FYI 27

2 0 0
                                        

isha's POV

We are here now at our house, we just decide to have a family dinner at home. lahat kami ay naka A-line dress yung sinuot namin nung bumisita sila ate sa FiestiBAR. hinihintay namin ngayon sila kuya kasi susunduin na lang daw nila kami, nandto kami ngayon sa sofa at nakakabingi ang katahimikan nmin

"ehem!" nag pekeng ubo si naei at kunwari inaayos yung dress niya

"ok kana ba?" tanong ko kay avi na nakatulala lang ako na ang nag umpisa ng topic dahil baka mabungol na ako sa sobrang tahimik

"huy!" tawag sa kanya ni naei kasi mukang hindi niya ako narinig

"h-ha? so-sorry ano nga yun??" tanong niya sa akin

"kako ok kana ba??" malumanay na tanong ko ulit kay avi

"oo naman" binigyan niya kami ng pilit na ngiti at tumango tango. nag katinginan naman kami ni naei

"sure ka?" paninigurado ni naei tinignan lang siya ni avi at bumunting hininga

"honestly... ewan ko, hindi ko rin alam bakit ako nalulungkot may gusto na nga ba talaga ako kay leen? pero hindi pwede i-i mean maingay siya and ayoko sa maingay" naguguluhang sabi ni avi at bumuntong hininga ulit

"hayysss basta nandto lang kami ha" lumapit ako sa pwesto ni avi, nasa malaking sofa kasi siya at kaming dalawa ni naei ay nasa single sofa. niyakap ko siya at lumapit rin si naei

"basta promise niyo ha, wala kayong pagsasabihan" nagtatampong sabi niya at natawa naman kami tumango na lang kami at nag group hug ulit

ngayon kona lang ulit nakita si avi na naguluhan sa nararamdaman niya, matagal tagal na rin nung huli siyang nag ka boyfriend well we both are pwera kay naei, since birth walang naging karelasyon si naei hindi dahil sa ayaw niya kundi ayaw sa kanila nila kuya zack at zach,kung ano anong pahirap ang ginagawa nila kuya sa mga nanliligaw sa kapatid nila. sana lahat ganun kasi ate ko binubugaw ako and naging tagumpay naman siya kasi isa sa mga nireto sa akin ni ate naging boyfriend ko kaso hindi rin nagtagal dahil  mapagmahal AHAHAHAHH gets niyo? mapagmahal... maraming babae AHAHHAHA

"whaaooo bakit may group hug" nagulat kami sa biglang pagpasok ni kuya dre(andreas)

"bakit kayo lang dapat kami rin" nagtatampong sabi ni ate, natawa naman kami sa inasta niya kaya nag group hug kaming lahat, ang sarap sa piling... nakakagaan ng pakiramdam

pagkatapos naming mag drama ay napagpasyahan na rin naming umalis dahil paniguradong naghihintay na sila mama at baka kapag nag tagal pa kami ay masapok kami isa isa ayaw pa naman ni mama ng late

"ates! kuyas!" masiglang sigaw sa amin ni ande at niyakap kami

"hi mama!" masiglang bati ni naei nang makita nila sila tita kaia at tito Nickie na nagiihaw sa tabi ng pool, agad naman siyang lumapit sa parents niya at yumakap ganun din ang ginawa nila kuya zack at zach

"nasan sila mama kuya?"tanong ni avi kay kuya andre

"baka nasa loob"  pagkasabi ni kuya dre ay sakto namang lumabas sila tita ava at tito flynn na kasama sila mama at papa na may mga bitbit na pagkain, lumapit kami sa kanila at tinulungan sila bumati rin kami sa mga parents namin

"hi baby how's school" bati sa akin ni mama at hinalikan ako sa ulo

"maayos naman ma" masayang sagot ko

"hi pa, aba lalo atang lumalaki tyan niyo" pang aasar ni ate kay papa, nag bibiro lang si ate dahil puro nga muscle katawan ni papa at muka pa siyang teenager katulad ni leen skin care is life rin si papa

"o sige akin na atm mo" winestra pa ni papa yung kamay niya sa harap ni ate, natawa naman kami ni mama

"ito naman si papa jwk lang eh, tignan mo oh ang laki laki ng muscle mo nag gygym kaba" pangbobola ni ate kay papa si papa naman ay natawa na lang

nakipag beso rin kami kila tita ava at tita kaia. bago kami tumulong ay nakipag laro muna kami kay ande baby sister ni avi, tinulungan na namin sila mag ayos at mag handa pagkatapos ay nag simula na kaming kumain at mag kwentuhan.

"wala ka naman bang nakakaaway sa school niyo" nasamid kaming tatlo nila avi at naei sa tanong ni tita ava kay avi. kanya kanya naman ng abot ng tubig sa amin sila kuya, magkakatabi kaming mag pipinsan habang nasa harap naman namin parents namin si ande ay katabi ni tita ava

"ma- *ubo -ayos naman po ma hehe" natawa ako kay avi AHAHAHAHA

"mabuti naman kung ganun" pag sangayon naman ni tita kaia

"dahil kung meron ay.... susugudun ko" natawa naman kaming lahat sa sinabi ni mama si papa naman ay napasapo na lang sa noo niya, si mama talaga may pagka isip bata, manang mana si ate

masaya naming tinapos ang family dinner namin nandto kaming magpipinsan sa swing sa gilid ng pool, si ande ay tulog na dahil gabi na sila mama naman ay magkakasama sila sa loob siguro nag chichikahan sila

"hindi ba kayo ginugulo nung bruha doon?" tanong sa amin ni ate at nag sip sa wine na hawak niya, siya lang ang umiinom kasi lasinggera siya pinagbawalan pa nga siya ni mama pero dahil pasaway si ate ay sinabihan na isang baso lang

"hay nako ate kung alam mo lang" naiinis na sabi ni naei at umakto pang nanggigigil, natawa naman sila

"bakit ano ba ginagawa niya" tanong ni kuya zack na naka upo sa damo

"simple lang... sinira lang naman niya yung bike namin and take note mga kuyas at ate ha, hindi butas sira talaga" nanggigigil rin sa kwento ni avi

"bruha talaga yung babaeng yun, kapag nakaharap ko talaga iyun hindi ako magdadalawang isip na sabunutan yun" naiinis na sabi ni ate at uminom ulit ng wine

"wag, kawawa naman siya maganda pa naman" pang aasar ni kuya zach kay ate si ate namam ay mas lalong nainis natawa na lang kami sa reaksyon ni ate

"maiba tayo, kamusta naman sila dom" pagiiba ni ate

"edi walang bago, buset pa rin si drish" nagulat at natawa kami sa sinabi ni naei

"huy obvious ka kamo" siniko siya ni avi at tumawa namula naman siya

"nako naei si dom tinatanong ko hindi si drish, ikaw ha" pang aasar ni ate kay naei kaya si naei ay mas lalong namula

"dadaan muna sa amin yun ha, kahit na kilala pa namin" seryosong turan ni kuya zack, ito si kuya zack daig pa si tito maging tatay ay

"kahit wag na" natatawang sabi ni kuya zach sinamaan naman siya ng tingin ni kuya zack

"ano bang sinasabi niyo kuya" nahihiyang sabi ni naei AAHAHHAHA

"obvious ka kasi" pang aasar pa ni kuya zach sa kanya lalo naman siyang namula

"hin-hindi kaya! ito si avi!" pag tuturo ni naei kay avi nakatabi niya lang

"ako nanaman! wala akong alam dyan!" pagdedepensa naman ni avi at nag gesture na wala siyang kinalaman wave kila kuya at ate

"asus! eh iniyakan mo nga" nagulat naman si naei sa sinabi niya si avi naman ay napayuko na lang siguro nahihiya siya

"anong iniyakan" seryosong tanong ni kuya dre

"wa-wala kuya huwag mo na lang pakinggan sinasabi nitong babaeng ito hehe" siniko siko pa ni avi si naei habang tumatawa ng peke si naei naman ay napa piece sign nalang at tumawa, buang ay

"ok back to my question, kamusta na sila DOM" dko alam kung ako lang pero diniin ni ate yung pangalan ni dom, tahimik lang akong nag swiswing kasi ako lang mag isa nang napansin kong lahat sila ay naka tingin sa akin

"ba-bakit?" tanong ko sa kanila si ate naman ay nag taas baba ng kilay sa akin

"aba malay ko sa lalaking yun bakit sa akin ka ate nag tatanong" nakangusong sagot ko, malay koba sa buhay nung lalaking yun eh lagi lang naman akong iniinis at kung ano anong hugot ang pinagsasabi mais naman i mean oona sige may time na kinikilig ako pero si drew ang crush ko! period.!

nginitian lang ako ng nakakaloko ni ate si ate kung ano ano pinag iisip, pilit nila akong kinukulit about kay nic kahit sila naei at avi mga taksil pero totoo naman wala akong alam

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now