twelve

62 5 5
                                    

“Anong gusto mo paglaki?”

“Astronaut.”

-x-

Kahapon, binuksan ko wattpad ko tapos, may notif. Someone mentioned me. Nairita ako.

Maganda naman yung sinabi nung nag-mention, pero nairita ako kasi nakita ko na naman yung username ko dito: 'KeirraSaoshima'.

Cue for another eyeroll.

Don't get me wrong. A friend gave me that name a few years back. Wala pa ako sa wattpad no'n. My twelve-year-old self was actually very fond of it. Kyot daw kasi and other reason beyond my current comprehension.

So when I signed up for wattpad, at kailangan ng pangalan, my twelve-year-old self used the godforsaken name.

Now, it's safe to say that I want to punch my twelve-year-old self.

Here's why:

1. KeirraSaoshima? Too long.
2. Unbalanced. Ang ikli nung first name kuno tapos ang haba nung apelyido.
4. Nakakadiri habang tumatagal.
3. Marami nang hindi kyot na alaala.

You're probably thinking, 'anong inaarte nito? edi palitan na lang!'

Madali kasi magpalit e, 'no? Madaling burahin na lang, tapos kalimutan. Madali na 'yon ngayon.

Pero dahil sa inis ko sa username at sa twelve-year-old self ko, napaisip ako. Why do we let young children do one thing that most adults don't even want to face—deciding the future.

Sa case ko, sa username, oo, madaling palitan. Pero pano yung pagde-desisyon ng kukunin mong kurso? Ng buhay na gusto mo?

Pagkatapos ng lahat ng investment mo—pagod, luha, pera, effort, oras—tapos dumating ka bigla sa puntong, 'nakakainis, bakit ba ginawa ko 'to?' madali pa rin bang palitan 'yon?

Sa murang edad, lagi na tayong tinatanong kung anong gusto nating maging paglaki.

Oo, wala akong kakilala na hindi hinangad maging astronaut o scientist. At oo, wala akong kakilala na naging astronaut o scientist.

That child, dreamt of something great without the restraints of reality. It's both a blessing and a curse.

Syempre, bukod sa katotohanang hindi ako naging astronaut. Badtrip.

Pwede kang bumalik anytime, yes. You can always gather the courage to go back and start anew.

But imagine the vast opportunities we missed just because our younger self, who doesn't know anything about the 'real' doings of the world, decided something for us?

You might say, kung ayaw mo palitan, gumawa ka ng bago!

Pwede naman. Recommendable nga lalo na kung reason #4 ang pagbabatayan.

But upon the thought of creating another one, I was saddened.

Sa mundo nating madali na ang lahat, mabilis na lang itapon yung isang bagay just because we can no longer tolerate it.

Mabilis nang magsawa kasi marami namang iba. Diba? Parang cellphone mo na maya't maya ang palit kasi may nakita kang hindi magandang feature. O jowa mo na hihiwalayan kasi 'clingy' siya.

Hindi ko na naman alam kung anong pinupunto ko sa blab na 'to, pagulo ako nang pagulo habang papatagal. Sa inis ko, pinalitan ko pa rin naman pangalan ko.

Pero may kasama nang 'ito-tolerate ko 'to kasi hindi rin naman puro unkyot na alaala lang ang nandito'.

Nice to meet you nga pala, ako si keirrasaoshima.

Ikaw, anong gusto mo paglaki?

Random BlabbingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon