isha's POV
Nandto na kami ngayon sa sala at nanonood ng tv, kanina pang 5:00 umuwi yung tatlo. it's already 10:00 at nandto pa rin kami sa sala usually ay mga nasa kwarto na kami at doon mag cecellphone
"tara labas tayo" aya ko sa kanila
"ano naman gagawin natin sa labas isha gabi na kaya" inis na sabi sa akin ni avi, sungit naman nito pero hayaan niyo na may regla kasi siya
"edi maglalakad lakad, tara na"hinatak ko pa si avi dahil nag papabebe pa siya si naei naman ay largang larga na nauna pa nga sa aming lumabas
Naglalakad lakad na kami ngayon at mga nakasuot kami ng jacket dahil malamig na, nag kwekwentuhan lang kami nang kung ano ano at nag aasaran nang napadaan kami sa 7/11 na bukas pa
"naiisip niyo ba ang naiisip ko" ngiting ngiti kong tanong sa kanila at tumango naman sila, si avi naman ay pumasok na sa loob at nag hintay lang kami dto sa labas, natatawa na kaagad kami dto ni naei
nakita namin si avi na umiikot na akala mo may hinahanap may kinuha siyang chichirya at pumunta sa entrance ng 7/11 dahil nandun yung mga drinks kumuha siya ng isang malaking c2 na hindi malamig at lumapit na sa counter para mag bayad pagkatapos ay umaakto siyang may nilalagay sa bulsa ng wallet niya at nung tumapat na siya sa entrance ay dumampot siya ng isa pang malaking c2 at kunwari ay nadapa kaya gumulong palabas sa amin yung c2 na ninakaw niya dali dali ko naman iyun dinampot at tinago kaagad sa likod ko at nagpipigil kami ng tawa ni naei, lumapit naman ang nasa counter para tulungan si avi na tumayo, hindi makikita nang nasa counter ang ginagawa niya kasi nakaharang ang lagayan ng mga soft drinks at katapat pa ng counter kaya hindi rin alam ng nagbabantay kung may pumapasok kasi nakaharang ito, ang bobo nga nang nag pwesto eh.
Nang medyo malayo layo na kami sa 7/11 ay lalo kaming natawa kahit si avi natawa na rin eh
"AHAHAHAH ang epic ng pagkakadapa mo ha" halos mahiga na si naei kakatawa
"ang sakit nga eh yawa yan, pero ok lang kasi naka libre tayo ng c2 malaki pa" nilabas niya pa sa plastic ang C2 na kinuha niya
"anong libre nakaw yan, sumbong kita ha" nag gesture pa si naei ng lagot ka kaya natawa naman kami lalo, this is the 4th time na ginawa namin iyun at nagsasalit salit kami kung sino ang mapapahiya. Try niyo gawin dali AHAHAHAH chareng para sa mga professionals lang yun
Nandto na kami sa tapat ng classroom at hinihingal kasi nag marathon kami, anong oras na kami naka tulog kagabi dahil naisipan pa naming tumambay sa pool. Pagdating namin ay nandun na yung tatlo lagi silang maaga pumasok ganyan ata kapag matatalino
"oh bakit ngayon lang kayo at tumakbo ba kayo?" tatawa tawang tanong sa amin ni drish pagkaupo namin
"ay hindi naglakad kami!" pilosopo talaga itong naei na ito, inirapan na lang siya ni drish at humarap ulit sa cellphone niya si nic naman ay naka dukdok aba hindi pwedeng siya lang ang may tawag sa akin si leen naman ay nag dradrawing
"anong nangyari sa tuhod mo" tanong ni leen kay avi pagkatapos niya damputin yung nahulog niyang lapis
natawa naman kami dahil sa pagkakadapa niya kahapon ay nasugat siya, ang lakas ba naman nang pagkakabagsak niya
"aahh i-ito ba wa-wala yan, natisod lang sa bahay hehe" dali dali naman siyang umupo kaya natawa kami lalo ni naei
"AHAHAHAHA ulitin natin mamaya" masayang tanong sa amin ni avi
"sige ba! ikaw naman naka toka ngayon eh" excited na sabi ni avi at nakipag apir sa akin si naei naman ay natahimik kasi nakalimutan niya atang kapag ginawa ulit namin iyun ay siya naman ang papasok
"anong uulitin?" inosenteng tanong ni nic nakikinig pala sa amin
"ha? wala ah hehe" maang maangan ko, shete baka mamaya mahalata kami at malaman ginagawa namin si naei kasi nag simula eh
nag start na ang klase at may assignment pala kami sa gen math buti na lang time na bago naalala ni ma'am kaya makakakopya pa ako, mangongopya na lang ako mabait naman si avi eh. Maayos na natapos ang morning class namin at nandto na kami sa cafeteria para bumili ng pagkain may pagbibigyan kasi kami
"ate isang hotdog sandwich paramihan na rin po ng ketchup, mahilig po kasi doon yung pagbibigyan namin eh, atayaka po dalawang orange juice" nandto lang kami sa gilid ni naei at siya na ang pinabili namin. papunta na kaming soccer field dahil paniguradong doon sila nakatambay para manood ng mga ka batch naming nag prapractice
"are you ready" nakakalokong tanong ko sa kanila at tumango naman sila, nang makita namin sila ay lumapit kami pwesto nila at umaktong nag aasaran
"asus!" tulak ni naei sa akin pero mahina lang
"ikaw ha" mahinang tulak ko rin kay naei
"si avi kaya iyun" kunwari naiinis na sabi ni naei at marahang akong tinulak at ganun din si avi kaya natapon yung hawak kong orange juice ganun din ang foot long at juice ni avi
"oh my gosh!" malakas na sigaw ni princess kasi halos sa kanya natapon lahat ng juice tapos sa kanya pa nahulog yung hotdog na maraming ketsup yung dalawa namang niyang kaibigan ay nalagyan din nang juice
"iww!"
"what the heck!" angal nila cianna at arumi mga friends ni princess"oh my gosh what happened" tanong ni naei at umaktong nagulat pa
"aaghh! ano bang problema niyo!" inis na sigaw niya sa amin
"ano bang sinasabi mo" maang maangan kong tanong at umaktong walang alam sa nangyari
"alam kong sinadya niyo ito!" inis na sigaw ni cianna sa amin namumula na rin siya sa galit
"of course not, bakit naman namin gagawin yan" inosenteng sabi ni avi kay princess na hindi na maipinta ang mukha sa sobrang inis niya
kaya natawa naman kaming tatlo, akala niya ba siya lang marunong pwes mali siya ng binangga!
"chill guys, it's just a prank bakit ba ang hard niyo kaagad we're just having fun" natatawang sabi ko at ginaya yung sinabi sa amin ni princess kahapon at nakipag apir sa amin, inis na inis naman ang mga mukha nila at umalis na binunggo pa ako ni princess pero dahil sa ityura niya ay natawa na lang ako
"aaghh!" inis na sigaw ni princess kaya lalo kaming natawa
masaya kaming kumakain ngayon ng lunch dto sa likod, may baon ulit kami ngayon at halos hindi na kami makakain sa sobrang saya namin dahil naka ganti rin kami sa princess na iyun.
![](https://img.wattpad.com/cover/305560570-288-k70255.jpg)
YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...