FYI 11

2 0 0
                                    

isha's POV

nasa stage pa rin kami ngayon at nasa gitna namin si ate mayra, matapos naming kumanta ay nagpalakpakan sila kaya nakakagaan ng loob at nakakatuwa

"pag pasensyahan niyo na ha mga broken kasi sila kaya pati kayo nadamay" bulong ni ate sa mic kaya natawa naman silang lahat

"ate" napanguso na sabi ni naei, shet! ang cute niya talaga kasi yung cheeks niya.

Nagtawanan naman silang lahat, marami ring mga dumating ngayong gabi halos napuno na lahat ng tables dto kaya yung iba ay mga nakatayo na lang

"more!"
"i want more"
"more"

nag sigawan naman sila

"oh easy kayo kasi meron pa at magugustuhan niyo ito for sure lalo nayung mga fans nilang dalawa" kinikilig na sabi ni ate at kinilig naman yung mga audience

umalis na kami at si ate na bahala doon mamaya pa nanaman kami ulit sasalang eh

Nasa backstage kami ngayon kung saan may tatlong room yung nasa gitna ay cr at yung nasa kanan naman ay stockroom yung sa kaliwa naman ay doon kami tumatambay kapag hindi pa kami sasalang and hindi kami sa locker kasi may pagka mainit doon plus masikip kaya hindi pwedeng tambayan.

"Ang galing niyo ha" masayang bungad sa amin ni drew pagpasok namin sa loob, ang alam ko sila ulit ang sasalang magaling kasi sila

"Hi naei, how are you" masayang bati ni Rassel kasama ni drew sa grupo and tropa niya na nakangiti kay naei, may gusto siya kay naei and di lang siya umaamin dahil baka DAW ma busted siya, eh kasi naman na itong si naei manhid ata di man lang niya nararamdaman na may gusto sa kanya si Rassel, pero bahala sila dyan problema na nila yun

"Hi Rassel, ok lang naman ikaw ba? aba gagong gupit este bagong gupit kaba? pogi mo lalo ha" masaya ring bati sa kanya ni naei "bakit ka nga pala nag pagupit? may pinopormahan kana ba, aba binata kana ha" dugtong pa ni naei si rassel naman ay nagpipigil nang ngiti kasi pinuri siya nang crush niya AHAHAHAH umupo na sila sa couch at nag kwentuhan dipa naman sila tinatawag ni kuya

"avi gusto mo" alok naman ni nathan kay avi nang lays kaya tumango naman siya at lumapit kay nathan na naka upo sa isang couch na katapat ng inuupuan nila naei at nag kwentuhan rin

"kamusta kana?" kay drew naman natuon yung pansin ko at dko alam pero ang simple lang nang tanong niya kinikilig ako

"o-ok naman i-ikaw ba?" nakangiti kong tingin and ramdam kung namumula ako

"ang cute mo talaga" natatawang sabi ni drew at ginulo buhok ko kaya napayuko ako sa kilig, sinabihan niya ako ng cute! waaaah! mahart!

"ehem ehem" napatingin ako kila avi na nag pepeke ng ubo, mga gago talaga

"nako Drew tama na yan at baka di kayanin ni isha at himatayin" natatawang sabi ni avi kaya tumawa naman silang lahat si drew naman ay napailing nalang at ako naman ay mas lalong namula, shete ka avi!

umupo na rin kami sa gitna, since malaki itong kwarto ay may limang couch at sa gitna na lang ako umupo pero sumunod naman si drew shet ano ba di niya ba alam na pwede talaga akong himatayin anytime kasi nakakakilig siya kahit walang ginagawa, ano ba drew!

"before i forgot may duet nga pala tayo mamaya kabisado mo na ba yung part mo?" nakangiti niyang tanong sa akin, bakit ba siya ngiti nang ngiti? nadadala ako eh

"a-aahh iyun ba oo kabisado kona, salamat nga pala doon sa copy ha" sabi ko naman sa kanya kahit na niremind niya na ako kanina at lalo naman siyang ngumiti, shet tama na drew!

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan kahit sila naei ay kasama na namin, sa sobrang saya at likot tumawa ni avi na nasa tabi ko ay nahulog niya yung notebook na nasa tabi at di man lang pinulot yawang babae toh, ako na ang kukuha nung malapit na yung kamay ko sa notebook ay nakita ko rin na may pupulot at pagkatingin ko ay si drew pala yun, shet! ang lapit nang mukha niya ang bango niya yung hininga niya parang lumamon nang maraming v-fresh. Sa sobrang taranta ko ay nauntog ung noo ko sa kanya kaya napa daing ako

"ouch" daing ko at hinimas yung noo ko kahit si drew ay hinihimas rin yung noo niya

"sorry" nahihiya kong sabi sa kanya

"no it's ok I'm ok" natatawang sabi niya, buset na lalaki ito nasaktan na nga tumatawa pa buang ay

"stella sobrang sakit ba?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya, piling ko kaming dalawa lang ang nandto sa loob. lumapit siya sa akin at inalis yung kamay ko na nakahawak sa noo ko at siya ang naghimas nun. Ang tangos ng ilong niya wala man lang kakula-kulangot na naka sabit charot AHAHAHAHA pero seryoso ang tangos at yung labi niya sobrang pula bagong basa nang laway gusto ko siyang ikiss nadadala ako, landi isha ha. May narinig ako nag click at may umilaw na parang pinipicturan kami pero na kay drew yung atensyon ko

"Dto naman tumatambay yung mga singer natin at since dto na rin kayo ay ito na ang magiging waiting room niyo kapag hindi pa kayo ang sasalang" nagulat ako sa biglang pagpasok ni kua pero mas lalo akong nagulat kung sino ang inientertain niya, what the anong ginagawa nila dto

nakahawak pa rin sa noo ko si drew at magkalapit pa rin yung mukha namin, nung tumikhim lang si kuya allen kami napa ayos ng upo kahit sila nathan na nagkakatuwaan ay napa ayos rin

Sila ba yung sinasabi ni kuyang bisita?

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now