Sukli

111 15 1
                                    


I crave pancit canton.

And so I go out, out of our house where the burning heat and sunlight hugged me with all their might. In short, pagkalabas ko ng bahay, tagaktak na agad ang pawis ko.

But this isn't about the miracle that I go out of our house. This is about the aforementioned food--pancit canton.

Informed naman ako na may bagong 'look' ang paborito kong pancit canton. Pero hindi ko naman inakalang ganun.

Ganun, as in, hindi ko nagustuhan.

At dahil wala akong magagawa, inubos ko pa rin naman. Pancit canton pa rin naman.

But as I devour that, naisip ko, bakit kailangan nilang magbago ng hitsura? Magbago ng lasa?

Tapos naisip ko, baka dahil sa competition. Natawa pa ako, wala kasi akong naisip na kakompetisyon nila. Hanggang sa nagsalita yung kapatid ko at sinagot ang nasa isip ko.

Oo nga, kompetisyon.

Pero hindi ba nila naisip na may mga taong tulad ko? Yung mga taong dun sa kinasanayan. Yung mga taong hindi naman adventurous para tikman ang lahat ng pagkain sa mundo. Yung mga taong mas sanay sa kinasanayan.

But then again, that's change, right?

Kahit na ano namang mangyari, laging may magbabago. Gusto mo man o ayaw mo. Ang tanging nasa isip lang naman ng pagbabago--here I come, whether you like it, or you'll like it.

Naalala ko pa yung paborito kong teacher nung high school, sabi niya ang tanging bagay na laging sigurado ay ang pagbabago.

Hindi ko man gusto 'yung konsepto, totoo naman. At tanggap ko.

Pero kasi diba? Alam ko namang kapag nakakasanayan, nagiging boring, plain, normal, common at kung ano-ano pang synonyms no'n. But you see, yung ilang bagay na nakakasanayan ay nagiging norm.

Norm, as in, hindi na maaalis sa araw-araw na buhay.

Hindi ba dapat ganoon ang klase ng goal na makuha ng mga kompanya? Become something that can overcome the test of change? Change of people's ideals.

Parang cellphone, naging nakasanayan hanggang sa hindi na maihiwalay sa katawan.

Norm.

Pero habang kinakain ko 'yung pancit canton, napapailing talaga ako. Hindi ko pala nakuha 'yung sukli na piso.

At dahil hindi naman nakatulong sa mood ko ang pancit canton, hindi na nasundan ang himalang paglabas ko sa bahay.

Sa huli, tatanggapin mo na lang din talaga ang pagbabago. If you can't welcome change with a warm friendly hug, then at least be a decent human being. Accept change and be civil.

Inisip ko na nga lang na sinabi ko sa tindera pagkabili ko ng pancit canton,

Keep the change.

Random BlabbingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon