magsisimula ang blab na 'to sa:
2pm ang klase at late na ako.
(jwyn, kung mababasa mo 'to, wag ka masyado umiling. alam ko, alam ko. magbabago na ako sa takdang panahon)
dahil nga late na ako, hindi na ako nag-abala pa na magmadali. late na rin naman ako kahit anong mangyari.
nung may humintong jeep sa kanto, hindi na ako nagmadaling lumakad para makasakay agad. ayoko na mapagod, mainit pa sa pinas.
nung nakasakay naman na ako, suot ang ID ng sinumpang school, nagbayad ako ng sakto lang kasi mahirap na magbayad ng sampu tapos hindi na susuklian kahit pa mapaos ka kakasigaw ng “estudyante po!”
e ayaw ko naman sumigaw. hinahayaan ko na lang ang karma sa mga ganung pagkakataon.
anyway. nagbayad nga ako sa jeep, at schoolmate ko pala yung katabi ko. nope, hindi kami magkakilala, pareho lang kaming nakasuot ng ID mula sa sinumpang school.
nabanggit ko lang. hindi naman masyadong mahalaga.
pagkatapos no'n, sumubsob na ako sa phone ko kasi may crina-cram akong powerpoint presentation.
yes, sa jeep. my parents must be so proud.
masyado akong subsub sa phone pero nahagip ng mata ko yung paglaglag ng wallet nung babae na nakaupo sa kabilang panig ng jeep. out of instinct, yes i know, inabot nung lalaki na katabi ko yung wallet at inabot sa babae.
after that, nagngitian sila.
bilang isang writer (at crammer), potential story idea yon. potential lang, kasi ang gasgas masyado.
gasgas kasi nangyayari madalas. o nangyayari kasi talaga. wala nang air of mystery or surprise kasi nga simple act that can happen everyday.
sabay kaming bumaba nung lalaking katabi ko sa school habang bumaba naman yung babae sa palengke bago ang school.
nope. wala masyadong nangyari. hindi sila nagpalitan ng number or kahit nag-usap man lang. ngumiti lang sila sa isa't isa after ng pag-abot nung wallet bago sila bumalik sa kanya-kanya nilang mundo habang nakasakay sa jeep.
napaisip ako.
maybe things happen to connect people. mula sa nakakahiya hanggang sa kahindik-hindik na paraan.
tapos napa-conclude ako. kaya pala boring buhay ko. ayoko ng mga nakakahiya or kahindik-hindik na pangyayari at hangga't kaya, i steer away from such things.
probably missing a lot of potential connections with people.
but then again, people are draining.
kaya sumubsub na lang ulit ako sa phone ko at nagcram ng powerpoint presentation.
tapos pagpasok ko, walang prof.

BINABASA MO ANG
Random Blabbings
No Ficciónblab (v.) - to say something that was supposed to be kept secret - to talk too much let's get this mess started.