isha's POV
"paano? i mean Rosales last name mo while nic is Carter"naguguluhan kong tanong kay drew dahil hindi naman marunong sumagot itong alien na ito at ang alam lang naman nito ay mang irap at magalit sa mundo
"Rosales is my mom's last name, and trip ko lang gamitin" paliwanag sa akin ni drew, tumango na lang ako na nagpapahiwatig na naiintindihan kona kaya pala kapag magkasama sila at tinitignan ko ay mag pagkahawig sila lalo na yung mata nila, makapal na mga pilikmata at medyo singkit
Naka upo na ako ngayon sa isa sa mga table rito umalis si drew may nakalimutan daw kasi siyang kunin kaya kukunin niya daw muna saglit
"ehem" oonga pala kasama ko pala itong alien na ito, magkatapat kami kahit pabilog yung lamesa. napasulyap ako sa kanya at dumaan yung tingin ko sa labi niya dali dali naman akong umiwas ng mapansin niya napatingin ako sa labi niya, ngumisi naman ang gago at nag lean palapit sa akin nakapatong yung baba niya sa brasong niyang nakatungkod sa lamesa
hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nag respond ako sa halik niya, pagbalik namin sa room ay hindi ako makapag concentrate kasi ginagambala niya ako at inaasar buset siya! buti na lang hindi nagtanong sila naei kung bakit ganun yung inaakto ni nic at kung bakit parang wala ako sa sarili dahil kung hindi ay kung ano anong theory ang papasok sa mga utak nila
"nic nakakatakot ka alam mo yun" naiinis na sabi ko sa kanya kasi nakangiti siya na parang tanga. he's wearing a black tuxedo with a black ribbon na akala mo ay kasal ang dadaluhan gusto kong matawa sa naisip ko pero wag na kasi bagay sa kanya, oona ang pogi niya lalo tsk!
dumating na si drew at umupo sa tabi ko, marami pa namang bakante pero dito pa siya sa tabi ko umupo pero ok na yun kasi katabi ko crush ko, tumayo naman si nic akala ko aalis na siya pero tumabi rin siya sa akin yawa parehong nasa magkabilang gilid ko ang magkapatid
"bakit nandto ka" pagtatary ko sa kanya pero inirapan niya lang ako
"ako tinanong mo siya hindi, walang kwenta" inis na sabi ni nic at inirapan ulit ako, taray ng lalaking ito sarap dukutin yung mata
"dom nandto kana pala" bungad sa amin ni leen na kasama si avi nagtataka naman akong tinignan ni avi at tinignan yung dawang lalaking katabi ko nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko alam ano trip nila. tumabi si leen kay nic maya maya lang ay dumating na rin si naei at drish na mukang magkasundo kasi hindi sila nagbabangayan
hindi ko alam kung sadya ba ito o hindi dahil sakto kaming lahat sa lamesa nagtataka ko namang tinignan si drish dapat hindi siya dito nakapwesto dahil birthday niya dapat nasa tabi siya ng parents niya pero isinawalang bahala ko nalang yun
Nagsimula na ang party at mga message nila kay drish dito na siya umupo sa table namin ayaw niya raw sa tabi ng parents niya dahil op daw siya, kunwari pa siya pwede naman niyang sabihin na ayaw niyang layuan si naei. kumakain na kami ngayon at gutom na gutom ako dahil ang dami pang ek ek ng party drish bago kami pinakain, subo lang ako ng subo ng pagkain nang suwayin ako ng alien
"slow down stellah dika mauubusan" natatawang suway sa akin ni nic pero inirapan ko lang siya, eh sa gutom ako ng bigla akong nasamid kukunin ko na sana yung water ko nang may nag abot sa akin take note dalawa pa silang nag abot sa akin
"here" yung kay avi na lang ang tinanggap ko at uminom nang mahimasmasan ako ay nag thankyou ako sa kanya nag patuloy na ulit ako sa pagkain ng masamid ulit ako
" *cough shete *cough" may nakaalala ata sa akin
"ano ba iyan isha hinay hinay nga" natatawang sabi sa akin ni drish pero dko magawang irapan siya dahil inuubo pa rin ako pareho nanamang nag abot yung dalawa sa akin ng tubig sa sobrang ubo ko ay kung ano nalang hinablot ko nang mahimasmasan ay napasandal ako, ayoko na kumain! napansin kong yung inabot ni drew ang ininuman ko
nakita kong nakangisi si drew at masama naman ang tingin ni nic sa kanya, bakit sila ganyan makatingin sa isa't isa
"ayoko na" hinarang ko yung sarili ko sa gitna nilang dalawa para na kasing napipikon si nic eh
"ang baboy mo kasi kumain" pang aasar sa akin ni naei
"anong baboy, eh sa gutom na ako" inirapan ko siya nag patuloy na lang ulit sa pagkain at nakikinig lang ako sa usapan nila, ramdam ko pa rin yung titigan ng dalawang katabi ko pag nagsuntukan sila kawawa ako dahil ako unang makaka lasap ng galit nila jusme huhu
"excuse me cr lang ako" hindi kona hinintay sagot nila at umalis na ako nang malayo na ako sa table namin ay saka lang ako naka hinga ng maluwag, piling ko naubusan ng oxygen sa pwesto namin nakakatakot naman kasi yung dalawang yun
palakad lakad lang ako ngayon at hinahanap yung cr ang bobo ko naman kasi hindi ako nag tanong hindi naman ako naiihi or na jejebs pero gusto ko mag cr napansin kona napunta na pala ako sa likod ng bahay nila drish may pool akong nakita kaya for sure may cr dto lalakad na sana ako ng may humawak sa akin
"pota!" gulat na sigaw ko pisting lalaking ito nakakagulat
"ano ba! ginulat mo ako!" hinihingal na sigaw ko sa kanya napa hawak pa ako sa puso ko at sobrang bilis ng pintig nito pero ang alien ay tinawanan lang ako
"chill, akala ko ba mag ccr ka bakit nandto ka" natatawang sabi niya sa akin siguro hindi maka get over sa panggugulat sa akin
"edi nag hahanap baliw" inirapan ko siya
"hindi dto ang cr nila nasa harap" sabi niya tumango naman ako at aalis na sana para puntahan yun nang hawakan niya ulit ako seryoso na siya ngayon
"what?" inis na tanong ko sa kanya
"kung mangaasar ka wag ngayon bukas na lang" pagkasabi ko nun ay aalis na sana ulit ako pero hinawakan niya ulit ako
"aahhmm i just..." kinagat niya labi niya kaya napatingin ako doon shet! gusto ko siyang i kiss gusto kong hampasahin sarili ko para magising ako sa ginagawa ko kasi napakagat rin ako sa labi ko
"just what?" tanong ko sa kanya at iniwas yung tingin sa labi niya
"just wanna say that... that your dress suits you"kinilig ako sa puri niya sa akin pinuri rin ako ni drew pero bakit iba sa dating sa kanya
"tha-thanks" nahihiya kong sabi at ngumiti sa kanya ngumiti rin siya sa akin, bakit ganun mas pogi siya kay drew ngumiti what the self!
"pwede bang ngumiti kana lang" biglang lumabas sa bibig ko
"what?" natatawang tanong niya
"no-nothing" napayuko naman ako, ano bang sinasabi mo self. narinig ko siyang tumawa gusto ko rin tumawa sa dko malamang dahilan pero kinagat ko lang labi ko
"tigilan mo nga yan" biglang seryoso naman siya, bipolar ito alien amputa
"ang alin" nagtatakang tanong ko
"bitting your lips" nakangising sabi niya at namula naman ako kasi naalala ko yung pag kiss niya
"bahala ka nga dyan! chupe" dko na mapigilan sarili kong mamula kaya tinulak ko siya narinig ko lang siyang tumawa, sige tawa lang ng maputulan siya ng hininga
YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...