isha's POV
it's been a month since we met nic, drish and leen and we're getting even closer to each other. sila drish, leen, rassel and nathan nagiging ok naman na sila sa isa't isa hindi katulad nung una na halos mag suntukan sila kapag nagkikita lalo nakapag nagkakasalubong kami sa FiestiBAR kasi minsan pinapanood kami nila drew kapag Saturday. Nag usap usap silang apat pwera sa dalawa, si drew at Dominic hindi ko alam pero hindi sila magkasundo at napapansin ko minsan kapag pinagmamasdan ko sila may pagkahawig sila
"isha free ba kayo sa Aug. 28??" kalabit sa akin ni drish mula sa likod pero pabulong kasi nag kaklase kami ngayon
"28?" pabulong na tanong ko rin sa kanya medyo nakayuko ako para di makitang nakikipag daldalan ako
"yup, this friday" masayang sagot niya
"mmmhhh free naman kami bakit ano meron" inosenteng tanong ko
"it's my birthday" masayang sagot niya, what the birthday niya mapapasabak pera ko ha, chareng di ako kuripot ha
"really!? sige sige pupunta kami, anong oras ba??" muntik na akong mapasigaw sa gulat buti napigilan ko bibig ko na nagiging naei ang boses AHAHAHA
"night party" tumango na lang ako at nag ok sign at tumingin na ulit sa harap para makinig
night party mukhang mapapasabak kami nito sa inuman ha, lalo na si avi lasingera kaya yan di lang halata pero alam nila kuya pwera kila tito at tita dahil paniguradong masasapok siya AHAHAHHA
Lunch time na ngayon at nandto kami sa garden para mag lunch kasama rin namin yung tatlong magkakaibigan dko alam ano trip nila at sumabay sila sa amin kumain eh wala naman silang bitbit na kahit ano
"asan lunch niyo?" tanong ni naei sa tatlo na katapat namin na nagkwekwentuhan
"wala" kaswal na sagot ni drish at nakipag kwentuhan ulit
"wala!? eh bakit kayo nandto!?" init nang ulo ni naei siguro meron toh at ang lapit lapit lang ni drish ay
"you know what hindi lang ikaw ang panget pati bunganga mo" kinalikot pa ni drish yung tenga niya na akala mo sa tenga niya mismo sumigaw si naei
"anong sabi mo!? panget!? wow ha nag salita ang gwapo" pumewang siya sa harap ni drish at tumayo
"talagang gwapo ako, pasalamat ka nga malapitan mo akong nakikita eh" mayabang na sabi ni drish
"ha! yabang! ang hangin wala namang bagyo" pag aarte ni naei at nag simula nanaman silang mag bangayan, kelan kaya titigil itong dalawang ito sarap lagyan ng tape ay
"kung wala kayong baon anong ginagawa niyo dto? dba dapat nasa cafeteria kayo para bumili?" tanong ni avi sa dalawang pinapanood sila naei at drish na mag sigawan at mag asaran
"ahhmm wala lang, di lang namin trip kumain ngayon" kibit balikat na sagot ni leen kay avi, engot ba ito? tanghalian na kaya tapos hindi nila trip kumain gago ba sila
"gago kaba? edi nagutom kayo" minura pa ni avi si leen
"huy ikaw ha natututo ka nang mag mura dahil kay isha" tinuro pa ako ni leen, aba kung alam niya lang
"siraulo, eh mas palamura nga iyan kesa sa akin hindi lang halata" natawa naman si avi at inambahan ko siya ng sasapukin pero syempre amba lang mahal ko pinsan ko noh. edi sana lahat mahal
"nga pala dba birthday ni drish sa friday?" at tumango naman silang dalawa kahit si avi ibig sabihin ako lang walang alam na mag bibirthday siya
"edi mas matanda pala siya sa inyo?" dugtong ko pa
"nope, ilang buwan lang agwat naming tatlo" napatango naman ako sa sinagot ni leen at sumubo ulit, kanina ko pa napapansin itong kaharap ko na tinitignan ang bawat pag subo ko, subo nang pagkain ha wag kayong ano AHAHAH
"gusto mo ba share na lang tayo? may extra pa naman akong utensils eh" alok ni avi kay leen na walang alinlangang tumango, akala koba wala sila sa mood o baka naman tinatamad lang. sumobo na lang ulit ako at napansin ko naman napalunok si nic
"huy! gusto mo" alok ko sa kaya pero umiwas lang siya
"ito oh share tayo may extra rin naman akong utensils eh" alok ko sa kanya. lagi kaming may extra dahil kapag kunwari nahulog yung kutyara may extra pa kami
"hindi na, ok lang busog pa naman ako" arte niya pa ok bahala siya dyan, sumubo ulit ako ng kanin at kaldereta na niluto ko, tanghali na kasi nagising si avi at napansin ko naman siyang napalunok kaya naka isip ako ng kalokohan sumubo ulit ako pero iniinggit ko siya kaya natawa ako
"AHAHAHAHA oh! kunwari kapa eh" nilapit kona sa kanya yung baunan ko ibibigay kona lang sa kanya medyo busog na rin ako eh kasi pasimple akong kumakain kanina nung nag lelecture kami. kukunin ko na sana yung extra pang kutyara at tinidor nang bigla niyang ginamit pang subo yung ginamit ko
"te-teka nagamit kona yan" kukunin kona sana sa kanya pero nilayo niya sa akin at sumubo ulit gamit yung kutyarang gamit kona. akala koba busog pero kung makakain ay kulang na lang matapon yung kanin. nang matapos siya ay para siyang naginhawaan alien talaga
"pfft! akala koba busog ka" pagpipigil ko nang tawa
"yeah whatever" sabi niya at biglang hinablot yung tumbler ko at ininuman, hindi man lang niya pinunasan yung bawat gilid yawa ba siya!? alam niyang kakainom ko lang rin. Dko alam pero ang sexy niya uminom para siyang nag e-endorse ng tumbler. pagkatapos niya uminom ay binalik na niya rin sa akin kaya bumalik na ulit ako sa wisyo
"ba-bakit mo ginawa yun! hindi mo man lang pinunasan! kakainom ko lang kaya!" naiinis na kinikilig ang nararamdaman ko ngayon
"bakit, masarap nga eh" ngumisi naman siya at kumindat pa sa akin, natulala naman ako sa ginawa niya piling ko namumula ako
"what the, ano!?" gulat na tanong ko sa kanya at nginisian lang ako, pota!
"ayieieieie" tudyo sa akin nila avi, naei at drish na naki share rin sa pagkain ni naei. anong nakakakilig doon!? well kinilig naman ako pero basta!
"dugyot dom" umaarteng nandidiri si leen at sinuntok naman siya ni nic pero mahina lang yung kunwaring galit na suntok
"nice! 1 point!" natatawang sabi ni drish at nakipag apir pa kay nic na tumatawa naman ngayon, tanginang lalaki toh alien amputa
"anong 1 point?" inosenteng tanong ni avi
"wala wag mo nang pansinin yan" sabi ni nic at binatukan naman si drish na tumatawa, mapanakit ay
YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Novela JuvenilHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...