Nadine's POV'
"Oyyy, aminin, sinadya mo talagang inumin baso ko. Ayieee" pangungulit niya.Naiinis na talaga ako rito ah.
"Hindi no, tsaka kailangan ko lang talaga ng tubig, ikaw kaya mabilaukan" sabi ko. Ewan ko sakanya, halos pinipilit sakin na sinadya ko daw talaga lahat, para lang daw mainom yun baso niyang may laway na yun.
"Ang dami mo kasi kinain, ayun tuloy. Hahaha"
Aba't tinawanan pa ako. I swear, di na ako pupunta sa kwarto niya. Nakakasilaw yung mga pagkain. Huhu. Eh ang akin sa mini refrigerator ko, puro chocolates linagay ko.
Nga pala, naglalakad ulit kami ngayon ni Bangky sa buhanginan.
Sa totoo lang hanggang dito lang sa buhanginan ang napupuntahan ko rito hihihi."Bangky, ano real name mo?"
"Secret" sagot niya. Hay naku!
"Pwede pahiram phone mo?"
Agad naman niya itong kinuha sa bulsa niya at binigay sakin. Ganda ng cellphone niya.
Pinahiram niya nga sakin cellphone niya kaya lang may password naman paano ko naman to i-oopen?. Tsk.
"Password?" tanong ko pero di ko siya tiningnan, busy pa ako sa page-experimento ng cp niya, joke lang.
"K----"
Di niya natuloy sasabihin niya nang agad ko siya inunahan."Hep!Hep!, Huwag ka nang sumagot, alam ko na" sabi ko sabay type ng KATHRYN.
Ayan na-open ko na. May clue naman palang nakalagay sa taas eh,
'The person I love most'
O diba? ↑
Pinuntahan ko ang gallery niya..O_o
500+ na pics. tapos pangalan ng album, JaRyn.
Tiningnan ko isa-isa, ang sweet nila. Bagay talaga sila.
"Bangky, grabe memories niyo no?, ang sweet" sabi ko
"....."
"Gusto mo bang maging photographer?" tanong ko
"Pano mo nalaman?"
Halata naman eh. Tsk.-_- May separate na album kasi sa mga random na pics na siya mismo ang kumuha sa litrato tapos ang gaganda pa ng pagkakakuha.
"Magic" sagot ko
Tiningnan ko messages niya, sorry po curious lang po.
Pagkaopen ko, nahagip agad ang paningin ko sa isang message.
From: Kath Baby
"Goodbye James. I LOVE YOU and THANK YOU FOR THE MEMORIES"Wow ah? Idol na talaga kita Kath. Ang lupit.
James pala name niya? gandang pangalan pero mas maganda parin ang Bangky no.
"Auring, ano tinitingnan mo dyan?" tanong niya at tiningnan phone niya.
Pheew.. Buti na exit ko na.
"Aaah wala. By the way, matanong lang kita about sa ex mo"
"Ano yun, Auring?"
"Nagbreak ba kayo ng ex mo bago ka niya iniwan or iniwan ka nalang bigla?"
"...." -_-
Mukha na akong tanga dito ah. Naghihintay ng sagot, e parang wala naman siya planong sumagot.-_-
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
RandomFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...