Taken for granted

69 5 1
                                    

I once took up a Marketing subject.

Na isang beses ko lang ata napasukan. O dalawa?

Isa nga lang ata.

Anyway, this isn't about my mardelious school life. This whole blab is about 50% internet, 35% gadgets, 14% life, a little bit of marketing, sprinkled with love. /vomits/

“Ate, maglo-load tayo ng WiFi?”

Tinitigan ko ang mabuti kong kapatid. Tinitimbang kung handa ko bang pakawalan ang bente singko pesos para sa internet na pag sinuwerte, tatagal ng tatlong araw.

Pag hindi, at naisipan ni Papa na magdownload ng kung ano-ano, isa't kalahating araw.

Aware naman akong once na binuksan ko na ang social media (cr)apps ko, nalilimutan ko na ang lahat ng gagawin. Lalo na pag napadpad ako sa Pinterest na puno ng fandom-related at tumblr-cuteness yung feed ko. Nauubos ang oras ko. At wala akong (makabuluhang) nagagawa.

Oras.

Sabi ng ICT prof ko, isa sa advantages ng computer at internet ay yung maikling konsumo nito sa oras kasi mabilis ang lahat. Mabilis ang communication na aabutin lang ng segundo o minuto, dipende lang sa signal. Samantalang umaabot ng buwan ang mail dati. Mabilis ang palitan ng kuro-kuro. Ng impormasyon. Ng produkto. Ng salapi. Ng serbisyo.

Pero ang disadvantage rin no'n, sa sobrang dami ng oras na natitira dahil mabilis ang lahat ng gawain, maraming oras din ang nagugugol sa paggamit ng internet.

Astig. Time saver at time waster. Parang black and white. Good and bad. All or nothing.

Either. . . or. . . never both.

Tinitigan ako pabalik ng kapatid ko—sige na nga. Bahala na. Paalam na, ₱25.

Mabilis din yung kapatid ko. Nakatakbo agad sa tindahan, at naka-connect agad pagbalik.

Pero habang connected ako sa WiFi, nainis ako bigla sa mga internet providers. At naawa sa sarili ko.

Yung isang beses kasing pagpasok ko sa marketing subject na 'yon, yun yung araw na may report kami. Basics of Marketing. Ata.

Kaya ko rin siguro naalala hanggang ngayon yung araw na 'yon, kasi nagpanic pa ako ng slight nung nalaman kong may report kami. Agad-agad. Ang bilis kong nabasa yung ilang pages ng report namin 'cause desperate times calls for desperate measures.

In-assign akong magreport tungkol sa panlasa ng market. Dapat bago ka magbenta, alam mo kung sino at ano ang bebentahan mo. Saka mo bentahan.

Parang kaaway lang na kailangan mong utakan para matalo. Kilalanin mo muna, bago ka umatake.

Ginamit ko yung Piattos. May iba't-ibang flavors, may iba't-ibang kulay—bagay na naghahalina sa target na market nung nasabing junk food.

Tumango yung prof ko—na nagpahinga sakin ng maluwag kasi tumama pa yung example kong hinugot sa desperasyon—at ginamit na halimbawa ang namaalam nang Nokia.

Hindi raw kasi sumunod sa uso kaya kahit sobrang tatag nung brand, nagiba pa rin. Natalo raw nung Samsung.

Sa marketing, dapat alam mo yung gusto ng tao. Yung kahinaan nila. Yung soft spot. Then, use that to sell your product.

“Getting more and more wrinkles? That means you're old and there's nothing wrong about it, but everyone's looking so young despite their real age so why not try our product? Everybody is using this!”

“Low self-esteem? Because of pimples which is a natural phenomenon when hitting puberty? Well, Ma'am and Sir, you're so luck because we have a product for our made-up problem!”

The commercials—I mean, the list goes on, and on and on. . .

Parang yung internet providers. Alam nila yung natural na kahinaan ng tao, at yun yung inatake nila.

Ano 'yon?

Yung tendency nating ibalewala yung bagay na laging nandyan. Diba?

Tulad ng mahal mong iniwan ka kasi akala mo, hindi siya aalis kahit pa isantabi mo siya.

This reality, if used in a really clever way, might bring fortune. Kaya yung load mo pang-data, text at calls, may limitation—para hindi mo isantabi. Para gamitin mo nang gamitin. Para di masayang.

Kasi kung nandyan lang yan, baka balewalain mo lang din.


















Now, excuse me while I mourn for myself who stupidly succumbed to the marketing skills of those internet providers. . .

Random BlabbingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon