Kathryn's POV'
Niligay ko na ang mga gamit ko sa kama at humiga na rin. Nagisip-isip lang ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya.Bigla nalang tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Kumusta na kaya si James ngayon?
Pinahiran ko muna ang luha bago lumabas ng kwarto.
Paglabas ko, nadatnan ko silang lahat sa sala na masayang nagkwe-kwentuhan. Sana masaya rin ako katulad nila.
Tumabi na ako kay mama at nakinig na rin sa kanila kahit labas-pasok lang sa tenga ko ang pinagsasabi nila. Ang alam ko lang sa sinasabi nila ay tungkol sa anak ng bestfriend ni mama na Daniel daw ang pangalan?, bagay daw kami, sana kami ang magkatuluyan blahblahblah wala akong pake.
Nagkwentuhan parin sila hanggang sa inabot na sila ng gabi, 6:30 na rin kasi.
"Ma, pwede bang gumala ako ngayon?"
"Anak, gabi na. Baka mapano ka pa sa labas"
"Kabisado ko pa naman po ang daan rito ma eh"
"Oh sige, basta 'wag masyado magpagabi ah"
"Opo ma" sabi ko at tuluyan nang lumabas.
Naglakas-loob akong pumunta sa isang bar kahit na first time ko pa. Hindi sana ako papasukin ng security ng bar kasi sabi nila mukhang di pa daw lagpas 18 ang edad ko pero pinapasok lang din naman nila ako kasi sinabi kong baby face lang talaga ako at 18 na ako. Ganito talaga yung nangyayari kung di mahigpit yung securities. Di man lang hinanap ID ko.
Pagpasok ko sa loob, ang ingay talaga. Andaming taong nagsasayawan, naglalandian, naglalasing, pero isa lang ang nahagip ng paningin ko, isang lalaking mukhang matagal na yatang umiinom rito kasi ang dami ng bote ang walang laman sa harap niya tapos namumugto pa ang mata.
Linapitan ko ito saka hinablot ang alak na iniinom niya at umupo sa harapan nito.
"Miss, ano ba!" Sigaw nito.
"Di ba ikaw yung lalaking nage-eskandalo kaninang umaga sa Airport?"
"Ano paki-alam mo?" Pagsusuplado nito, gwapo sana pero mas gwapo si James ko.
Di ko na siya pinansin at inubos na ang isang bote na inagaw ko sa kanya.
Tanging ini-isip ko lang ay si James. Sana nasa London parin ako ngayon. Sana kasama ko pa siya.
Di ko talaga mai-imagine na parang kahapon lang ay kasama ko pa siya.
Naubos ko na ang alak na ini-inom ko. At naramdaman ko na rin ang hilo at medyo sumasakit na ang ulo ko.
Actually, mahina ako sa alak at first time ko pa ito.
"Alam niyo kayong mga babae...." Napatingin ako sa lalaking kaharap ko na inagawan ko ng alak kanina.
"Bakit kayo nang-iiwan?, ganyan na ba talaga kayo?, tapos ang sinasabi niyong nang-iiwan ay ang mga lalaki?, bakit di ba kayo nang-iiwan?!, Putang*na naman kayong mga lalaki eh" patuloy nito at para akong nasaktan sa sinabi niya.
"Bakit alam niyo din ba kung gaano kasakit para sa amin ang iwan ang taong mahal namin?!, kasi alam kong ang nang-iiwan ay may rason kung bakit." Sabi ko at napa-iyak nalang.
Inagaw ko ulit ang isa niya pang alak at diretsuhang ininom ito.
"Miss, Alam kong may problema ka rin... Daniel nga pala" sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay
"Kathr..Uugh" ungol ko nalang nung di ko na nakayanan ang sakit sa ulo ko at ang pagkahilo.
"Miss, okay ka lang?!!" Yan nalang ang huli ko narinig at nawalan na ako ng malay..
Nadine's POV'
Nandito na ako sa tinitirhan kong room ng hotel dito sa Paris. Nakakalungkot mang isipin na mag-isa lang ako.Pinapunta ako ni Papa dito kasi mas makakabuti daw kung dito ako magpatuloy mag-aral.
So, di pa ako college sa susunod, may 2 years pa bago yun.
Pero mas ina-alala ko si Daniel, alam komg break na kami pero break na biglaan at break na walang explaination. Kahit ayoko siyang iwan, ayoko siyang breakan, at ayoko siyang maging malungkot.
Pero di talaga mawala sa isipan ko nung bago ako umalis papunta rito, bago ako nakasakay sa Eroplano
"Nadine!!! Please wag mo kong iwan!! Mahal na mahal kita!! Please!!"
Gusto kong 'wag ituloy ang pagpunta ko rito kahit pagalitan pa ako ni Papa. Pero wala akong na-isip sa panahon na yon, na parang namental block ako. Pero hindi sa kaba dahil sa nalilito talaga ako sa gagawin ko.
Kaya ngayon at nandito na ako, no turning back.
Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako.
***
Nagising nalang ako nung 12 na para kamain ng tanghalian. Pinagmasdan ko muna ang kwarto ko rito.Kung tutuusin, maganda naman rito at di ko ma-ipagkakailang mas maganda rito kaysa sa Pilipinas pero sa Pilipinas na ako lumaki kaya nakakamiss din doon..
Lumabas na ako at pumunta sa ibaba, kasi nandon ang mga foods kapag may kailangan ka. Kumpleto lahat, may fruits, drinks, at kahit ano pa.
Actually ang katabi ng hotel na pinapasukan ko ay isa sa pinakamagandang beach resort dito sa Paris. Andami ngang tao ang nandito andaming foreigns halos wala ako nakilalang pilipino.
Fruits and Drinks nalang ang binili ko at bumalik na ng room ko sa itaas. 2nd floor pa kasi kung saan ang room ko.
"Sh*t!" Mura nung lalaking nakabunggo ko pagtalikod ko. Natapon kasi sa kanya yung drinks na pinamili ko. Well, di ko naman kasalanan yun.
Naglakad na siya palayo without saying any word pero di mo maipinta ang expression ng mukha niya..
Gwapo sana suplado nga lang.
James' POV'
"Sh*t" sabi ko nung may babae akong nakabunggo. Ang tanga naman ng babaeng to pati drinks niya natapon sa sando ko.Bigla nalang akong nainis nung nakita ko ang mukha niya dahil may kaparehas na angle sila ni Kathryn kaya naalala ko na naman siya sa kanya..
James stop it, kaya ka nga nandito kasi para makalimot, right? -Sabi ko nalang sa sarili ko at the same time, nilagpasan siya.
Pumasok na ako sa entrance ng Beach Resort.
Nung nakapasok na ako agad naman bumungad sakin ang mga babae..
"Hello James" they said in chorus sabay wink. Halos 6 yata sila. They already know me kasi palagi akong nagva-vacation dito every year.
I like cute and pretty girls not pacute girls.
Ngumiti lang ako sa kanila pero bigla nalang nilang pinulupot ang mga kamay nila sa arms ko kaya no choice ako kundi nagpahila na rin kung saan sila papunta.
Kinikilig naman sila habang hinihila ako, actually kilala ko din naman sila, mga half din sila pero di katulad ko na half tao half gwapo..
Pero nakalimutan ko na mga name nila atsaka wala na rin akong paki na kilalanin talaga sila. Sila na mismo ang lumapit...
Mga ilang minuto lang may nahagip ang atensyon ko.....
Yung babae kanina na dahilan ng pagkabasa ng sando ko.
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
RandomFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...