isha's POV
Nandto na kami ngayon sa tapat ng bahay nila ay mali, mansyon! punyawa ang lawak! pinasok na niya ang sasakyan ni at nag drive pa ng mga 3mins bago marating ang pinto, ayoko pa sanang bumaba pero ayaw ko rin maiwan dto sa loob
"wow" bulong ko dahil yung pinto nila ang laki, dko masyadong nilibot ang paningin ko dahil gabi na siguro mas nganganga pa ako kapag maliwanag
"stellah your mouth" natatawang sabi sa akin ni drew, dali dali ko naman tinikom bibig ko
"sorry ang ganda kasi ng pinto niyo eh, nakakahiyang hawakan hehe" umiling iling siya sa sinabi ko at inaya na ako sa loob
pagbukas ng pinto ay mas lalo pa akong namangha, warm light, big chandelier, big plants and so on. takte ang ganda!
"am i dreaming" tanong ko kay drew na kanina pa ako tinitignan
"nope" napatango naman ako sa sagot niya
busy akong naglilibot nang may tumawag sa amin
"oh you're here" bungad sa amin nang mama ni drew at nakipag beso,nahihiya nga ako eh ang gaganda nang suot nila para kaming nasa party nahiya yung suot kong plain black sa suot nilang kumikinang kinang
"hi po ma'am van and sir ian" masayang bati ko sa kanila at medyo nag bow
"dba sabi ko tita na lang, kung pwede nga mommy na eh" namula naman ako sa sinabi ni ma'am este tita, si tita talaga
kumakain na kami ngayon at pinipigilan ko yung sarili kong kumuha nang marami, ang daming pagkain may korean food and western food at Filipino food,kanin at adobo nga lang kinuha ko. nag kwekwentuhan naman sila tito,tita at drew si nic naman ay tahimik lang, kahit hindi siya naka ayos at naka pantalon at simpleng t shirt lang siya ay ang pogi pogi niya. nasa gitna si tito ian magkatabi naman si tita van at nic at magkatabi naman kami ni drew, katapat ni drew si tita at katapat ko naman si nic na kanina pa ngumingisi dahil alam niyang nagpipigil lang akong kumuha nang marami, mamaya nga makasapok ng alien
"here" nilapag niya sa plate ko yung malaking lobster at tumawa, walang hiyang lalaki toh! buti na lang busy mag kwentuhan yung tatlo
"pakyu" madiin na bulong ko na siya lang ang makakarinig kinindatan naman ako sa loko at kumain na ulit ng pasta niya, diet ata siya AHAHAHAHA
hindi ko na binalik yung lobster dahil nakakahiya at baka mapanis kaya ito ako at hirap na hirap na biyakin, ok sana kung shrimp toh Aghh! laki laki pa man din
"let me help you" insist ni drew at siya na ang bumiyak ng lobster mabilis niya lang nabiyak gamit yung kitchen knife
"salamat" nakangiting sabi ko sa kanya at sinawsaw sa sawsawan, dko alam kung maanghang ito dahil kanina ay pula rin naman ang pinagsawsawan ko nung Shanghai pero di naman maanghang. pag kagat ko ay bigla kong nalasahan, yawa ang anghang! labuyo ata ito shete naubo naman ako at pinaypayan yung bibig ko
"here here" abot sa akin ni tito nang gatas nang mahimasmasan ay nagpasalamat ako
"excuse me po, pwede po makigamit ng cr?" nahihiya kong tanong kasi nasa harap kami ng hapagkainan at kumakain
"yeah sure" tango tangong sabi ni tito at umalis na ako, dumaan ako sa kitchen nila at wala akong nakitang maid kaya naglakad lakad pa ako, diko alam kung saan ako papunta di nanaman kasi ako nag tanong gusto ko sapukin sarili ko, jusme. nang may nakita akong hagdan ay umakyat ako, dko alam kung nasaan na ako dahil sobrang lawak nang bahay nila kailangan ata ng map kapag bago ka lang dto, may nakita akong tatlong pinto at pumasok sa pang una pero mali ata ako ng pinasukan dahil may kama lalabas na sana ako nang may naramdaman ako sa likod ko
"akala ko ba sa cr ka pupunta?" tanong nang lalaki sa likod ko, amoy pa lang alam ko kung sino siya
"pota nic!" gulat na hampas ko sa kanya at napa hawak sa dibdib, mamamatay na ata ako
"word stellah" seryosong sabi niya sa akin naka hawak yung dalawang kamay niya sa pinto at nakaharang ang katawan niya kaya kapag lalabas ako ay yuyuko pa ako at sisingit sa gilid niya
"eh kasi naman nanggugulat ka, atyaka ang laki laki kasi nang bahay niyo malay koba kung nasan cr niyo dto" pagmamaktol ko sa kanya, hinatak naman niya ako papasok sa loob at dinala sa isa pang pinto pagbukas niya ay tumambad ang cr
"huy! pwede ba dto? pwede namang sa maid's bathroom na lang ako" tanong ko sa kanya
"nasa harap mo na lalayo kapa" dko alam kung may meaning ba yung sinabi niya pero isinawalang bahala kona lang yun at pumasok na, pagkatapos ko mag cr ay tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin at nag apply nang kunting lipstick at gloss dahil nabura siya. paglabas ko ay nandto pa rin siya at nakaupo sa kama
"salamat ha una na ako" tumango lang siya at humiga, siguro kwarto niya ito
"may boyfriend kana ba" masayang tanong sa akin ni tita muntik na akong mabilaukan. pagbalik ko sa dining nila ay kumain ulit ako at minsan nakikisabay sa usapan nila kapag tinatanong ako
"wa-wala po tita" i smiled at her awkwardly
"sakto! here's drew" nasamid ako sa sinabi ni tita
"po?" tanong ko ulit kasi baka mamaya mali pandinig ko
"you are single he is single" masayang paliwanag niya namula naman ako sa sinabi niya
"pero friends lang po kami" pang kokorek ko
"i don't think so... right van?" tanong ni tito at ngumiti nang nakakaloko kay drew na nakayuko
"actually mom and dad... aahhmm i, i was planning to co-" hindi natapos ni drew ang sasabihin niya nang biglang sumulpot si nic at dali dali akong hinablot gulat namang tinignan nila tito at tita si nic
"no you're not" galit na sagot niya sa kapatid niya at hinila ako palabas nang bahay nilang pagkahaba haba ang dadaanan bago makarating sa pinto, jusme.
"te-teka nic nasasaktan ako, saan mo ba ako dadalhin ito nanaman tayo, ano ba" sunod sunod na tawag ko sa kanya at nagpupumiglas, paglabas namin ng bahay nila ay may nakita akong SUV at sinakay ako sa shotgun sumakay naman si sa driver seat at nagsimula nang mag drive
"saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya magkasalubong naman ang mga kilay niya
"huy" pagtatawag ko nang pansin niya at kinalabit siya pero isinawalang bahala niya lang ako
"ano ba" naiinis na sigaw ko
"ibalik mo nga ako sa inyo!"sigaw ko sa kanya nag preno naman siya at muntik na akong mauntog
"ano ba nic!" inis na sigaw ko sa kanya
"para saan? bakit!? dahil mas gusto mong kasama si drew!?" sunod sunod na tanong niya sa akin, ano bang sinasabi niya!?
"ano bang sinasabi mo!? ha! di kita maintindihan" para kaming mga tanga at nagsisigawan kami eh ang lapit lapit lang naman namin sa isa't isa
"tsk" nagsimula na ulit siyang mag drive
"ano ba! sabing ibalik mo ako at hindi ako nakapag paalam nang maayos dahil sayo!" hindi niya ako pinansin kaya at nakatuon lang yung tingin niya sa kalsada at galit na galit, dko alam kung anong problema o anong droga ba ang hinihithit ng gagong ito, hindi ko rin alam kung saan niya ako dadalhin dahil hindi ito yung way na dinaanan namin kanina ni drew nung sinundo niya ako

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...