Read(er)

65 7 0
                                    

May matalinong tao na nagtanong sakin ng bakit ka pa susubok kung alam mong masasaktan ka lang.

Dahil isa akong napakabuting nilalang, sinagot ko siya ng isang paragraph na paikot-ikot lang naman sa ‘ayoko magsisi’.

Pagtapos kong lumangoy at malunod sa usapan namin, hinarap ko yung current chapter ni Ces at sinubukang magsulat.

Pero napadpad ako dito dahil sa nakakamanghang realization:

Readers are one of bravest people I know.

Una sa lahat, Ces' current flow of story isn't pretty and witty and all those other reasons
why someone became insane enough to start reading it years ago. It's a mess ('cause grammar and technicality sheez are all over the place) and we all have some sort of dreaded feeling about the last chapter.

But someone is still anticipating the next chapter. Someone is still waiting for it, despite knowing that it may cause some sort of gloomy mood.

That's how brave readers are.

Kahit alam nating masasaktan tayo, magbabasa pa rin tayo. Maghihintay. Tatawag ng santo. Mangbabato. Magpapatuloy pa rin tayo.

Kahit sa cover, title o blurb pa lang, alam na nating masasaktan tayo, bubuksan pa rin natin yung libro at magbabasa. Iiyakan pa rin natin pag hindi nabili. Babalikan kahit natapos na, para lang maramdaman ulit ung sakit, saya, lungkot, at tuwa nung una ng beses tayong naglakas loob na basahin yon.

Kahit alam nating baka ma-out of place tayo kasi iba yung setting, yung oras at lugar, wala tayong pakundangan na sasama sa journey nung bida habang nagmumura dahil may isang character na tanga.

Hindi tayo napapagod mag-adjust sa iba't ibang writing style ng authors. Sa iba't ibang settings. Sa iba't ibang ugali ng characters. Sa iba't ibang conflict.

Lalong hindi tayo napapagod na magbasa. And we did all those things without an ounce of regret for opening the story in the first place.

Ikaw, na malamang marami nang natapos basahin, kahit alam mong masasaktan ka pero sumubok at nagpatuloy ka pa rin, saludo ako sayo.

Sana gamitin mo rin yan sa totoong mundo. (•̀ᴗ•́)و

Random BlabbingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon