FYI 43

1 0 0
                                        

isha's POV

"120 lang nagastos ko" masayang sabi ni naei at pinakita sa amin yung apat na paper bag na galing sa shop na pinamilhan namin, kay avi naman ay tatlong paper bag at sa akin ay apat rin

"siguro kung hindi natin kinalahati pera nila hindi mababawasan pera natin" dugtong pa ni naei at binatukan naman siya ni avi

"baliw ka talaga, kawawa naman sila nanakawan na nga uubusin pa natin" sumbat naman ni avi, kalahati lang ang kinuha namin sa mga pera nila ang ginawa namim ay pera lang ang kinukuha namin at binabalik rin yung wallets tapos kalahati ng pera lang nila ang kukunin namin and wala namang nakakapansin kasi busy silang maki chismis sa nagsusuntukan. speaking of nag susuntukan sana ok na sila kuya nadamay pa tuloy sila sa kalokohan namin lalo na si kuyang nag cecellphone AHAHAHHAA

"tara na para makapag palit na tayo at makakain malapit na mag 7:00" sabi ko sa kanila sumangayon naman yung dalawa, konting pera lang ang nagastos namin dahil madiskarte kami AHAHAHAH masaya lang kaming nag kwekwentuhan palabas nang makita namin sila nic,drish at leen na papunta sa amin. siguro mag lalakad na lang ulit kami malapit lang naman eh

"shete! liko liko" dali dali kong sabi at nataranta naman yung dalawa pero napatigil din kami ng tinawag nila kami

"stellah"
"ae!"
"avi!"

kanya kanya nilang tawag sa amin dko alam kung bakit ako natatakot lalo na sa pagtawag sa akin ni nic, may diin niyang binanggit pangalan ko

"h-hi! ka-kanina p-pa ba ka-kayo nandto??" kinakabahan kong tanong sa kanila at pilit na ngumiti dahil kinakabahan ako

"yes" simpleng sagot naman ni nic at seryoso niya kaming tinignan

"ta-talaga" kinakabahan na tanong ni avi

"yup, actually... sinundan namin kayo" nanlaki ang mata namin sa sinabi ni leen

"what!?" sigaw naming tatlo kaya tumingin sa gawi nmin yung ibang tao, nagkatinginan naman kaming magpipinsan. patay!

"stellah?" bungad sa amin ni drew nang makalabas kaming elevator nag tataka niya kaming tinignan at sila nic na kasama namin, kasama niya rin sila rassel at nathan

"anong nangyari?" tanong sa amin ni rassel nang makapasok kami sa kwarto namin, kinuha niya yung isa sa mga upuan sa dining at umupo sa harap namin katulad nila leen at drish habang yung tatlo ay nakatayo nakaupo naman kami sa kama ni avi na nasa gitna. para kaming bata na pinapagalitan

"we know it" kalmadong sabi ni nic, nagtaka ko naman siyang tinignan

"ha?" tanong ko sa kanya

"alam namin ang mga ginagawa niyo" sagot naman ni leen, nagkatinginan naman kaming tatlong magpipinsan

"what? ginawa niyo nanaman? at dto niyo pa talaga naisipan?" sunod sunod na tanong ni drew at tumayo siya sa gilid ko

"hindi naman kami nahuli eh" sagot ko at napanguso naman ako

"what hell is happening?" tanong ni nic at pumunta sa tapat ko at tinignan si drew

"alam mo?" tanong niya

hindi ko alam kung galit ba siya or hindi kasi kalmado lang siya

" sigh* yeah" sagot naman ni drew

"akala ko ba pinagsabihan na kayo nila kuya zack?" tanong sa amin ni nathan, sa kanya naman natuon yung pansin nmin

"ye-yeah" sagot ni avi

"eh bakit ginawa niyo pa rin? buti sila Childrish nakahuli sa inyo" pagsusumbat naman sa amin ni rassel, napayuko naman kaming tatlo

"wait wait wait" tinaas pa ni leen yung kamay niya

"alam niyo rin?" tanong niya kila rassel at nathan, tumango lang yung dalawa

"pero teka lang ha, bakit parang hindi naman kayo galit? hindi sa gusto naming galit kayo ha.. pero kasi iba reaksyon niyo, seryoso lang kayo" tanong ni naei dahil sa tanong niya ay nagtaka rin kami ni avi at tinignan sila nic,drish at leen na magkakatabi na

"like what leen said, alam namin ang ginagawa niyo... isa nga kami sa nanakawan niyo eh" sabi ni drish at ngumisi, nanlaki naman mata namin at tinignan sila drew dahil alam rin nila yun

"wala akong sinasabi" rassel
"secret is a secret" nathan, umiling naman si drew

"hu-huy! hindi kami yun!" depensa naman ni naei, natawa naman kaming lahat

muka namang ok na ang atmosphere namin, hindi naman sila galit sa amin

Nandto na kami ngayon sa pool, naka upo lang ako ngayon dto sa gilid ng pool at pinag mamasdan yung anim na naliligo, si nic at drew ay hindi ko alam kung saan nagpunta

"ang galing niyo kanina ha" puri sa amin ni rassel

"syempre kami paba" mayabang na sabi ni naei, sinabuyan naman siya ng tubig ni avi. navideohan kami nang tatlo kanina at pinanood din sa tatlo, sila rassel at nathan naman ay manghang mangha

"hindi niyo ba alam na masama ginagawa niyo" sabi ni leen

"alam, pero mabait kaming magnanakaw atyaka diskarte yun! DISKARTE! D-I-S-K-A-R-T-E" pangkokorek ni avi natawa naman ako, napailing naman si leen

"atyaka kapag ginagawa namin yun dinadala rin namin sa orphan, oh dba! mababait kami" pagyayabang naman ni naei. nakikinig lang ako sa mga asaran nila at minsan nakikisabay rin sa kanila

"what are you doing?" nagulat ako sa biglang pagsasalita ni nic kaya napura ako

"shete ka! ano ba naman yan nic! sa pagsulpot mo ako mamamatay ay" hinampas ko pa siya pero tinawanan niya lang ako

"word stellah" at pinitik niya ulo ko

"anong mura sa sinabi ko? ang sabi ko lang shete! nagbibilang ako noh! shete, otyo..." natawa naman siya

"bakit niyo ginagawa yun?" tanong niya sa akin nagtaka ko naman siyang tinignan

"pagnanakaw, mayaman naman kayo" nagets niya siguro yung tingin ko sa kanya

"ahh... wala lang, trip trip lang hehe" sagot ko sa kanya, kasi totoo naman trip lng naming magnakaw AHAHAHAH

"huwag niyo nang gagawin yun kundi isusumbong ko kayo kila kuya zack" nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni drew, tumabi naman siya sa akin

"ano ba! mamamatay ako ng maaga eh! magkapatid talaga kayo" inis na sabi ko at humawak pa sa dibdib ko, nagulat kaya ako

"hu-huy! manyak ka!" hinampas ko si nic at tinakpan dibdib ko ngumisi naman siya kaya namula ako, naka swimsuit kaming tatlong magpipinsan

"maliit naman" pang aasar niya sa akin

"anong maliit! eh kung ipahawak ko sayo toh!" pareho kaming dalawa ni nic na nagulat sa sinabi ko, pinitik naman ako sa ulo ni drew

"where did you learn that" galit na tanong niya kaya napa piece sign ako, hehe sorry na

"kay drish" tinuro ko pa si drish na napatingin sa gawi namin nang banggitin ko pangalan niya

"huy! anong ako! hindi ako!" pagdedepensa niya natawa naman ako, siguro narinig niya pinaguusapan namin



FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now