Chapter 11

551 34 1
                                    

Nadine's POV'
Pheeew.. Gabi na rin, nasa buhanginan kami ni Bangky, malapit sa dagat.

"HHaha!! Ang panget mo nyan Bangky. Hahahh" nakakatawa, nagma-make face siya tapos yung parang si Mr. Bean lang ang peg?

"Ang ganda pala dito paggabi no? Kitang-kita yung star" sabi ko.

"Halata, nasa labas tayo eh" -_- pamimilosopo niya.

Sapakin ko kaya ang mukha nito, tingnan natin kung di papanget.

"Bangky, palagi ka bang pumupunta dito sa Paris noon?" Tanong ko kasi ano, parang expert na expert na siya dito.

"Pag nagbabakasyon" sagot niya habang nakatingin sa kalangitan.

"Suplado mo no?" Sabi ko

Napatingin naman siya sakin na parang nagtataka.

"Anong koneksyon?" Tanong niya

"Eh kasi naalala mo ba yun natapunan ko ng drinks ko yung damit mo? Eh grabe ka kasi makasabi ng bad words. Wagas" sabi ko

"Sa tingin mo suplado ba talaga ako?" Tanong niya at alam kong may kahahantungan na naman tong pag-uusap namin. Lalim ng iniisip eh.

"Hindi na, kasi nakilala na kita pero nung una akala ko talaga may regla ka non eh" sabi ko na natatawa pero sumeryoso din agad kasi ang seryoso niya. Sabi ko nga, di na ako tatawa.

"So sa tingin mo, bakit niya ako iniwan?"

Kasi nga ang suplado mo, di joke lang.

"Pero kung di mo pa ako kilala, suplado ba ako sa tingin mo?" Tanong niya ulit.

"Baka, siguro, pwede, ewan, pero sa tingin ko hindi naman yan ang dahilan kung bakit ka niya iniwan" sabi ko, baka kasi pareho lang kami ng sitwasyon ni Kathryn ngayon, na napilitan lang.

Tsaka nahawa yata ako sa line ni Daniel ah. Kasi pagtinatanong ko siya andaming sagot, hindi naman sigurado. Kaya tumatawa ako, minsan kasi hindi ko alam kung ano doon ang sagot niya. Weird ba?

"Hoy! Auring nandito ka pa ba?" Tanong ni Bangky habang winagayway ang kamay sa harap ng mukha ko.

"Ah oo, may inisip lang. May sinasabi ka ba kanina?"

"So, paano mo naman nasabi na hindi iyon ang dahilan?" Tanong niya.

"Baka katulad ko" sabi ko

"Anong katulad mo?" Kunot noong tanong niya.

"Katulad kong napilitan lang na pumunta dito. Kasi ako napilitang iwan ex ko para pumunta dito at baka napilitan din siyang iwan ka Bangky para bumalik ng Pilipinas" sabi ko

"Bakit naman siya mapipilitang umuwi ng Pilipinas? Bakit mas pinili niyang iwan ako?" Tanong na naman niya.

"Wow, dami mo namang tanong nalulunod na ako sa tanong mo eh pero dahil broken hearted tayong dalawa, kaya feel na feel ko ang nararamdaman mo at sasagutin ko ang mga katanungan mo.. So, kasi nga like me, ang ama ko ang pumilit sakin na pumunta rito baka siya rin pinilit lang. Knowing Kathryn di siya nang-iiwan nalang basta-basta"

Naaalala ko pa nga nung graduation namin sa Elementary, nalaman niya na sa London siya mag-aaral ng highschool. Ayun, umiyak sa harapan ko kasi maghihiwalay na daw kami, wala na daw siyang bestfriend.
May time din nga na hindi na sana siya tutuloy sa London kasi ayaw niya kong iwan kasi nga bestfriend nga di ba, walang iwanan?.  Pero sinabi ko sa kanya na pumunta nalang siya ng London kasi magb'bestfriend pa naman kami kahit anong mangyari kaya wala siyang dapat ipag-alala.

"Ilang years na kayo magbesfriend ni Kath?"

"Since grade 2, bakit?"

"Nothing, tara balik na tayo sa loob"

Tumayo na kami habang nasa elevator kami may nakasabay kaming lovers na may LQ kaya pati kami nakaramdam sa tension ng dalawa.

Hindi kami nagsalita kasi anytime pwedeng sasabog yung elevator.

Bakit kaya tuwing nasa elevetor kami, palagi nalang may something. Nung una yung lovers na hindi man lang nahiya at naghahalikan pa rin tapos ngayon LQ?

*ting*
Bumukas na ito kaya maaari na kaming lumabas. Buti naman. Pero nabigla nalang ako nang hinawakan ni Bangky yung kamay ko at hinila palabas

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon