FYI 7

5 0 0
                                    

isha's POV

Break time ngayon kaya lahat kami ay nasa cafeteria, naka pila na kaming tatlo ngayon para bumili ng pag kain at inumin dahil pag ka tapos nung drill ay deretyo klase na kami at nakalimutan ko pala mag dala ng tubig kaya nag tiis ako ng isang oras at kalahati

"ate Oreo, fudge bar, at Chuckie nga po tapos isang miniral water" sabi ko sa tindera. malawak naman itong cafeteria at may dalawang section ng store, yung isa para sa mga biscuits at kung ano ano pang klase ng junk food yung isang section naman ay nandun yung mga tinapay like sandwich,burger at mga ulam at kanin

hinihintay kona lang sila ngayon dto sa entrance ng cafeteria, hindi kasi kami dto kumakain masyadong maingay at ang daming tao mas prefer namin sa garden, sa likod ng school may mga bleachers din naman doon at may silong ng puno kaya presko at tambayan na rin namin hehe. tapos na bumili sila avi at palapit na sa akin, may dumaang student sa harap ko at napansin kong may band aid siya sa pisnge kaya napaisip naman ako

"una na kayo sa tambayan, may kukunin lang ako sa bag" sabi ko sa kanila at nauna nang mag lakad, pag dating ko sa room ay kinuha ko kaagad yung kukunin ko at pinili ko yung Doraemon yung design i like Doraemon hehe

pababa na ako ng hagdan at hinahanap ko yung pag bibigyan ko, wala sila sa locker at cafeteria kaya baka nasa stadium pero pag dating ko ay wala ang nandun lang ay yung mga nag prapractice ng basketball kaya umalis na ako, last na talagang titignan ko yung soccer area kung saan kami nag drill pero pag wala pa rin ay dederetyo na ako ng tambayan. pag dating ko doon ay tinignan ko kaagad yung nga bleachers at nandun nga sila! nag kwekwentuhan

"hay salamat nahanap rin kita" hinihingal kong bungad sa kanila at halatang nagulat sila sa pag dating ko

"ginulat mo ako" gulat na sabi ni lennon na nakahawak pa sa dibdib niya

"so-sorry hehe" peace sign ko sa kanya

tinignan ko si dominic at ang braso niyang may gasgas kanina kasi nung tinutulungan ko siyang pagpagin damit niya ay may napansin akong gasgas, seryoso lang siyang naka tingin sa akin kaya naiilang ako, dahan dahan kong inabot sa kanya yung band aid na may Doraemon na design sa kanya at tinignan niya lang iyun at binalik ang tingin sa akin na mas lalo pang kumunot ang noo

"a-ahhmm a-ano kasi may-may sugat ka s-sa bra-braso" nahihiya kong sabi sa kanya at bakit ako nauutal? what the heck isha. akala ko kukunin na niya kasi inangat niya kamay niya pero binugaw niya ako! walang hiyang lalaki toh siya na nga tinutulungan ay

"i don't need it" cold na sabi niya at chinupi ulit ako gamit yung kamay niya

"ta-tanggapin mo na para kahit papaano ay hindi maimfection yang sugat mo, atyaka, da-dahil rin nam-naman sa akin yan ehh" totoo naman eh kasalanan ko kung di ko lang sana siya nabubunggo edi ako lang ang babagsak

cold niya lang akong tinignan kaya na pa pout na lang ako at nag iwas siya ng tingin at parang nailang siya, bakit kaya

"sige na tanggapin mo na para sure akong ok kana" pagpipilit ko sa kanya at umiwas lang nang tingin, kainis itong lalaki na toh ha

"alam mo kung ayaw mo edi wag! daming arts (arte yan pero pinasosyal lang)" nainis na ako at nag martya na paalis pero ayokong mag ka sama siya ng loob sa akin kaya bumalik ulit ako at binuksan yung box para kumuha ng dalawang band aid at ako na ang mag didikit

kinuha ko yung braso niya nang naka simangot at nagulat siya at aalisin niya sana but i glared at him aba! makuha siya sa tingin! dikitan ko rin kaya yang mukha niya nakakabanas eh di na niya tinuloy at nilagay na ang band aid pag katapos ilagay ay hinawakan ko kamay niya para mabuklat ang palad niya at pinatong doon yung band aid, dko alam kung namamalikmata ako o hindi kasi gumalaw bibig niya pero bahala siya jan, at umalis na ako.

"Teh anong mukha yan" takang tanong ni avi sa akin, kanina pa nila ako tinitignan na parang aning

"oonga, anyare ba at bakit nung dumating ka ay nakabusangot kana" sawsaw naman ni naei

"eh buset kasing dominic na iyun, siya na nga tinutulungan at binabawian ay ayaw pa, piling ata nun may powers siya na gagaling kaagad sugat niya" naiinis kong kwento sa kanila

"hay nako hayaan muna yung mga yun, may mga sariling mundo yun" pangungumbinsi sa akin ni avi at nag patuloy na sila sa pagkain kaya nakabusangot akong kumakain pero nung naka kain na ako ay ok na ako AHAHAHAHA pake niyo ba food is happiness

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now