FYI 42

1 0 0
                                    

isha's POV

Nandto kaming lahat ngayon sa tabi ng dagat at nag bonfire, katatapos lang namin kumain at naisipan naming tumambay at mag kwentuhan nakapalibot kami sa apoy. magkakatabi kaming mag pinsan at ganun din ang grupo nila nic at drew sa may apat na trunk

"bata pa ako nun kaya malay ko ba" mataray na sabi ni naei tinawanan naman namin siya

"AHAHAHAH kahit sino malalaman na lalaki yung manok noh dahil sa palong niya" pang aasar ni rassel. pinagkwekwentuhan namin yung ginawa ni naei sa tandang na pinilit niyang mangitlog

"pakyu" naiinis na sabi ni naei tawang tawa naman si naei at rassel dahil nainis nila si naei

"Where are you guys going?" tanong sa amin ni nathan

"outside" simpleng sagot ko at pasimpleng nilagay yung wig ko sa shoulder bag

"outside?" tanong naman ni leen

"yep" sagot naman ni avi at nag pusod nang buhok ginaya naman namin siya nila naei

"bakit hindi kayo nag aaya?" tanong naman ni nathan at umupo sa kama ni naei na nasa gilid

"hindi pwede, atyaka ano bang ginagawa niyo dito? at kompleto pa kayo?" tanong ni naei nung natapos siya

pareho kaming tatlo naka suot ng ripped jeans naei is wearing a halter neck blouse dark green, avi is wearing a spaghetti strap white while me off shoulder blouse, orange

"with that outfit?" masungit na turo sa amin ni nic, inikot niya pa ako

"yes! any problem?" mataray na tanong ko sa kanya pero pinitik niya ako sa noo

"aray! ang sakit sakit kaya" gagantihan ko pa sana siya nang tinawag na ako ni naei nasa labas na sila with others kaya iniwan kona sa loob yung alien

"are you guys sure na ok lang kayo?" tanong sa amin ni drew, sweet ang swerte nang magiging girlfriend niya

"yup! kami paba" nginisian ko siya

"let's go I can't wait" na eexcite na sabi ni naei

"ano bang gagawin niyo?" tanong ni nathan

"secret" sabay naming tatlong sabi at tumawa, we bid our goodbyes and left them

second day na namin dito sa lavista and may naisip kaming kalokohan and for sure alam niyo na dahil may dala kaming wig

"i can't believe we're really doing this" natatawa kong sabi sa dalawa

"me too kaya na eexcite ako" sabi ni naei at naggi gigle pa

"huy basta kapag may nangyari sa atin ikaw ang sisisihin ha" tinusok tusok pa ni naei si avi na natatawa

"anong ako? ikaw ang naka isip nito" panggagaya rin ni avi kay naei

papunta kami ngayon ng mall malapit lang naman siya sa lavista kaya kering lakarin mga 15 minutes walk, hindi rin mainit dahil yung side walk nila ay may mga puno. Pag pasok namin sa loob ay maraming tao, friday ngayon kaya siguro maraming tao

"so saan tayo?" masayang tanong ni avi at umangkal sa braso namin ni naei

"cr teh ayoko mahuli" natawa naman kami ni avi, pumunta kaming cr at pumila pa dahil ang daming tao

"ang haba pa shete baka gabihin tayo" tinignan ko yung relo ko at 3:00 na nang hapon

"oonga eh" sang ayon naman ni naei

"by the way swimming daw tayo mamaya sa pool" sabi sa amin ni avi, nang turn na namin ay pumasok na kaming tatlo sa iisang cubicle nagtaka pa nga yung mga tao dahil hindi pa kami lumalabas, hinintay naming kumunti ang tao saka kami lumabas dahil baka may makahalata sa amin

"ayun! mga nakapila anong meron?" tanong ni avi, tinignan naman namin at marami nga may pinipilahan silang fast food chain

"carter eatery?" sabay naming tatlong basa at nagkatinginan sa isa't isa

"mamaya na lang natin itanong teh, bilis" hinatak na kami ni naei

luminga linga muna sila bago nila ako sinenyasan nang ok sign, medyo malayo sila sa akin. ako ang bida ngayon

kunwaring simpleng namamasyal lang ako at dumaan sa mga nakapila, sobrang haba nang pila grabe huminto ako sa isa sa mga lalaking nakapila yung isa ay nag cecellphone tapos yung nasa harap naman nung lalaking nag cecellphone ay naghihintay, binatukan ko naman ito at nag kunwaring nakita ko lang, napansin ko namang natawa sila avi. Umakto naman akong nagulat

"pota" daing nung lalaki

"ay kuya bakit mo naman binatukan" kinalabit ko yung lalaking nag cecellphone

"h-ha? hindi ako nangbatok sayo" depensa niya sa sarili niya

"siraulo kaba? ako pa lolokohin mo eh ikaw nasa likod ko" angal nung lalaki at tinignan ako mula ulo hanggang paa

"hindi naman pwede itong magandang binibini" turo nung sa akin ng lalaki na nabatukan, gusto ko siyang irapan

"ate ano pong nangyari?" tanong sa akin ni avi at umaktong hindi kami magkakilala

"si kuya binatukan ito" tinuro ko yung dalawang lalaki. si naei ay wala na sa tabi ni avi dahil nag tratrabaho na siya AHAHAHAH this is it!

nag susumbatan silang dalawa kaya dumarami na yung taong nakikiosyoso lumayo na ako kay avi at lumapit sa mga maraming tao at sinimulan ang trabaho

"pare hindi nga ako ang namatok sayo" rinig ko pang angal nung lalaking nag cecellphone kanina

"anong hindi, ikaw yun sigurado ako" sigaw naman ng lalaking binatukan ko at tinulak yung lalaking nananahimik, sorry kuya

"ano ba makulit ka rin ha" tulak rin nung lalaking nasisi

tulakan lang sila ng tulakan hanggang sa mag suntukan sila buti na lang nung nagsuntukan sila ay tapos na kami kaya dali dali na kaming umalis sa scene at pumasok ng cr para alisin yung disguise

bago kami pumasok sa cr ay nag apiran muna kami na parang mga tanga

"yes!" sigaw naming tatlo at nagtatatalon buti na lang kami lang nandto AHAHAHHA

FYI! (Forever You and I)Where stories live. Discover now