isha's POV
Masaya kaming tatlo na nagkwekwentuhan papuntang garden ng school, lunch time na kasi at may baon kami kaya dina kami pumunta ng cafeteria and yung tatlong lalaki ay ok na pwera na lang kay dominic lagi akong iniirapan, tinanong nga rin namin kaninang umaga kung ano problema nila kahapon pero sinabi lang nila ay wala at nambwibwisit na ulit si drish kay naei kaya halatang ok na talaga sila siguro may regla lang AHAHAHHA
"bwisit na pandak na yun! kaya pala ang bigat ng bag ko!" iritang sabi ni naei habang isa isang pinapakita sa amin yung mga bato na nilagay ni drish kaya natawa naman kami
"pag nakita kita ko talaga siya ihahampas ko sa kanya toh" kulang na lang umusok yung ilong at tenga niya sa sobrang galit "ay pota saglit lang ha mauna na kayo may gagantihan lang ako" ngising nakakaloko ni naei at umalis na sinundan namin siya nang tingin at nakita naming papunta siya kila drish na papunta atang cafeteria kasi magkasalungat kami ng pupuntahan, kumabaga kami papunta tapos sila pabalik
"huy pandak! halika rito!" napatakbo naman si drish sa biglang pagsigaw ni naei kaya natawa kami lalo si leen at dominic naman ay napailing na lang
"hindi na ako magtataka kung bandang huli sila magkakatuluyan" natatawang sabi sa akin ni avi at napa sangayon naman ako
"ay oo bagay naman sila eh parehong pandak at maingay" siguro kapag nagka anak sila sobrang ingay nun
"look who's here" bungad sa amin ni princess with her alipores na mga naka cross arms,nasa tapat na kami ng ground at kunting lakad pa bago marating yung garden at dahil nasa ground floor kami ay maraming estudent at napapatingin sa amin
"favorite line mo yan noh" taray sa kanya ni avi at inirapan si princess oww away naba this AHAHAHA
"ano nanaman ba yun princess" tanong ko sa kanya at nag cross arm din
"may gusto lang naman ako sabihin, at yun ay layuan niyo nga sila dom" luh problema ng babaitang ito, layuan!? eh di naman kami lumalapit sa kanila atyaka nasa iisang classroom lang kami at nasa likod lang namin sila
"ay teh wala kang magagawa nasa iisang room lang kami" bars! AHAHAHHS tameme siya kay avi ay
dko alam dto sa princess na ito sa totoo lang ay maganda siya at sexy, perfect nga siya kung idescribe ng iba eh kaso di gumagamit ng utak
"kahit na lumayo kayo sa kanila at lalo kana isha" tinuro niya pa ako
"bakit boyfriend mo ba siya!?" tanginang babae toh
"ye-yes! kaya lumayo ka sa kanya" pilingera rin tong babaeng ito
"alam niya?"pangaasar na tanong ko sa kanya at nainis naman siya
"ooppss ikaw lang nakakaalam" nagtakip pa ng bunganga si avi at tumawa inaasar niya rin si princess saltik
"basta lumayo ka sa kanya! akin lang siya!" sigaw niya sa akin
"edi sayo na! pake koba sa inyo kung gusto mo isaksak mo pa siya sa baga mo, gusto mo tulungan pa kita eh" sigaw ko sa kanya aba hindi pwedeng siya lang ang sumigaw
nakita kong nakatingin sa amin sila dominic at leen, lumapit ako sa kanila at hinatak si dominic nagulat pa siya sa ginawa ko pero sumunod lang siya
"ito ba? o ayan! sayong sayo na, kaimbyerna ka!" tinulak ko sa kanya si dominic "tabi nga!" siniko ko si princess at napadaing naman siya arte naman nun ang hina hina lang ay
habang papunta kaming garden ay naririnig pa namin pag uusap nila dominic at princess
"h-hi Dom" pabebeng bati niya kay dominic at para siyang tanga nakakagigil siya mag pabebe kahit di ako nakatingin

YOU ARE READING
FYI! (Forever You and I)
Teen FictionHindi lahat ng magnanakaw masama... malay mo trip lang at wala lang magawa sa buhay Ahahha. huwag husgahan ang magnanakaw dahil sa ginagawa nila, malay mo kaya pala nila ginagawa ay dahil gusto nilang tumulong. sila pa lang ata ang magnanakaw na mak...