Chapter 16

474 31 4
                                    

Julia's POV'

*poke*

"Aray--- Bat ka namamatok?" reklamo ko

"Eh kasi po, tulala ka, kanina pa ako salita ng salita dito eh, hindi ka naman nakikinig" sabi niya.

"Nakikinig kaya ako"

Palusot? Uso pa ba yan ngayon?

"So, ano sinasabi ko?"

Ano nga ba sinasabi niya? Edi, "So, ano sinasabi ko?" ←← yan huli niyang sinasabi eh, I mean tanong pala yan.

"Uhm.. Ano.. Ahh...ehhh.."

Di muna ako mamimilosopo ngayon, baka kukuha na naman to ng kutsilyo. Ayaw ko pang-mamatay no! May sakit ka sa utak kung gusto mo nang mamatay. Hehe.

"Julia!!!!.... Bakit ba ang lalim ng ini-isip mo! Nagmumukha na talaga akong tanga dito. Salita ng salita, di ka naman nakikinig!"

"Eh kasi malalim nga ang iniisip ko"

Kasasabi ko pa lang na huwag mamimilosopo, pero heto ako ngayon.

-______-

*vibrate*

Napatingin ako sa phone  ko na kinuha ko sa bulsa ko nang magvibrate, well, naka-silent ito kaya nagv'vibrate lang kung may tatawag.

Calling....
Tippy

Bago ko ito sinagot nagpaalam muna ako kay Kath.

"Kathreng, sagutin ko muna to ah"

---
[Julia: Tip, napatawag ka?]

[Tippy: Lokaret! Asan ka na uie. Hinahanap ka na dito]

[Julia: Ngayon na?]

[Tippy: Aye hindi. Bukas pa.. Kaya nga ako tumawag kasi wala ka pa rito eh]

[Julia: Oh sige, pupunta na ako diyan. Baboosh]

End Call.

---

"Juls, sino yun boyfriend mo?"

"Hindi no. Classmate ko dati. Ah.., Kathreng, aalis na pala ako may gagawin pa kasi ako eh. Sige bye. Bibisita na lang ako ulit dito" paalam ko

"Sige bye. Ingat"

***
Sa Café...

"Tippy, ang aga mo ata" -ako

"Ang tagal mo ata" -siya

"Maaga ka sigurong gumising noh?" -ako

"Matagal ka sigurong gumising noh?" -siya

-_____- »-kami

"1 hour pa before ang oras na dapat nandito tayo. Eh bat napaaga ka? at dinamay mo pa talaga ako. Akala ko pa naman na marami nang taong nandito." sabi ko

"Peace. Boring lang talagang mapag-isa no. Kaya tinawagan na kita para pumunta ka na dito"

"Eh bakit di si Sam ang tinawagan mo?"

"Busy daw siya eh. Tapos mukhang bagong gising pa ang boses niya, pagtawag ko"

"Hala ka! Baka may ka ano yun kagabing babae kaya yun napagod" pagbibiro ko.

Ewan ko pero nahalata ko sa mukha niya ang pagkalungkot at nagkibit-balikat lang siya.

"Joke lang, huwag mong seryusuhin. Nga pala anong oras na?" tanong ko.

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon