isha's POV
Masaya akong sinalubong ng mga bata at nakakaiyak kasi namiss ko sila
"ate stellah!" sigaw ng mga bata sa akin
"hi! kamusta na kayo? pasensya na ha ngayon lang nakabisita si ate at wala sila ate naei at avi dahil may inaasikaso" masayang bati ko sa kanila
"ok lang po ate stellah, namiss po namin kayo!" nabigla ako sa biglang pagyakap nila sa akin kaya muntik na akong matumba, grabe nakakatuwa sila
"and may surprise ako sa inyo and also i brought some groceries" pinakita ko sa kanila yung mga Plastic na nasa loob at natuwa naman sila
"stellah iha buti nakarating ka" nagmano ako kay sister tere
"oonga po eh, pasensya na po ha ngayon lang ako nakapunta wala po sila naei at avi may inaasikaso pero sasusunod ay nandto na sila" masayang sabi ko sa kanya
"oh may kasama ka pala" nakangiting sabi ni sister at nilingon ko naman si dominic na nakatingin sa paligid at sa mga bata na masayang nilalaro yung nga stuff toys na napanaluhan namin sa perya
"ay opo, siya nga po pala si dominic fri--" dko natapos sinasabi ko kasi biglang nag salita si sister
"boyfriend mo" masayang tanong sa akin ni sister, si sister talaga napaka funny
"friend sister" pangkokorek ko at binigyan naman ni sister ng tingin na nagtutudyo
"hello po, magandang umaga po" at nag mano rin siya ay wow mabait na bata, magalang mmhhh + point AHAHAHA
"ay akala ko nobyo mo" si sister talaga kaya natawa na lang ako si dominic naman ay pumeke pa ng ubo
"o sige kukunin ko lang mga pinamili mo, ang dami dami pa" natawa naman ako kay sister
"para po sa inyong lahat yan atyaka hati hati naman po kaming tatlo dyan" tumango na lang si sister at nag buhat syempre yung mga magagaan lang sila kuya badjie na ang nagbuhat nung mga naka kahon
"hello po" nakita kong bati ni jin kay dominic, lumuhod naman siya para mapantayan niya si jin
"hi, what's your name" nakangiting bati ni dominic kay jin at hinawakan pa sa ulo
"jin po, kayo po? ang pogi niyo naman po boyfriend po ba kayo ni ate stellah" masayang tanong niya, pati itong si jin funny
"AAHAHAHH nope, friend ako ng ate mo" pinisil niya pa yung ilong ni jin pero hindi madiin
"ganun po ba" ay bakit biglang nalungkot jin, ineexpect niya bang jowa ko tong lalaking Alien na ito. May binulong si dominic sa kanya at natawa naman siya tapos nag gesture sila pareho nung walang maingay
"ano nanaman sinabi mo kay jin, ikaw ha puro ka kalokohan pati bata dinadamay mo" binatukan ko siya at natawa lang siya baliw!
"wala ahh" lakas maka asar ng mukha niya
nakipag laro kami sa mga bata sa playground ang saya saya nung mga bata, grabe noh nakakaawa sila ang liliit pa lang nila pero hindi na nila naranasan mag makaroon ng masaya at kumpletong pamilya, kaya ako thankful ako kasi may nanay at tatay ako. dko akalain na mahilig sa bata si dominic kasi sa mukha niyang yan ay mukha siyang allergic sa mga bata dahil maiingay at makukulit sila which is normal dahil bata pa lang sila,may iba kasing lalaki na ayaw sa bata dba
Nakatambay na kami ngayon dto sa playground, yung mga bata ay oras na ng tulog dahil tanghali na at tapos na rin kami mang tanghalian, dto na nga kami pinakain ni sister eh
"mahilig ka pala sa mga bata" tanong ko sa kanya at nilaro yung damo dahil naka upo lang kami sa grass
"yup, alam mo bang gustong gusto ko magkaroon ng baby brother and sister" well masaya naman talaga magkaroon ng kapatid na maliit kaso sa lagay namin ay dina kayang mag buntis ni mama dahil naging maselan siya nung pinagbubuntis niya ako
"bakit wala kabang kapatid?" tanong ko sa kanya at tinignan siya tinignan niya rin ako pero umiwas rin ako kaagad kasi nailang ako
"meron ahmm older brother" ay older
"dalawa lang kayo?" tumango naman siya "parehas lang pala tayo, gusto ko rin kaya magkaroon nang maliit na kapatid pero naging maselan si mama kaya hindi na ako nasundan" pag kwekwento ko sa kanila
"how do you know this place?" tanong niya sa akin
"malapit lang kasi dto ang bahay namin,doon sa may village na nalagpasan natin doon kami dati nakatira since wala akong kapatid at matanda ate ko sa akin ay dinala ako dto ni mama para makipag laro and marami akong naging friends halos ayaw kong umuwi kapag nandto ako dati" natatawang sabi ko kasi naalala ko " tapos dto ko rin nakilala yung first crush ko nung bata ako" mas lalo akong natawa kasi ang panget nang pagkikita namin. 8 years old ako nung nakilala ko siya kaso nga lang ang panget ng tagpo namin dahil nag away kami, tinulak niya kasi si avi kaya tinulak ko rin siya tapos iyun dun na kami nag start mag away" natatawang kwento at siya naman ay tinignan lang ako ng may pagtataka
"and simula nun naging magkaibigan na rin kami nung una ayaw niya pa kasi gusto niya daw ng tahimik at ayaw niya daw makipag laro sa amin pero bandang huli naaya rin namin siya kaso nga lang saglit lang namin siya nakasama dahil umalis din kaagad sila" bigla akong nalungkot kaya napayuko ako "alam mo bang siya ang first love ko, sabi nila ate at mama bata pa daw ako para sa ganyan napagalitan pa nga ako eh" natawa ulit ako at seryoso naman siyang nakatingin sa akin, bakit kaya may dumi ba mukha ko
"nasan na kaya siya namimiss kona yung batang palaging nagbibigay ng monami sa akin, dahil rin sa kanya kung bakit ko nagustuhan yun" napatingin ako kay dominic nung umubo siya
"ok ka lang? pasensya na ha ang daldal ko talaga hehe" piece sign ko sa kanya
"bakit ka naka ngiti?" tanong ko sa kanya kasi bigla siyang ngumingiti at abot hanggang tenga pa
"alam mo, bagay naman pala sayo ngumiti eh ayan oh lalo kang pumopogi!" pero yawa yan humarap siya sa akin at ngumiti, luh feel na feel naman niya ata napuri lang ay
"ba-bakit?" nakatitig kasi siya sa akin at nagulat ako sa ginawa niya
"imissyou" niyakap niya ako

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...