isha's POV
Nandto kami ngayon sa classroom at nakikinig kay ma'am sa harap, last subject oral communication na lang namin ngayong umaga
"next is, types of communicative strategy no. 1 is nomination, nomination is a speaker carries out nomination to collaboratively and productively establish a topic, para siyang you try to open a topic with the people you are talking to" paliwanag ni ma'am habang sinusulat yung sinasabi niya, nakikinig lang kami sa kanya sa harap
"no. 2 is... can you read it for me mr. carter" tinuro ni ma'am si nic sa likod na nakikinig din sa harap, tumayo siya at nagsimula nang magbasa sa librong hawak niya
"Restriction, refers to any limitation you may have as a speaker" habang nag babasa si nic ay sinusulat ni ma'am, kanya kanya naman kaming kopya sa sinusulat ni ma'am dahil paniguradong kinabukasan may quiz kami at bawal manghiram nang notes dahil nag checheck si ma'am
"ok thank you mr carter, these instructions confine you as a speaker and limit what you can say kumbaga sa isang topic lang siya umiikot" nakikinig lang kami kay ma'am at paminsan minsan ay sumasagot kapag may tinatanong, habang nag sasalita si ma'am ay may biglang kumatok sa pinto kaya lahat kami ay napatingin doon at nakita si ma'am lei ang principal nang school. nakakatuwa at nakakamangha nga si ma'am lei dahil kapag may announcement siya mismo ang nagpapadala hindi niya inuutos sa secretary niya or sa kahit sinong teacher, gusto niya siya mismo ang magdadala, mabait, masipag, at maganda pa. lumapit sa kanya si ma'am at nag usap sila sa pinto, pagkatapos ay umalis na si ma'am lei at bumalik na si ma'am sa harap
"class sorry ha pero kailangan kong pumunta ng office may biglaan kasing meeting, make sure na may notes kayo dahil pagbalik ko ay chechekan ko iyan" umalis na si ma'am pagkatapos niya sabihin yun. nag simula ng magkaroon nang kanya kanyang mundo ang mga classmates ko
"nag text si mama, may family dinner daw tayo mamaya" pinakita sa amin ni naei ang cellphone niyang chat ni tita kaia, mama ni naei
"eh dba may gig tayo mamaya" tama si avi Thursday ngayon it means pupunta kaming FiestiBAR mamaya
"sabi ni mama pinagpaalam na niya daw tayo kila kuya allen kaya oks na tayo" tumango na lang ako sa sinabi ni naei
"daan tayo saglit sa mall ha" sabi sa amin ni avi at nagtataka naman kaming napatingin sa kanya
"bakit, ano gagawin natin doon" takang tanong ni naei
"eh dba birthday ni drish bukas, edi bibili nang pangregalo" sagot naman ni avi, oonga pala bukas na yung birthday niya ano kaya pwede iregalo
"oh shoot, oonga noh sige sige" napasapo pa ng ulo si naei
nag daldalan lang kaming tatlo nang bumukas yung pinto at pumasok si ma'am kaya napa ayos kaming upo at bumalik yung mga kaklase ko sa mga assigned seat nila
"bukas na lang ako mag checheck ng notes and half daw lang muna kayo ngayon dahil may kailangan kaming puntahan. so make sure na may mga notes kayo. good bye class" umalis na kaagad si ma'am, nagmamadali siya siguro sobrang importante nun, malamang self kaya nga nag halfday eh
nag ayos na kami ng gamit at napagpasyahang ngayon na pumunta ng mall para kapag nag enjoy kami roon ay maraming oras
"pagkatapos natin sa mall, tambay tayong sun park ha" suggest ko sa kanilang dalawa at sumangayon naman sila. nag lalakad na kami ngayon papuntang parking nang makasalubong namin si princess with her alipores
"look who's here" maarteng sabi niya sa amin at nginisian kami
"look who's here" panggagaya ni naei kaya natawa kami at kahit yung posture ni princess na naka cross arm ay ginaya niya rin
"ginagaya mo ba ako!?" galit na tanong ni princess at pumaywang sa harap ni naei
"do i" umaarteng walang alam si naei kaya mas lalo kaming nainis, si princess naman ay umuusok na ang ilong sa inis
"aaghhh! whatever!" pikon na siya at umalis na binunggo pa ako ng bruha kaya hinablot ko ang buhok niya at nag kunwaring walang alam
"aaghh! who grabbed my hair!?" inis na sigaw ni princess sa amin kaya lalo kaming natutuwa AAHAHAHHA nagmumuka na siyang toro "ikaw!?" dinuro pa niya ako
"am i?" inosenteng tanong ko na tinuro pa yung sarili at nakita ko naman na naiinis na talaga siya, kawawang princess
"aaahhhhh!" inis na tili niya at sasabunutan niya sana ako kaso may pumigil sa kanya na ikinagulat niya na kahit ako ay nagulat
"dom" gulat na sabi ni princess at tinignan si nic na naka salubong ang kilay at hawak hawak yung kamay niyang ipangsasabunot niya sana sa akin
"don't you dare" galit na sabi niya at hinigpitan yung hawak sa braso ni princess kaya napa daing siya
"dom you're hurting me" naiiyak na sabi ni princess pero hindi siya pinakinggan ni nic at pabalang na binitawan yung kamay niya na lalo pang ikinadaing ni princess, muntik pa siyang matumba pero nasalo siya ng kaibigan niya, sayang
"are you ok?" nagaalalang tanong ni arumi kay princess na hawak hawak ang kamay niyang may bakas ng kamay ni nic, si cianna naman ay nakaalalay lang sa likod ni princess
"alis" simpleng sabi ni nic pero nakakatakot
"what!? sila ang nauna!!" inis at naiiyak na sabi ni princess at tinignan kaming tatlo nang masama
"i said alis dba!" nagulat kami sa pagsigaw ni nic si princess naman ay nagulat rin pero walang magawa at umalis pero binigyan muna ako ng masamang tingin
"you will pay for this" rinig kong bulong ni princess pero isinawalang bahala kona lang yun. si nic naman ay magkasalubong pa rin ang kilay niya, buti na lang kami kami na lang ang nandto kundi mavivideohan nanaman kami at ichichismis
"Pfffttt AHAHAHAHHA" natawa sila avi at naei kaya natawa rin ako
"AHAHAHAHAH lakas ng loob na mauna AHAHAHAH" natatawang sabi ni naei kaya natawa rin kami ni avi
"bakit ba pinapansin niyo pa iyong babaeng yun" tanong sa amin ni leen na nasa likod ni avi
"siya kaya nauna" nakangusong sabi ni avi pero tumawa rin kaya natawa nanaman kami at nakipag high five sa isa't isa
"aray! bakit namamatok!" sigaw ni naei kay drish na binatukan siya
"eh ang ingay mo kasi" inis na sabi ni drish sa kanya
"edi sana nagtakip ka ng tenga hindi yung namamatok ka!" sigaw nanaman ni naei pero binatukan ulit siya ni drish kaya ayun hinabol niya, natatawa naman sumunod sila avi at leen sa dalawang nag aasaran
"dom your hurting me" narinig kong pangagaya ni avi kay princess kanina at tumawa
"ang saya saya mo ha" natatawa ring sabi ni leen na nakasabay sa paglalakad ni avi
"eh nakakatawa kasi siya" at tumawa na nang tumawa si avi napapahawak pa nga siya sa balikat ni leen. susunod na sana ako ng pigilan ako ng lalaking kasama ko
"nakita ko yun" seryosong sabi niya sa akin
"ang alin" ma-ang maangan kong tanong sa kanya
"you grabbed her hair" seryoso niya pa ring sabi
"I'm not" umiling iling ako at luminga linga
"alam kong nagsisinungaling ka" tinignan niya ako sa mata kaya napanguso na lang ako
"eh siya kaya nauna" pagsusumbong ko, para akong bata na nahuli ng tatay na may kaaway
"tsk!" inirapan niya lang ako at nauna nang nag lakad
"yah! I'm telling the truth! kahit itanong mo pa kila avi" paliwanag ko sa kanya habang sumusunod sa kanya
"yeah whatever!" matamlay na sagot niya
"yeah whatever" panggagaya ko sa kanya at bigla siyang huminto kaya nauntog ako sa kanya
"ouch! ano kaba tao o pader" angal ko at hinimas yung noo ko
"edi future husband mo" naestatwa ako sa sagot niya, yawa ang layo ha ngumisi naman siya sa akin
"pota" nabulong ko na lang
"ang layo ng sagot mo! dyan kana nga! bye!" nauna na ako sa kanyang naglalakad ngayon. pero bakit ako naka ngiti! kinikilig ba ako!?

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...