Nadine's POV'
Pumasok kami sa isang gate na gawa lamang sa kawayan at pagkapasok namin doon, sinalubong kami ng isang matandang babae.
"Magandang araw po lola" sabi ko at nag-bow naman si Bangky.
"Ano pong kailangan mo nene?"
"Dito po ba nakatira si Ian Delgado?"
"Ay hindi nene, nandoon sa bahay na iyon" sabay turo ni Lola.
"Diyan sa ikatlong bahay mula sa kaharap ng bahay na to"
"Salamat lola"
"Walang anuman apo" sagot ni lola.Pinuntahan namin ang tinuro ni Lola.
Simpleng bahay lang naman siya, kulay puti ng pintura tapos maraming bulaklak sa paligid. Simple lang pero halata namang may kaya ang may-ari."Are you going to knock? Or me?" Tanong ni Bangky.
"Kung gusto mo ikaw, pwede rin" sagot ko.
"Okay, how do I do this... Tao po, tao po..."
May biglang lumbas na batang babae kaya tinanong namin kung dito ba nakatira si Ian.
"Magandang araw po, dito po ba nakatira si Ian Delgado?" tanong ko
"Si kuya Ian? Kakauwi niya lang po dito. Bakit po?"
"Pwede po ba naming makausap ang kuya mo?"
"Oh sige po, tatawagin ko lang po muna" ngumiti yung bata sa amin bago pumasok muli.
Ilang sandali lang, lumabas yung hinahanap namin. Halata sa mukha nito ang pagkabigla.
"Anong ginagawa niyo rito? Bakit di niyo kasama si Yassi?"
"Para saan pa? Di kami mahilig magsama ng traydor" bigla ko nalang nasabi
"Paano mo nasabi yun?"
"Dude, we're here to talk to you about the real matter kaya wag ka nang magmaang-maangan pa, alam naming alam mo kung ano ang pinaplano ni Yassi" singit ni Bangky
Napabuntong hininga lang siya at ilang minuto din ang lumipas bago niya kami inayang pumasok pero di pa rin siya sumasagot.
"Ian, sobrang kailangan namin ng mga sagot kaya please"
"Tama si Auring, we need answers. Kung ako sayo dude, sabihin mo na ang nalalaman mo bago pa mangyari ang di dapat mangyari"
Napabuntong hininga ulit si Ian.
"Anong gusto niyong malaman?"
Nagkatinginan agad kami ni Bangky. Ewan ko pero kinakabahan ako ng sobra.
"Ano ang pinaplano ni Yassi? Tsaka bakit niya to ginagawa? Wala naman akong naaalalang atraso sa kanya"
"Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang kasabwat niya yung Julia B na sinasabi niyo"
"Kailan pa?"
"Lampas tatlong taon na din silang naging magkaibigan. Isang taon pagkatapos niyong grumaduate sa elementary, naging magkaibigan sila"
Kumunot agad ang noo ko, di ako makapaniwala sa naririnig ko. All this time, nagsisinungaling lang si Yassi. We all promised to stay away from Liza and Julia B kasi ginawa nilang impyerno ang mga buhay namin noon, at ngayon? Kinakampihan na niya pala yung mga demonyitang yun?
Pumasok na naman yung nangyari sa Book Store, oo nga pala, pati rin si Kath."Ian, anong pinaplano nila ngayon? Sabihin mo sakin, kailangan ko talagang malaman"
"Ewan ko, yun lang ang alam ko, kasabwat niya si Julia B."
![](https://img.wattpad.com/cover/36643323-288-k996568.jpg)
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
AcakFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...