Nadine's POV'
Pumunta kami sa kwarto ni Kath kahit nanginginig na kami pareho.
Pero pagpasok namin, wala namang tao kaya bumalik uli kami sa may kusina."Julia, Yassi, may bibilhin lang ako sa labas ah?" paalam ko.
Parang gusto ko kasi kumain ng junkfoods eh. Hehe.Lumabas na ako.
Patawid na ako ng daan ng napahinto ako sa gitna ng pagtingin ko ay may itim na kotse papapunta sakin kaya napapikit nalang ako.
Hanggang dito nalang ba ako?
.
.
.
.
.
.
.
1...
2...
3...
4...
5...Bakit wala akong naramdaman na nabundol ako ng sasakyan? ang naramdaman ko lang parang may yumayakap sakin na mga braso.
Napadilat ako ng mata. OmO.
This is awkward."Auring, are you okay?"
Natulala ako, ngayon lang nagsink in sa utak ko ang lahat. Nakahiga siya sa gilid ng kalsada habang ako nasa ibabaw niya. Oh my gosh. Baka anong isipin ng lalaking to.
"Auring?"
Napatayo ako bigla.
"Uh.. Sorry"
Tumayo na din siya. Aba ngiting aso ang loko.
"Sa susunod kasi, tumingin ka muna sa kalsada kung may paparating ba na kotse"
"Bakit ka nandito? Di ba maghahanap ka pa ng apartment? Atsaka mas una ka pa ngang umalis kaysa nina Kath eh"
Di siya nakasagot kaya nagsalita ulit ako
"Siguro, ini-stalk mo si Kath no? at hinintay mo pa silang umalis. Ayiee... nagseselos siya... mahal niya pa...ayeeee..." pang-aasar ko.
Kumunot ang noo niya pero ngumiti din naman ng nakakaloko.
Lumapit siya sakin.
"Selos ka din ba?" nakangiti pa rin siya habang lumalapit sakin."H-hindi no... Ba't naman?"
"Na-uutal ka pa eh. Pano kung sasabihin ko sayong hindi ako umalis kasi binabantayan kita?" seryosong sabi niya habang lumalapit pa rin sakin kaya napa-atras naman ako.
"Ha?" yan lang ang nasabi ko
Nagtitigan lang kami pero unti-unting umiba ang facial expression niya.
Sabi ko na nga eh."Whaaahahahahaha..hahaha" tawa niya habang hawak-hawak ang tiyan niya. Sana mawalan ka ng hininga diyan. Sabi na nga bang pinagtri-tripan lang ako nito eh.
Bahala na nga siya. Dumiretso nalang ako sa may tindahan at bumili ng mga junkfoods.
Pabalik na ako sa bahay nila Kath pero walangyang lalaking to, di pa rin tapos tumawa.
Pumasok na ako sa loob.
Pagkabukas na pagkabukas ko palang sa pinto sumalubong na agad sakin ang mukha ng dalawa.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Nadz, ano yun nakita namin kanina lang?" tanong ni Yassi habang katabi naman si Julia na ang lapad ng ngiti.
"Nakita ang ano?"
"Bakit don kayo nagp-PDA?" tanong ni Yassi.
Like what!?"Ano!?" napasigaw nalang ako.
*knock*knock*
Pumunta ako sa pintuan at binuksan.
Bumungad ang mukha ni Bangky sa pintuan kaya nagfake cough ang dalawa, sinamaan ko lang sila ng tingin.Kathryn's POV'
"Okay ka lang? Kanina ka pa tulala eh" tanong ni Daniel
"Huh? Uhm, oo" sabay tango ko.
Nasa sasakyan kami ni Daniel.
Nagyaya lang siyang mamasyal, habang papa-alis kami may nakita ako kaninang babae sa kabilang kanto.
Parang familiar siya sakin pero di ko makilala kasi nakatalikod siya sakin. Pero alam kong kilala ko siya.
She's wearing all black. Hindi ko alam pero may kaka-iba akong feeling eh."Basta Kath, kung may-kailangan ka... nandito lang ako"
Ngumiti lang ako.
Siguro nga, wag ko munang intindihin yun. Ayoko naman masayang ang oras kakaisip lang don.
Dumiretso nalang kami sa mall. Ako ang nagsuggest. Hehe. Gusto kong kung kumain sa KFC eh.
Pagpasok pa lang namin, hindi nakaimik si Daniel kasi hinila ko agad siya sa KFC. Umorder na rin ako pero ang daming tao kaya nakapila ako ngayon. Nag-insist naman siya na siya nalang ang oorder. Siguro alam naman niya yung gusto ko eh. Nakapunta na rin kami ni Daniel dito kaya alam na niya yung madalas kong kainin.
Sa dinami-raming tao buti nalang may vacant seat pa sa loob.
Ilang minuto din akong naghintay bago nakabalik si Daniel kasama ang order namin, este akin lang pala."Kaka-almusal mo palang gutom kana agad? Kaya lumalaki na yang tyan mo eh"
Napatingin ako sa tyan ko. Waaaah tumaba na ba ako?
Ah bahala na mageexercise nalang ako pero huwag muna ngayon, gusto kong kumain eh. Bakit ba?Pinanuod niya lang akong kumain sa fried chicken ko, with rice pa yan ah kaya wag na kayong magtaka kung tumaba ako.
"Hoy dahan-dahan ka naman sa pagkain" sabi niya sabay bigay sakin ng coke kasi nabilaukan ako
"Nagugutom yung tao eh" sagot ko matapos kong inumin ang coke. Ang sakit pa rin ng lalamunan ko.
Ginulo lang niya yung buhok ko.
Napatingin lang kami sa gilid namin kasi may taong nakatayo."Enrique/Quinn?" sabay naming sabi ni Daniel.
Teka kilala niya tong lalaking to?"Dude" sabi ni Enrique kay Daniel
"Musta?" tanong din ni Daniel sakanya."Teka magkakilala kayong dalawa?" tanong ko. Napalingon ako sa paligid kasi baka nandito sina Liza at Julia B. Baka anong isipin nila...
"Yup. Teammate ko siya bakit?" tanong ni Daniel
"Nothing"
"Sige dude, di rin ako magtatagal. Napadaan lang ako at saktong nandito kayo kaya nilapitan ko kayo. Bye Dude! Bye Kathryn!" paalam niya.
Habang papalabas siya. May naramdaman ako mali. Parang may aura sa paligid kaya napalingon-lingon ako.
Ano bang nangyayari sakin ngayong araw? Kung ano-ano nalang naiisip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/36643323-288-k996568.jpg)
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
RandomFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...