may time para mag nap

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...