Ever wonder why people keep on holding on and refuse to let go of things or persons even though they're no longer happy 'bout it?
Well, I wonder. I asked.
Not meant to offend but I think that's pure and plain stupidity. I mean, Why hold on and be hurt if you have the power to let go and move forward?
So I ask 4 people capable of answering the question that bugs the hell out of me.
The first one said - kasi kahit na hindi ka na masaya, may mga bagay pa rin na hindi mo kayang bitawan. Kahit na sabihin mo pa na nasasaktan ka na, alam mo pa rin sa sarili mo na mas masasaktan ka kapag binitawan mo yung bagay na yun. Minsan kasi mas pipiliin mo na lang na masaktan kesa mas masaktan kaya mas gugustuhin mong mag-stay kesa umalis.
Then the second - siguro yun yung gusto ng puso mo, yung isip mo bumibitaw na pero ayaw pa ng puso mo.
Then the third - mahirap yung tanong pero pwede kasing kaya hindi bumibitaw kasi alam mo sa puso mo na may pag-asa pa.
And the last - Simple lang naman eh, mahal kasi natin yung taong yun. Kaya kahit na may pagkakataon na hindi na tayo masaya, hindi pa rin tayo bumibitaw. Kasi umaasa pa rin tayo, kasi mas gusto natin kumapit pa kesa makita natin na hawak na ng iba, kasi mas gusto nating mag-tyaga kesa basta na lang mawala lahat kasi alam natin na sa oras na bumitaw tayo, ndi lang sya kundi pati yung isang bahagi ng pagkatao mo yung mawawala.
May napansin ako sa sagot nila, lahat sila nagbanggit ng puso at pag-asa. Pero hindi pa dun nanahimik yung utak kong tanong ng tanong. Bakit? kasi may follow-up question pa ako.
"Hindi ba katangahan yun? Martyr lang?"
Two of them answered me. Answers na nagpatigil sa isip ko para maghanap pa ng butas sa sagot nila. Mga sagot na nagpatigil sa bibig ko para magtanong pa." Hindi, pagmamahal yun 'tol :) "
" Hindi rin, minsan tawag dun katatagan. "
Two words - pagmamahal at katatagan.
Kaugnay ng puso at pag-asa.Dun ako nanahimik. Dun ko naisip na pwede, na hindi lang talaga yun purong katangahan.
Bakit? Kasi naisip kong puso ang nagmamahal at hindi nag-iisip. Kaya parang katangahan kung iisipin kasi wala namang utak yung puso at kaya mukang katangahan kasi ganun sila katatag dahil naniniwala silang may pag-asa pa.Yung realization na yun ang nagpatahimik sa utak kong tanong ng tanong. Yun din yung sumampal sakin para mag-doubt sa judgement ko. Yung parang tinamaan ako ng kung ano sabay sabi ng what the hell?
I just like it a lot when my mind just shuts up and absorbs every single realization.
Speechless.
BINABASA MO ANG
Random Blabbings
Literatura faktublab (v.) - to say something that was supposed to be kept secret - to talk too much let's get this mess started.