isha's POV
Masaya kaming nag celebrate ng monthsarry niya at masaya rin akong kumain dahil ang daming pagkain ang hinanda nila nic ngayon ko lang natikman luto niya dahil tamad yun magluto kahit sa akin hindi ko nga alam kung paano napilit nila drish si nic na magluto eh. masayang nagkwekwentuhan ang lahat pero itong katabi ko ayaw makihalubilo, sunod ng sunod sa akin na parang butot
"makipag kwentuhan ka muna sa kanila, kumakain pa ako oh" naiinis na sabi ko sa kanya at sinamaan ko ng tingin pero ang alien ngumiti lang, nakakainlove siya ngumiti
"mas gusto ko dito eh" parang bata niyang sabi pinisil ko naman pisnge niya
"oh dba gusto mo rin ako dto" nakangiti niyang sabi inirapan kona lang siya
"ang dami mong alam alien! dyan kana nga" inirapan ko ulit siya at iniwan siya nakita ko naman siyang sumimangot at umaktong nagtatampo binelatan ko naman siya at tinawanan, inirapan naman niya ako. bakla ay
"drew?" tawag ko sa taong nakatalikod at nasa counter at tama nga ako, may hawak pa siyang baso
"ano ginagawa mo dto? bakit hindi ka makisama sa kanila?" turo ko pa kila naei na nag aasaran
"asus! patay na patay ka lang sa akin eh" narinig ko pang pangaasar ni drish
"gusto mo ikaw patayin ko!?" mataray na sagot ni naei at nagtawanan naman silang lahat
"ang sakit mong magsalita ha, kahit ako hindi mo pinapalampas" umaktong nagtatampo si drish, inis naman siyang tinignan ni naei pero bigla lumambot yung parang mangaasar
"aysus... osige osige sorry na, sorry na baby ko" umakto si naei na parang bata yung kausap at pinisil pisil pa yung pisngi ni drish pero bandang huli bigla niyang pinangigilan, AHAAHHAHA paniguradong masakit yun
"eh bakit ikaw... nandto??" tanong niya rin sa akin pabalik
"eh may alien kasi akong buntot hehe" kumamot pa ako sa ulo ginulo naman niya buhok ko, gosh! namiss kong gawin niya yun sa akin
"ngayon mo na lang ulit ginawa sa akin yan ha" nagtatampo kong sabi sa kanya, bahagya naman siyang natawa
"eh baka makasira pa ako" makahulugang sabi niya sa akin, this time na gets ko ang pinopoint niya
"hindi naman ha, ayos na kayo dba" sabi ko kay drew
"yes... pero ayoko nang makisali pa, maayos na kayo at masaya na sa isa't isa.... ok na ako roon" malungkot siyang ngumiti sa akin, niyakap ko naman siya
"ano bang sinasabi mo" naluluha kong yakap sa kanya
"may sasabihin nga pala ako sayo" hinarap niya ako sa kanya at pinatong yung kamay niya sa ulo ko at ngumiti na hindi umabot sa mata. sana kung makahanap na si drew ng mamahalin ay yung mamahalin rin siya, ayoko siyang nasasaktan kahit na ako ang dahilan kung bakit siya makungkot, sorry drew....
"ano yun? bakit parang ayoko na lang pakinggan" naluluha kong tanong sa kanya
"huwag kang iiyak ok" natatawa niyang sabi at pinunasan yung luha kong tumulo
"don't tell me *sniff na aalis ka?" naiiyak kong tanong sa kanya, bigla naman siyang lumungkot at niyakap ako
"bakit? bakit kailangan mo pang umalis? iiwan mona ba ako dahil sinaktan kita" sunod sunod na tanong ko sa kanya at umiyak
"ano kaba syempre hindi kita iiwan, aalis lang ako para magpahinga and... makapag move on na rin" malungkot niyang sagot sa akin, hinigpitan ko naman yung yakap ko
"sorry *sniff sorry huhu" pagiiyak ko sa kanya hinagod naman niya likod ko
"dba sabi ko huwag kang iiyak, hindi kita kakalimutan dahil mahal na mahal kita.... always remember that, I'm always here for you stellah" dahil sa pagtawag niya sa akin ay lalo akong naiyak
"you already told her?" tanong nang kung sino naramdaman ko naman siyang tumango kaya hinarap ko kung sino yun at si nic pala
"alien!" umiiyak na tawag ko sa kanya at niyakap siya, mainggit kayo blee AHAHAHA
"sshhh" pagpapatahan niya sa akin
"pigilan mo si drew... pls, iiwan na niya tayo" naluluha ko siyang tinignan bahagya naman siyang tumawa. para na akong isip bata pero wala akong pake dahil aalis ang isa sa mga naging best buddy ko
"kung hindi siya aalis ay baka mapabayaan na niya sarili niya, siguro naman ay nakapag paliwanag na siya dba. let's just understand him ok?" inalo niya ako, para siyang tatay na nagpapaliwanag sa anak
Parang kahapon lang kami nagusap about sa pagalis ni drew parang ang bilis ng 1week, mamimiss ko talaga siya. lahat kami ay hinatid siya pero ako at si nic lang ang naghatid sa kanya dto sa loob dahil yung iba ay ayaw dahil baka magiyakan lang daw sila
"magiingat ka doon ha, tawagan mo ako kaagad kapag nakarating kana, lagi mo akong iuupdate ha, sabihin mo sa akin kapag may nangaway sayo sa italy at reresbakan namin" sunod sunod na bili ko sa kanya habang nakayakap sa kanya, ito na ang huling yakap ko. andto na kami ngayon mismo sa entrance ng eroplanong sasakyan niya, yung may flight attendant
"yes ma'am hinding hindi ko makakalimutan yan kasi kanina kapa paulit ulit" pang aasar niya sa akin narinig ko naman silang dalawa tumawa
"basta! mamimiss talaga kita huhu pwede ba huwag kana lang umalis" hinahatak na ako ni nic dahil ayokong bumitaw sa kanya para ko siyang tatay na mag aabroad AHAHHA
"sayang naman yung binayad ko kung ganun" ginulo niya ang buhok ko at bahagyang tumawa. narinig naming tinawag na ang eroplanong sasakyan niya kaya muli ko siyang niyakap
"dude huwag mo siyang sasaktan ha? dahil kapag nalaman ko ay hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo" pang babanta ni drew kay nic, ngumisi naman si nic sa kanya
"huwag kang magalala drew dahil kapag inaway o nagalit sa akin itong alien na ito ay ako na mismo ang sasama sayo" nakangiting sabi ko sa kanya, tumawa naman siya at ginulo buhok ko
"what!?" galit niyang tanong sa akin
"oh tignan mo nagalit, tara na" kinawit ko pa yung kamay ko sa braso ni drew at hinatak siya pero hinatak naman ako ni nic pabalik sa kanya at inakbayan, nagtawanan naman kaming dalawa ni drew
"takot ka noh AHAHAHHA" pangaasar ko kay nic na nakasimangot na
"kailangan ko ng umalis" bumuntong hininga pa siya at nagsimula ng tumalikod
"alam kong mamimiss mo rin siya" tiningala ko si nic na naka tingin lang sa kapatid niyang naglalakad palayo sa amin
"yeah" sagot niya sa akin at bahagyang tumawa at hinalikan ako sa noo
"drew!" tawag ko sa pangalan niya, lumingon naman siya sa aming nakangiti. tumakbo ako papunta sa kanya at nang makarating ay niyakap ko ulit siya ng pagkahigpit higpit at kiniss sa pisnge, nagulat pa siya sa ginawa ko
"ok hindi na ako aalis" pagsusuko niya natawa naman ako
"loko ka talaga! mag iingat ka roon ha... bye! chupe!" bahagya ko pa siyang hinampas at tinulak siya , kumaway ako hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. sana sa pupuntahan mo ay maging masaya kana drew...
![](https://img.wattpad.com/cover/305560570-288-k70255.jpg)
YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...