isha's POV
Hindi ko alam kung nasang lugar kami pero nasa dalampasigan kami, maganda rin dto at ang dagat lang ang maririnig saan kaya ito ang sarap kasi sa pakiramdam napaka peaceful. nag labas siya ng beer in a can at umupo sa buhangin dko alam kung ano trip niya at sinama niya pa ako sa pag eemote niya, tumabi na lang ako sa kanya at tumingin sa dagat na nasisinagan ng buwan, ang ganda!
"ano ba trip mo at dinala mo pa ako dto" inis na tanong ko sa kanya, tumongga siya at kinuha yung panyo niya at inis na binato, yawang alien toh
"aaghh!" inis na sigaw niya at galit na nilingon ako
"oh oh! wala akong ginawa ha ikaw nag bato ng panyo mo hindi ako" pagsusurrender ko dahil totoo naman aba maninisi pa siya
tumahimik na lang rin ako at pinagmasdan yung alon, hindi man lang ako binigyan nang maiinom nang alien na ito
"am i not enough" seryosong tanong niya sa akin nagtataka ko naman siyang tinignan
"ha?" nalilitong tanong ko
"agghh! hindi mo pa rin ba makuha?" seryoso pa rin siya at tumungga pagkatapos ay nilokot niya at binato. bastos na alien toh alam niya bang masama mag tapon ng basura!?
"natatandaan mo paba yung sinabi kong may gusto ako?" nalungkot naman ako sa sinabi niya, nasasaktan ako teh
"it's you, i... i like you... Stellah" tinignan niya ako sa mata nagulat naman ako sa pag coconfess niya, seryoso ba siya
"jo-joke ba yan? baka nantritrip ka nanaman ha" hinampas ko siya sa balikat at napadaing naman siya. hindi ko alam mararamdaman ko, ang bilis ng tibok na puso ko
"do i look like joking? come on stellah! i know it's hard to believe pero totoo sinasabi ko, gusto kita..." natawa naman siya ng pilit at umiling iling tumayo siya at iiwan na sana ako pero tinawag ko siya
"nic! ser-seryoso ka talaga?" gurl!? it's really hard to believe dahil puro kalokohan ang ginagawa niya sa akin malay ko ba kung nangpraprank lang siya at may nag vivideo sa amin
"i know, let's go it's already late" pumasok na siya sa loob at binuksan na ang makina nang sasakyan
Tahimik lang kami nung hinatid niya ako at nandto na ako sa kwarto ko nakatingin sa kisame hindi ako makatulog dahil kapag pipikit ako ay nakikita ko si nic na nagcoconfess sa akin
"aghh! anong ginawa mo nic!?" iritang sabi ko at sinabunutan yung sarili ko, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko nung sinabi niyang ako yung gusto niya ay natuwa ako lalo na yung puso ko pero yung utak ko hindi dahil sabi nang utak ko na gusto ko si drew
"aahhh!" inis na tili ko nagulat naman ako sa biglang pagpasok nila naei at avi
"saan saan"
"bakit!" kanya kanya nilang sigaw at mga naka post na akala mo may kalaban mga tanga amp"bakit ka sumisigaw!?" inis na tanong sa akin ni avi at lumapit sa kama ko at umupo sa tabi ko ganun din ang ginawa ni naei
"sorry, si nic kasi eh" nag tantrums ako at inis na humiga
"bakit ano bang ginawa sayo ni dom" humihikab pa si naei, malapit na kasi mag 12:00 at maaga kami natutulog
"hindi kayo maniniwala" nilingon ko silang dalawa na nakatingin sa akin
"maniniwala sa ano" tanong naman sa akin ni avi
"nag confess siya, si-sinabi niya na- na gusto niya ako" para namang nagising yung diwa nila at nanlaki ang mata
"he what?!" gulat na tanong ni avi
"nag confess siya" pag uulit ko at sinabunutan ulit sarili ko mababaliw na ata ako dahil sa lalaking iyun, ginulo niya puso ko na dapat kay drew lang eh
"nag confess na siya?" hindi makapaniwalang tanong ni naei at tinignan si avi
"teka nga anong "na" ha? bakit hindi ba dapat siya mag coconfess?" naguguluhan ako
"oo" sagot kaagad ni avi
"what the heck! so alam niyo nang may gusto sa akin si dominic!?" gulat na tanong ko sa dalawa at bumangon at hinarap sila
"yes, sorry kung nilihim namin pero hindi naman talaga dapat na sa amin manggaling" paliwanag ni naei
"gusto mo siya dba?" pag coconfirm sa akin ni avi
"oo, crush pero... aaghhh hindi ko alam. ang gusto ko si drew pero bakit yung pagkagusto ko ay napupunta na sa alien na iyun!" nag papadyak ulit ako sa sobrang frustrated
Dito na natulog sa kwarto ko yung dalawa kung hindi pa ata nagpatugtog ng lullaby si naei ay hindi pa ako makakatulog, ganun ang ginagawa nila sa akin kapag hindi ako makatulog. Kinabukasan ay maaga kaming pumasok dahil kami ang naka toka ngayon sa paglilinis ng classroom nang matapos ay umupo na rin kami at unti unti nang nagsisidatingan mga classmates namin at umiingay na rin, nung sila nic na ang pumasok ay hindi ko alam gagawin ko natataranta ako

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Novela JuvenilHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...