isha's POV
Nasa mall na kami ngayon kung saan namin unang nameet yung tatlo, nandto kami ngayon sa nike shop ito ang naisip kong iregalo kay drish at buti na lang ay alam ko ang size ng paa niya"ano ba magandang kulay?" tanong ko sa dalawa na nagtitingin din. pinakita ko yung kulay white,black at gray.
"mmhhh the gray one" turo ni avi sa gray na hawak ko, hawak hawak ko kasi yung tatlong kulay na hindi ko mapagpilian kasi pare pareho naman silang magaganda
"for me yung black" kinuha ni naei yung black na sapatos at sinuri ito
"mag mumukang maliit paa niya dyan gurl" sabi ni avi at kinuha yung gray na natipuhan niya
"mas bagay sa kanya ito, look" dugtong pa ni avi
"whatever! ikaw ba isha nasa sayo naman yan eh" sabi ni naei ay binalik sa akin yung sapatos na kinuha niya, nag tatalo sila sa kulay na kukunin ko kaya yung white na lang ang pinili ko. binayaran kona ito at umalis na kami hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sila bahala sila dyan. i hope drish will like it wala na kasi akong maisip na ireregalo sa kanya eh
"how about you naei, may naisip kana ba" tanong ko kay naei na parang bata kung maglakad. kaming dalawa ni avi ay meron nang regalong nabili sa akin ay sapatos kay avi naman ay watch
"yup, pero hindi ko alam kung magugustuhan niya hindi naman ata siya nag susuot ng ganun eh" malungkot na sabi ni naei
"ano ba naisip mo?" tanong sa kanya ni avi
"necklace" malungkot na sabi ni naei
"eh bakit malungkot ka for sure naman ay magugustuhan niya iyun noh!" pag checheer ko sa kanya
"bakit ba nag aalala ka? basta sayo galing ay tatanggapin niya yun" pang aasar ni avi pero inirapan lang siya ni naei pero alam kong namula siya kaya natawa kaming dalawa ni avi. napagpasyahan naming pumunta ng jewelry shop at bumili, namiss ko tuloy yung necklace ko asan kana ba
Pagkatapos namin sa mall ay pumunta na kami ng sun park dalawang oras at kalahati lang naman ang tinagal namin sa mall kasi nag window shopping pa kami at pinabalot na rin namin sa national bookstore yung mga pinamili namin para bibit-bitin na lang bukas. 3:30 pa lang naman nang hapon kaya may time pa kaming mag relax sa sun park, nag libot libot kami at naglaro sa perya kahit hapon at may mga pasok ay marami pa ring tao dto. umupo kami sa isa sa mga bench at masayang tinignan yung dagat na nag rereflect yung araw
"oh gosh parang ngayon na lang ulit ako naka langhap ng fresh air" nasabi kona lang at masayang minulat yung mata ko
"oonga, piling ko matagal akong nakulong" natatawang sabi ni avi kaya nakitawa rin kami ni naei, nakakahawa kasi siya tumawa eh
"wala naman tayong assignment dba?" tanong ko sa kanila kasi biglang pumasok sa isip ko yung school namin
"wala naman" sagot ni avi kaya nahismas masan ako
"hayy! tara bili tayong shake nag cracrave ako" pag aaya ni naei kaya tumayo na rin kami at sumunod sa kanya at pinantayan siya
"hala baka buntis ka" pang aasar ko sa kanya at minura naman ako
"gago you" at inirapan ako si avi naman ay natawa na lang at napailing
nang makalapit kami sa isa sa mga stall ng buko shake ay nag order kaagad kami at nag hintay ng mga limang minuto bago binigay sa amin, naisipan naming bumalik sa baba kasi pahapon na at malapit na bumaba ang araw. masaya lang kaming nag kwekwentuhan nang biglang napatigil si avi, dahil hindi namin napansin na hindi na pala namin siya kasama kaya bumalik kami sa pwesto niya
"bakit" tanong ko sa kanya at sumipsip ng buko shake
"leen" sabi niya kaya nag taka ako napatingin ako kay naei pero nag kibit balikat lang siya, kahit siya ay nag taka
"huy! alam kong crush mo si leen tama na muna kakaisip" natatawang sabi ni naei at pumitik pitik pa sa harap ni avi na tulala at kinukuha yung atensyon niya
"no it's leen, look" turo ni avi sa harap niya dahil nakatalikod kami sa tinuturo niya ay umikot pa kami at tama nga siya andto sila nic and may kasama sila... kasamang babae, ang saya saya nila. girlfriend ba nila yun? ewan ko pero bigla akong nalungkot at nawalan ng gana parang gusto ko nang umuwi
"shit!" narinig kong mura ni avi at dali daling umalis sinundan naman siya ni naei at naiwan ako ditong mag isa na naka tingin sa pwesto nila nic na hindi ganun kalayo sa pwesto ko, nasasaktan ako at parang... parang gusto kong umiyak. nakita kong napatingin sa pwesto ko si leen at tatawagin sana ako pero umalis na ako. naabutan ko si avi na nakayuko at inaalo naman siya ni naei
"avi? bakit may problema ba??" nag aalalang tanong ko at pag angat ng tingin niya ay nakita ko siyang umiiyak
"bakit ka umiiyak?" alalang tanong ko at pinunasan yung luhang tumulo
"i don't know" umiiyak na sabi niya, kaming dalawa lang ang nakakarinig nang iyak ni avi, tumingin ako kay naei na makungkot rin at binigkas yung pangalan ni leen
"may gusto kaba kay le-leen?" pagkukumpirma ko sa kanya at lalo lang siyang umiyak, buti na lang malayo kami sa mga tao
"ewan, siguro, oo, wala, i don't know!" habang sinasabi niya yun ay pinupunasan niya yung mukha niya, tinulungan naman siya ni naei mag punas
"gaga inlove kana" siraulong naei toh umiiyak na nga yung tao minura pa
"no" depensa niya kaagad "i- i mean.... aaaghh!" sinabunutan niya pa yung sarili niya, ano ba ito malungkot o baliw
"couz, wag mo nang ideny iiyak kaba kung dika inlove sa kanya" pag sangayon ko sa sinabi ni naei, well sinong hindi mag kakagusto kay leen eh magaling siya sa sweet talking. hinintay naming matapos siya at alo lang kami ng alo sa kanya, nang matapos siya ay napag pasyahan na naming umuwi dahil may family dinner pa kami
"huwag niyo nalang muna sabihin kay leen, gusto ko muna i confirm if may nararamdaman na nga ba ako sa kanya" sabi sa amin ni avi at tumango naman kami. habang pauwi kami ay tahimik lang kami sa sasakyan, bago kasi kami pumuntang mall ay nagbihis muna kami.

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...