FYI 41

1 0 0
                                        

isha's POV

"sure naba kayo sa plano?" rinig kong tanong ni avi, nagising ako dahil sa ingay nila pero hindi ko pa rin minumulat mata ko

"yup"
"yes"

kanya kanya nilang sagot

"basta ha" narinig ko pang sabi ni naei at dahan dahang minulat mata ko, napansin kong hindi kay drew nakapatong ulo ko na nakaharap kila avi kaya dali dali kong inangat ulo ko narinig ko naman dumaing yung nauntog ko

"aray!" nagulat ako ng si nic iyun dali dali naman akong humingi nang sorry sa kanya, nagulat rin sila naei sa biglang pagdaing ni nic

"sorry sorry, sorry talaga" paulit ulit kong sabi sa kanya dko naramdaman yung sakit nung ulo ko

"patingin sorry talaga" hinawakan ko baba niya nakita kong nagulat siya, tinignan ko yung baba niya namumula hinimas ko ito gamit yung hinlalaki ko sa kamay. humingi ulit ako ng sorry sa kanya

"stellah hindi ba masakit ulo mo" tanong sa akin ni drew kaya napatingin ako sa kanya at umiling

"keri naman pero mas masakit yung kay nic" tinuro ko pa ang ni nic at hinarap sa kanya, hindi niya iyun pinansin at nilapit yung ulo ko sa kanya kaya nagulat pa ako

"are you sure?" nag aalala niyang tanong ang lapit ng labi niya sa noo ko, ang lapit sobra

todo himas naman siya sa ulo ko bago niya hinawakan baba ko at hinarap sa kanya kaya nakatingala ako sa kanya kasi matangkad siya sa akin kahit naka upo kami, natulala naman ako

"hey Stellah I'm asking you kung ok ka lang" nabalik naman ako sa ulirat

"h-ha? ahh o-oo" dali dali akong lumayo sa kanya at umayos ng upo napasulyap pa ako kay nic na ang sama ng tingin kay drew

Nandto na kami sa lavista at inaayos yung mga gamit namin, magkakatabi ang mga kwarto namin at nasa gitna kami ng kwarto nila drew at nic. pagkarating namin dito ay kumain kaagad kami dahil tanghali na at para makapag pahinga siguro mamaya na lang kami mag lilibot, medyo marami ang tao ngayon dahil malapit na mag weekend

"magpapalit naba tayo?" tanong ko sa kanila na mga nakahiga dahil tapos na kami mag ayos ng gamit, malaki rin itong kwarto namin, may cr walk in closet at mini kitchen saktong sakto pang tatlong tao

"mamaya na matulog na muna tayo" sagot ni naei na naghihikab pa kaya humiga na rin ako at kinuha cellphone ko, nakita ko namang tulog na si avi at nakapikit na rin si naei kaya napagpasyahan kong umidlip na rin 1:00 na rin ng hapon. ilalapag kona sana cellphone ko nang may nag text

from: alien
"what are you doing?"

nagtaka naman ako na akala mo nakikita niya ako

to: alien
"hunting"

natawa naman ako sa text ko, pagkasend na pagkasend ko ay nag reply kaagad siya

from: alien
"ng ano?"

kahit sa text ay nararamdaman ko ang nakakunot niyang noo

to: alien
"edi lalaki AHAHAHA"

natawa naman ako buti na lang tulog na yung dalawa

from: alien
"nandito naman ako hindi mo na kailangang maghanap"

magtytype na sana ako pero nag ring cellphone ko at tinignan ko yung caller id si alien

"oh ano!?" bungad ko sa kanya narinig ko naman siya tumawa kinilig naman ako

"sleep well my loves, i love you" shet! kinikilig ako hindi pwedeng ako lang ang kikiligin!

"ok maya na lang, my loves" dali dali kong inend yung call at nagtatawa pero mahina lang dahil baka magising mga pinsan ko at the same time kinikilig rin

Nandto kami ngayon sa catage at nag memeryenda at pagkatapos ay maliligo na nang dagat

"huy drish bilisan mo nga ikaw nalang hinintay eh" inis na tawag ni naei kay drish na chill na chill na kumakain ng cake

"teka lang namam! pati dto pinagmamadali mo ako" pagmamaktol ni drish at dali daling sinubo yung cake natawa naman kami

hinubad na ni naei yung short niya at hindi man lang inisip na may mga lalaki kaming kasama, kaming dalawa ni avi ay naka suot ng two piece sa akin ay dark green kay avi naman ay light blue while naei, naka one piece siya na kulay black and pareho kaming tatlo nakasuot ng short

"let's go!" pag aaya ni naei at hinatak na sila rassel at nathan sumunod naman si drish

naghubad na rin si avi napatalikod pa yung tatlo kaya naghubad na rin ako, nauna sa akin si avi at tumakbo napapunta kila naei na nagtatampisaw sumunod naman si leen sa kanya, yung mga boys ay mga naka summer short yung may design na puno ng niyog AHAHAHHA basta yun

"what the hell?" napatingin naman ako kay nic

"problema mo" inis na tanong ko sa kanya kasi paalis na ako eh

"what are you wearing?!" inis na tanong niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa

"uhhmm two piece?" sarcastic na tanong ko sa kanya, mag sasalita pa sana siya ng inunahan na siya ni drew

"don't mind him, you look so sexy" namula naman ako sa sinabi ni drew, binelatan ko naman si nic na galit na galit, problema ng alien na iyun

"let's go! let's enjoy!" sigaw ko at hinatak na yung dalawa

masaya kaming nag swimming at naglaro ng volleyball sa dagat, nag laro rin kami ng chicken fight. pinagtritripan namin sila naei, rassel natahan at drish binabato namin sila ng buhangin

"ay pota sino yun!?" inis na tanong ni naei ng may nagbato sa kanya ng buhangin kanya kanya naman ng turo sila drish. nandto na kami ngayon sa buhanginan at nagpapahinga napagod kaming mag laro mag hahapon na rin pero nandto pa rin kami

"huy hindi ako! si avi yun" reklamo ni drish at tinuro pa si avi na tumatawa

"kayo!" tumayo si naei at kumuha ng buhangin at binato sa dalawa

tahimik lang ako ditong naka upo ng biglang may humatak ng kamay ko

"aray ha" daing ko yawang alien toh,. nakangisi naman niya akong tinignan at binuhat na parang sako

"huy! huy! aaahhh! drew! drew!" tawag ko kay drew na nasa catage kasama sila leen, rassel at nathan

"huy ibaba mo ako!" hinampas hampas ko likod niya pero ang alien binato ako sa dagat buti hindk mabuhangin kundi magkakasugat ako

"ahhh!" tili ko at binato siya ng buhangin na nadampot ko

"hey! hindi ako ang nagdala sayo dyan" nagulat ako ng si drew nabato ko

"sorry!" pero binato ko ulit siya kaya gumanti naman siya

"hey hey! I'm just joking" tumakbo ako paalis nang dagat at nagtago sa likod ng alien na prenteng naka upo na akala mo walang ginawang masama sa akin kaya ang ending siya ang nabato and worse sa mukha pa

"WAHAHHAHA" malakas na tawa ko at tinuro pa siya nakitawa rin sa akin si drew pero napatigil ako kasi pareho nila akong binato muntik na sa mata ko

"walang hiya kayo! takbo!" hinabol ko sila at parehong binato pero hindi sila tinamaan kaya pumulot ulit ako at nilagyan yung parehong kamay ko, sinasangga naman nila yung isa't isa pagkabato ko ay nasapol ko si drew pero sa tyan niya lang kaya lumayo sa kanya si nic at lumapit sa akin nagtago naman ako sa likod niya kaya siya ang nabato

"AHAHAHHA" tawa ko nang malakas at tumakbo sa likod ni drew dinedepensahan naman niya ako para silang naglalaro ng basketball

"dyan ka lang sa likod ko Stellah" sabi sa akin ni drew nagtaka naman ako pero dahil nasa isip ko paglalaro ay nagtago lang ako sa likod niya at sumilip para bilatan si nic na seryoso

para kaming mga bata dahil naglaro kami ng batuhan ng lupa dinamay namin sila nathan na nananahimik AHAHAHAH ang saya shete!

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now