isha's POV
Today is Thursday and almost 2days na rin namin nakakasalamuha ang domchilin kuno nila at medyo close na rin kaming anim. At inform ko lang kayo ha dahil may pagka alien si dominic, ewan koba doon lakas maka gago sarap bigwasan. Paano ba naman kasi kinabukasan matapos niya akong bigyan nang Chuckie ay dina namansin! tapos pagkadating nang hapon ay kinukulit at inaasar akong pandak eh malaki lang siya, siya dapat inaasar kasi siya ang pinaka matangkad sa aming mag kakaklase! tapos kahapon! di nanaman namamansin sabi ng mga tropa niya ganun daw talaga siya at may sariling mundo kaya bagay sa kanya maging alien! nananahimik ako tapos bigla akong binato ng ipis, at ito ha take note! buhay na ipis oh dba lakas ng sapak kaya ayun kinagat ko siya sa braso tapos biglang di namamansin na parang siya pa galit at tinakot, ha!
"sshhhh" pag papatahimik ni drish sa harap, bakante nmin ngayon kasi may meeting daw yung mga teachers kaya ayun si lennon at childrish sa harap nag papapansin, kanina pa sila humuhugot doon eh puro mais naman pero itong mga babaeng ito todo kilig kahit yung mga estudyante sa kabilang section eh pumupunta dto para panuurin yung mga kamaisan ng dalawa
"nagugutom na ako" hinimas ko yung tyan ko at napasubsob na lang sa table ko
"pang apat mona yan" sabi ni avi at bumalik na ulit sa pag susulat
"atyaka kaka break lang ntin kanina ha, halos wala pa nangang 1hr and a half eh tapos gutom ka nanaman" dugtong niya ulit pero sa sinusulat niya siya naka tingin
"eh sa nagugutom ulit ako eh" pag mamaktol ko at napa sabunot na lang sa buhok kasi nagugutom ulit talaga ako, oona ako na matakaw eh tatlong subject pa bago mag break ulit at bawal lumabas ng classroom pero itong si dominic ay tumayo at umalis ng classroom hay nako bahala siya mapagalitan dyan
"mais" nandidiring turan ni naei na naka tingin sa harapan at pinapanood sila lennon at childrish na nag pa pogi sa harap
kinuha ni lennon yung walis tambo at pinwesto sa lamesa pero yung kalahati lang at yung kalahati naman ay walang pinapatungan
"look at this, i can break this using my hands" ginesture niya pa yung kamay niyang ipambabali sa tambo, at yung mga babae at bakla lalo na sila nics at mae, kung maka wooaahh naman grabehan, nag rereact pa lang sila ha paano pa kaya kapag bumanat nanaman ng kamaisan yung dalawa edi delubyo na. yung mga lalaki ay may sariling mundo
"iba rin talaga ang kayabangang taglay nang lalaking yan noh"sabi sa ni avi na nanonood na rin pala sa harap
"nako talagang iba! lalo na kung assuming ka" angal naman ni naei at nandidiri pa
umaamba na si lennon na babaliin niya yung walis tabong makalapal gamit ang kamay niya at maya maya lang ay akala nmin babaliin niya nga talaga pero nag papogi lang at nag finger heart pa, si nics naman hihimatayin pa ata kasi sa kanya ng finger heart si lennon
"wishi mais(Corny)" sabay naming tatlong sabi at natawa
"puro kamaisan ang alam" sumbat ko at napa iling na lang at bumalik na ako sa pag dukdok si avi naman nag sulat ulit at si naei naman ay nag cellphone na lang pero yung mukha niya nandun pa rin yung pandidiri niya kila lennon AHAHAHA
Nag ring na ang bell hudyat na tapos na ang first subject namin this afternoon kaya bumalik na ulit sa dati ang lahat kahit sila lennon at childrish ay bumalik na rin sa pwesto at nag hihintay na papasok na teacher, pero ang pumasok ay si dominic na may dalang plastic bag at naglalakad na papunta sa pwesto niya pero huminto muna siya sa table namin at tinignan ako.
"oh ano nanaman" pagtataray ko sa kanya "mamaya kana mang asar at gutom ako ngayon baka makain kita" pag iirap ko sa kanya at tumingin na ulit sa harap, pero nilapag niya yung plastic sa harap ko at ngumisi lang, tah!
alien talaga sabi ko sa isip ko at tinignan yung laman nung plastic baka mamaya ipis nanaman ito at kapag talaga nag bigay nanaman siya masasapak kona talaga siya, natrauma na ako sa ginawa niya nung una na halos ikaiyak ko na. kaya dahan dahan ko ito binuksan at para akong tanga na akala mo nagliliwanag yung laman kaya napangiti ako at humarap sa kanya na nakatingin rin sa akin na may ngisi sa mukha, sarap niyang tanggalan ng mukha pero wag muna ngayon kasi mabait siya
"akin toh?" masaya kong tanong sa kanya at tumango lang siya kaya naman lalo pa akong sumaya
"talaga! salamat! thankyou! ang bait mo talaga" kinikilig kong sabi sa kanya at napa yes pa kasi binigyan niya ako ng pagkain at may chukie pa, waaahh!! omy!
"kalamahan mo teh" pag tataray sa akin ni naei at benelatan ko lang siya "penge nga" bigla niyang hablot sa plastic na nag lalaman ng mga chichirya at biscuits
"ay wow ha" nasabi ko na lang sa kanya at binigyan rin si avi na kanina pa ako tinatawanan
"oh teh! kalamahan mo lang rin at uunahan na kita, oh" binigyan kona siya kasi alam ko naman nang manghihingi rin siya. At syempre kapag may pagkain ka hindi mawawala ang mga buraot
"how about us?nagugutom na rin kaya kami" pangangalabit sa akin ni childrish kaya napairap ako
"ayoko nga, friends koba kayo atyaka bigay sa akin toh" pag dadamot ko sa kanila
"sige na! sige ka tataba ka" pananakot niya pa sa akin, akala naman niya matatakot ako di kaya ako tumataba
"anong tataba!? gusto mong ipakain ko sayo tong kamao ko nang makita mo kung sino ang tataba!? atyaka di ako mataba!" naaasar ako sa kanya ha kahit di totoo
"oh bigyan mona pala kami para dka namin asarin" sabat naman ni lennon, kaya kahit masama loob ko at labas ilong ay nag bigay ako
"yan goods para dika na tumaba" natatawa nilang sabi at sinumulan nang buksan yung chichirya
"akin na nga yan" hahablutin kona sana kaso nilayo na nila
"tumigil na nga kayo" pagbabawal sa kanila ni avi kaya tumigil naman sila, aba takot lang nila sa kanya, binelatan ko naman sila at natawa kami pareho ni naei
"yan kasi dami pang sinasabi" bulong na sabi ni naei sa likod niya si childrish
"manahimik kana lang dyan pandak" pang aasar niya kay naei
"abat!" kinalampag ni naei yung table niya pero mahina lang kasi busy na makipag chikahan yung mga classmates namin baka maistorbo
"oppsss tama na" awat ko sa kanya nung handa na siyang tatayo kasi di namin mapipigilan ang dalawang yan kapag nag away aba ang hirap nila awatin
"that's enough" simpleng sabi lang ni dom na nag patigil sa amin pero di nakawala yung ambahan ng dalawa sa isa't isa
"sorry I'm late class" napaayos kaagad kami at pati ako kahit na nakasubo pa yung pag kain sa bunganga ko sinalansan ko kaagad sa bibig ko na kinaubo ko dahil nagulat ako sa pagsalita at pasok ni ma'am
"excuse me" pag papasensya ko at yumuko para uminom ng chukie kasi wala naman tubig pero kinalabit ako ng nasa likod ko at inabot yung tambler niya kaya kinuha kona kasi mas better yun at pag katapos ay binalik kona sa kanya at nag thankyou at bumalik na ulit sa harap para makinig
"ok bring your EALS (earth and life science) book and open page 78" kinuha kona yung book ko pero may nakita akong candy ng monami, kakainin kona sana pero naisip kona lang ibigay kay dominic pang thankyou sa binigay niya
pasimple akong humarap sa kanya at nilagay sa libro niya yung candy na ikinatingin niya sa akin at nag thankyou ulit ako pero pabulong lang
YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...