Keep It Down

122 12 3
                                    


Ilang beses mo na ba naisipang sumuko? Ilang beses mo na ba ginustong tumigil? Ilang beses mo na ba naisipang huminto? Ilang beses mo na ba naisipang bumitaw?

Ilang beses na ba?

Hindi mo alam. Hindi mo na mabilang. Hindi mo na matandaan. Hindi mo na alam.

You've read thousands of stories that inspired you. Heard thousands of songs that helped you. Seen hundreds of poems that touched you. Learned millions of beliefs and philosophies that get you through.

Ang sarap nga namang isipin na pagkatapos ng hirap, may liwanag sa dulo ng daan. Na isang araw, dadaanan mo ang daang tinatahak mo ngayon at tatawanan mo na lang 'yon sabay sabi ng, "hah, tapos na ako sa'yo."

Na isang araw, lilingon ka na lang at mapapailing dahil sa kabila ng lahat ng stress at pagod na naranasan mo, nagpatuloy ka pa rin. Na isang araw, tatapikin mo ang sarili mong balikat at sasabihing, "nakaya mo, kinaya mo at alam natin parehong kakayanin mo pa."

Oo, ang sarap talaga isipin. Napakasarap isipin. Napakasarap ipagmalaki.

But flying through the ocean is pretty much idiotic.

Baka nga wala ka pa palang kakayahan na makalipad. Baka nga wala ka palang pakpak para makalipad. O baka sobrang dami ng dala mo kaya hindi ka makalipad.

Baka. . . baka. . . baka. . .

Hindi natatapos na baka at hindi natatapos na pagpapantasya.

Sa huli, baka nga tama sila. Baka nga hindi ka lang talaga nakakalipad.



Maybe, you should just keep it down.



At habang sinusulat mo 'to, mayroong tuloy-tuloy na gyera sa loob mo.

Don't give up vs. Don't be delusional.

Chase it down vs. Keep it down.

And you're just there, writing this piece of crap. Typing away all the thoughts and words that keeps on haunting your being.

Random BlabbingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon