How To Be Positive?

143 12 2
                                    


Possitivity is a noun which means the quality or state of being positive.

Sabi ng Merriam-Webster Dictionary.

Pero sa isang taong tulad 'ko, positivity is what attracts me but never becomes me.

Sa dinami-dami ng taong nakasalamuha, nagdaan at nanatili sa buhay 'ko, pansin kong karamihan sa tumatak ay 'yong mga taong maihahalintulad 'ko sa kahit na anong maliwanag na kulay.

Because at some point, they did bring light to my gloomy weather.

Ilang beses na siguro ako nasabihan na negative o nagse-self pity.

Hindi naman talaga sa negative ang mga naiisip ko, makatotohanan lang. Hindi ko itinatanggi sa sarili ko na matapos ang isang napakagandang araw ay maaaring isang nakakapanlumo na gabi.

Ang kaso, matapos ang isang nakakapanlumong gabi, anong kasiguraduhan na may napakagandang araw kinabukasan?

Ilang beses 'ko na rin siguro sinubukan na baguhin ang pag-uugaling 'yon.

Minsan nga napapaisip na lang ako ng, "Pusa! Bakit ba hindi na lang naging cliché story sa wattpad ang buhay 'ko?" pero matatapos din naman ang isipin na 'yon sa, "Ayoko kasi sa gusto ng nakararami" sabay buntong hininga.

E ano pa nga ba ang magagawa 'ko? Eto na 'to, might as well hug it so tight with the hope that it'll eventually choke and die.

As if.

Masama na nga rin siguro na naghihintay pa ako ng mga taong tulad nila para magkaroon ng liwanag ang gloomy 'kong mundo. Pero what can I do? My inside seems like a black hole that absorbs everything, even light can't escape it.

Actually, it really likes light.

Ang kaso nga lang, kelan ka nga naman nakakita ng black hole na maliwanag?

Sa totoo lang, ang gusto ko lang naman itanong ay kung paano maging positibo?

Dahil kung ako ang maglalarawan sa kasalukuyang mundo, at society, eto ang mababasa niyo:

The cold wind caress my face as I looked up to the once again cloudy sky. Ang asul na langit ay muli na namang natatakpan ng mga abong ulap na dahilan kung bakit halos abo na ang tingin ko sa paligid.

The rain started pouring as I stare at a puddle of water, nalulunod na naman ako sa dagat na ako mismo ang may gawa. At habang patuloy ang pagbuhos ng ulan, patuloy rin ang paglabo ng paligid. The rain and the fog kept me wondering how would I find a way home. Or if I would ever find a way home. Before I completely got drowned.

So, ano nga ulit yung tanong ko bago ako magsimulang magsabi ng mga nonsense na bagay na malayo sa topic?

Uhm... ayon.

Paano mabuhay?

Random BlabbingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon