FYI 22

2 0 0
                                    

isha's POV

Nandto ako ngayon nakasakay sa sasakyan ni dominic at ang gamit niya ay yung super car nakakahiya ngang umupo dahil baka malukot yung leather at masira

"what are you doing" naiinis na tanong sa akin ni dominic, itong lalaking ito pwede naman niyang sabihin na ayaw niya akong isabay pwede naman ako makisingit kila leen or drish. dko alam kung anong uod ang pumasok sa utak ni leen at pinaghiwalay pa kaming tatlong magpipinsan si naei at drish ay hindi rin sang ayon pero nung tinignan sila ni leen at avi ay biglang pumayag, may mga saltik talaga

"eh kasi baka malukot at masira bayaran kopa hehe" hanggat maaari ay binubuhat ko yung bigat ko para hindi malukot yung upuan which is normal kasi upuan nga dba pero kasi mahal toh, kahit mayaman kami ay takot akong gumastos ng malaki ha

"tsk stupid!" inis na sabi niya sa akin hay nako bahala siya dyan. bigla siyang nag preno kasi biglang may dumaan na pusa kaya nauntog yung ulo ko sa salamin buti hindi nasira or nagasgasan at di kasi ako naka seatbelt dko rin alam kung bakit di ako nag seatbelt siguro kasi malapit lang naman?

"ouch" bulong ko at hinimas yung ulo kong nauntog at tinignan yung salamin kung nagasgasan

"ano bang ginagawa mo" inis na sabi niya ay wow ha hindi man lang nag sorry

"baka kasi nagasgasan" at tinignan ulit pero buti naman ay hindi

"pwede ba umayos ka nga at nauntog kana nga lahat lahat iyan pa inalala mo at dka pa nag seatbelt" grabe naman ito makasermon kulang na lang duru-duruin ako

"so-sorry naman" dko alam bakit ako nag sososorry eh ako yung nasaktan

"tsk!" pinaandar na niya ulit kaya nabigla ako kaya huminto ulit siya kaya nauntog nanaman ako

"ano ba problema mo nakakadalawa kana dominic ha" inis na angal ko sa kanya, kung galit siya sabihin niya

"umupo ka nga ng maayos at mag seatbelt ka" inis na sabi niya sa akin

"ihh! baka mamaya masira kopa wag na malapit na rin naman eh kaya ko pang mag tiis!" angal ko sa kanya. sa sobrang inis niya sa akin ay tinanggal niya yung seatbelt niya at lumapit sa akin nabigla pa ako, pinaupo niya ako yung magiging prente yung upo ko at kinabitan ng seatbelt. natulala ako sa mukha niya ang bango ng hininga niya na akala mo lumaklak ng v-fresh at yung kilay niyang magkasalubong ay ang ganda tignan what the fuck self! kelan pa naging maganda tignan ang taong galit, bobo ha

"alam mo bang masama ang magnakaw ng tingin" nagulat ako sa sinabi niya kaya napa ayos ako at bumalik naman siya sa pwesto niya ng naka ngisi

"hi-hindi ah! an-ano bang sinasabi mo ta-tara na" bat ako nauutal, biglang bumilis yung puso ko shete ayoko magkasakit. ngumisi naman siya sa akin at pinaandar na ulit yung sasakyan

Nandto na kami sa tapat ng bahay at kahit pag bukas ko ay ingat na ingat ako kasi baka ma scratch ko eh mahaba pa naman kuko ko at kahit sa pag sasara nasabihan pa nga ako ng oa nitong kasama ko pero inirapan kona lang siya

"nasa likod lang natin sila ha" sabi ko sa sarili ko kasi kaming dalawa lang ang nandto at wala yung sasakyan nila leen at drish

"baka bumili ng snacks" napatango na lang ako kasi baka nga wala na rin naman kaming stock eh, naka limutan ko ngang bilhan kami ng sariling grocery eh baka sa Saturday na lang

inaya kona siyang pumasok at naka sunod lang siya sa akin

"kayong tatlo lang ang nakatira dto?" tanong niya sa akin pagkapasok namin sa loob ng bahay, hindi naman ganun kalayo ang gate sa mismong bahay sa likod lang kasi may pool doon at mini garden

"yup" sagot ko sa tanong niya

"upo ka muna dyan magbibihis lang ako, saglit lang" tumango naman siya at umupo pero tinitignan niya ang buong paligid ng bahay. umakyat na ako at nagbihis naka suot na ako ngayon ng short at malaking damit pero hindi manipis kasi may lalaki kaming kasama ganto ako lagi kapag nasa bahay minsan naman ay naka dolphin short at naka fitted crop top, nasa bahay lang naman kami kaya ok lang. pagbaba ko ay nakita kong tinitignan niya yung mga pictures namin, nakakahiya may picture kasi ako dyan nung maliit ako

"nauuhaw kaba" bigla siya napalingon sa akin at tinignan ako simula hanggang ulo hanggang paa kaya nailang ako

"pasensya na ganto kasi talaga ako mag damit hehe" bakit ako nag hihingi nang sorry eh wala naman na siyang pake sa gusto kong suutin, yeah whatever!

"ehem" umiwas siya ng tingin at bumaling sa mga pictures

"is this you?" nagtatakang tanong niya sa akin nung pinakita niya sa akin yung picture ko nung nasa orphan ako

"ye-yeah" nakakahiya kasi madungis ako dyan eh, napansin kong ngumiti siya pero isinawalang bahala kona lang yun alien naman siya eh

may narinig kaming nag busina kaya lumabas ako at iniwan si dominic sa loob wala naman siyang mananakaw eh baka mamaya mas mahal pa mga gamit nila sa bahay nila, mmhhh pwede rin naming nakawin yun ha eheheheh

"bakit ang tagal niyo" inis na sabi ko kila naei pagkalabas ko ng gate at sila naman ay may mga bitbit na plastic, galing silang 7/11 at mini stop

"edi bumili nang meryenda" sabi sa akin ni naei at tinulungan sila, pinatuloy na rin nila avi sila leen sa loob, iniwan na namin sila sa sala at yung dalawa naman ay umakyat para mag bihis ako naman ay pumunta ng kusina para mag handa

"kayo ba gumastos nito, papalitan ko na lang" naka ngiting bungad ko sa kanila habang bit bit yung dalawang tray na nasa magkabilang kamay ko, buti pa si leen mabait kahit chismoso eh si dominic ay inirapan lang ako at hindi ako tinulungan samantalang siya mas malapit sa akin, alien talaga

"no need na isha, nag hati hati naman kami eh" tumango na lang ako sa sinabi leen at nagpasalamat sa kanya, pinwesto kona sa center table yung tray

"isha kinuha kona laptop mo ha" pinakita sa akin ni naei yung laptop kona hawak niya. mga naka short rin sila kagaya ko pero hindi sobrang ikli ha, ibang short ang suot namin kapag kami kami lang at kapag may bisita

"laptop na lang namin ang gamitin" inilapag na ni avi yung laptop sa center table may dalawa kasi kaming center table

"huy leen bad yan" napatingin ako kay naei na tumatawa na naka tingin kay leen kaya natawa rin ako si leen kasi pinagmamasdan si avi habang inaayos yung laptop kahit man ako kung first time ko makikitang naka ganyan si avi ay matutulala ako, sexy na nga maputi pa at matangkad pa at mukang di niya kami naririnig kasi naka tuon doon yung atensyon niya. namula naman si leen

"huy manyak! ano tinitingin tingin mo!" sigaw ni naei kay drish na nakatingin sa kanya, bunganga nitong babaeng ito grabe nasa tapat niya lang si drish

"anong manyak, ang taba mo kaya hindi bagay sayo!" sigaw niya rin ni drish kay naei pero bigla siyang nailang

"anong mataba! sexy nga daw ako sabi ni mama eh" hindi na sumagot si drish dahil siguro naiilang siya

Nag simula na kaming mag search ginamit na ni dominic yung laptop ko ok lang naman kasi wala namang mahalaga doon pwera ang sa mga pictures ko at namin nung bata kami sila leen naman ay gamit nila yung laptop ni avi at kay naei ang gamit namin nakila kuya kasi yung isa naming laptop may extra kami para kapag emergency

"huy nic nag reresearch tayo bawal mag cellphone mamaya na iyang chat chat na iyan" suway ko sa kanya paano ba naman kasi hindi siya nakiki cooperate, sarap manapak at puro siya ngiti, huy dko siya tinitignan ha! napapadaan lang hehe

"don't worry wala akong ka chat" naka ngiti niyang sabi sa akin, tanginang alien ito bipolar amputa at anong pinagsasabi niya

"ayeieieiei" tudyo nila avi sila drish at leen naman ay nag apiran pa

"luh, anong nakakakilig naei" pinanlakihan ko siya ng mata

"ito naman wala nga daw kasi siyang ka chat wag kana mag selos" pota!?

"ano bang pinagsasabi niyo, mga baliw amputa" kainis sila, humarap na lang ako sa laptop at nag basa para may maidagdag pa

"word stellah" bigla naman nag seryoso itong bornik na ito

"word stellah" pangaggaya ko sa sinabi niya at inirapan siya atyaka anong selos!? pake ko kung may ka chat siya

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now