What do I know?

63 8 4
                                    

Sabi nila, family is the basic unit of society.

Kaya siguro may mga taong tikom ang bibig sa isyu ng bansa, sa isyu ng kapaligiran, sa isyu ng karapatan dahil ang turo sa loob ng pamilya—manahimik.

Manahimik.

Wala kang karapatang sumagot. Lalo na kung nagagalit na'ng mga magulang mo. Mali yan sa kahit saang anggulo.

Manahimik.

Wag ka na magsalita. Lulusot ka lang naman. Hahaba pa. At titingnan ka lang nila na para bang labag sa batas ang magpahayag ng saloobin sa isyung buhay mo ang apektado.

Manahimik.

“Saka ka na magpaliwanag, pag malamig na ulo nila,” payo ng isa. Pero hindi yun darating, kasi sa oras na subukan mong magpaliwanag, magsisimula ulit sila sa umpisa.

Manahimik.

Alam nila ang makakabuti sa'yo. Nanggaling na sila d'yan. Makinig ka lang.

At manahimik.

Pero buhay mo 'to! At gusto mong maramdamang buhay mo nga 'to. Kasi bakit ka lilimitahan? Kung ang dapat nilang gawin, ika'y gabayan? Bakit pipigilan kang magkamali? Kung sa mga pagkakamali nila sila natuto?

Manahimik.

“Sa'n ka natutong sumagot?!”

Sa hindi niyo pakikinig, pero manahimik.

“Hindi ka namin pinalaki ng ganyan.”

Dahil hindi naman talaga dapat ganito, pero manahimik.

“Saan kami nagkulang?”

Sa pag-alalang may sarili akong mundo. May sarili akong boses. May sarili akong prinsipyo. Pero. . . manahimik.

“Pinaalalahanan ka namin! Iniisip namin kung anong makakabuti sayo!”

Pero hindi niyo naisip ang maaaring mkakabuti para sa'tin.

Manahimik.

Ba't ka matututong sumagot, magsalita, magpaliwang, magpahayag, kung ang itinuro sayo—manahimik?

Random BlabbingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon