Daniel's POV'
"Sige! Ingat sa pag-uwi" sabi ni Kath bago ako tuluyang umalis.Maglalakad na naman ako pa-uwi.
***
Bubuksan ko na sana ang pinto ng bahay nang may narinig akong ingay sa loob. Agad akong kumuha ng kung ano doon at pumasok."Anong ginagawa niyo rito?" Sigaw ko.
Ang kalat sa loob. Ba't may alak silang dala.
"Bakit bro? Na-surprise ka ba samin? Pare na naman eh" sabi ni Quinn.
"Hoy anong pinagsasabi niyo? Mga lasing na kayo uie. Khalil? Pati ikaw umiinom?" Tanong ko.
"Sila kasi eh. Bakla kasi daw ang hindi uminom ng marami. Daniel bakla ka no? Hindi ka kasi umiinom"
Anong pinagsasabi nito. Natural kakadating ko lang eh. Napakamot nalang ako sa batok ko.
"Ano bang na-isipan niyo at naglalasing kayo?"
"Kasi bro!, inaya ko sila kasi nakakuha ako ng 5 stars sa C.O.C. first time ko yun br--- aray!" Binatukan ko nga. Si Diego ang sumagot.
"Nagce-celebrate na nga kayo, dito pa sa bahay. Buti wala si Mama" sabi ko.
Kasi naman po, ang kalat na dito tapos ang daming bote ng alak at tsaka amoy alak na rin.
Anu ba naman to!Yassi's POV'
Yeah! Philippines here I come. Aie! Here we come pala, nandito nga pala si Nadine eh. Di ako makatulog sa byahe! Si Nadine. Tulog na tulog...Umiyak din kaya yan. Iwan ko kung bakit, dahil ba sa makikita niya ngayon na iniwan niya noon o yung iniwan niya ngayon para bumalik sa Pilipinas. I don't know.
***
"Philippines here we come!" Sigaw ko nung pababa na kami sa eroplano."Aray! Para saan yun?" Sabi ko kasi binatukan niya ako.
"Ang ingay mo baka mapagkamalan tayong pupunta sa palengke para mag-tinda" sagot niya.
Oo nga no? Tatahimik nalang ako, baka totoo ngang mapagkamalan ang beauty ko na nagtitinda lang. Pangit yun.
"Nadine, mag-intay nalang muna tayo dito kasi wala pa yung sasakyan na susundo satin eh" sabi ko
"Bakit nagpasundo ka pa, pwede namang magtaxi nalang tayo" sabi niya.
"Eh, masakit paa ko eh tapos kung magtataxi tayo. Ang bigat kaya ng mga maleta nat-----"
"Sayo lang ang mabigat, bakit ang dami mong dinala eh, 2-3 weeks lang naman tayo eh kung makadala ka ng maleta eh, apat talaga?. Tsaka sino may sabi sayong mag-heels ka" taas-kilay niyang sabi.
2-3 weeks? Nah! Yan ang alam niya. 1 month kaya kami dito. Hehe. Sshhh!.
"Hoy! Ba't antagal ng sundo mo." Sabi nito
"Maka'hoy' ka naman, Yassi pangalan ko. O sya! Tatawagan ko nalang muna si Kuya Pogs" sabi ko at gaya ng sinabi ko, tinawagan ko si Kuya Pogs na driver namin sa ngayon. Actually Pogs is short for Pogi. Crush ko yun, haha. Hindi naman sila mahirap at sadyang crush ko yun kaya pinilit ko si Dad na gawin siyang driver namin. Hindi pumayag si Kuya Pogs pero dahil malaki ang utang na loob niya kay Dad. Edi pumayag nalang. Masungit siya, I swear.
Calling Kuya Pogs....
Ako: Hello...
Pa-sweet pa talaga ako niyan ha!Siya: Oh?
Sagot nito sa kabilang linya. Walang manners talaga yun. Kahit minsan di ko naramdaman na ako ang amo.Ako: Ang tagal mo yata?!
Inip na sabi ko.Siya: Nakalimutan ko eh, ngayon pala ang uwi mo?
Mas lalo akong nainis. Imbis na mag sorry siya, hindi niya ginawa. Oo, crush ko siya pero dahil sa gwapo siya pero di ko siya gusto. Ang sungit, daig pa ang babaeng nagre-regla.
Ako: Hmmpt!. Bilisan mo IAN! ah kung hindi may gagawin talaga ako sayo. Ipapakalbo kita!
Siya: As if kaya mo akong kalbuhin. Kung di lang talaga dahil kay Tito, di ako papayag na maging driver niyo eh
Ako: Edi kung ayaw mo na, edi umalis ka na sa pagiging driver. Madali naman akong kausap. Bwisit ka!.
Saka ko in-end yung call.
"Yassi, ba't galit na galit ka na diyan? Tsaka driver mo ba yun? Pareho kasi kayong nakalagay sa tenga ang phone eh"
Napatingin naman ako sa direction kung saan yung sinasabi niya.Si Ian bwisit.
"Kanina pa siya doon?"
"Oo"
Walangya kang bwisit ka. Akala ko nasa mansion ka pa.
Nung nakita ni Ian/Kuya Pogs na nakita namin siya agad siyang lumapit samin at kinuha ang maleta ni Nadine, samantalang di na niya tinignan na mas marami akong dala kasi nagsimula na siyang pumunta sa kotse.
Pagkarating namin sa kotse, pinagbuksan niya ng pinto si Nadine habang ako hirap na hirap mag lagay ng mga bagahe. Bwisit siya.
Hindi ko na siya crush, I swear. Siya na ang pinakahate ko sa lahat ng lalaking nakilala ko, bwisit.
Padabog akong pumasok sa kotse, as in yung pinakamalakas talaga na pagsara yun ginawa ko. Masira man tong kotse, wala akong pake.
Bwisit siya eh.
Nadine's POV'
Nakakatense ang atmosphere dito sa loob.
Si Yassi na ng sama ng tingin sa driver niya. Ang driver naman parang wala lang. Di ba toh takot masisante?Pero anyways, kyaaaah! Ang gwapo ng driver. Simula ngayon Kuya na ang itatawag ko kasi di naman bagay sa kanya ang Manong driver eh^_^
"Yassi, psst, ba't ang sama ng mukha mo? Pumapanget ka tuloy" sabi ko as in malakas, napansin ko pa ngang nagpipigil matawa si Kuya eh.
"Tumahimik ka nga diyan!" Sigaw niya sabay sipa sa driver seat. Nasa back seat kasi kami. Pero wow ah, di niya pinansin ang tanong ko pero kung makasigaw, kay kuya ang atensyon. -_-
Mahirap pala kapag may kakaibang tension ang nangyayari sa paligid mo tapos kahit konti wala kang alam.Dahan-dahan lang ang pag-d'drive ni kuya sa kotse. Takot nalang niya at baka sapian si Yassi ng masamang espirito at sipain na naman ang driver seat ng napakalakas. Maaksidente pa kami.
"Hinto! Kuya!" Sigaw ko kaya huminto naman ang kotse.
"Yassi tingnan mo" sabay turo ko sa labas
Tiningnan naman niya ang tinuro ko.
"Bakit?" tanong niya
"Si ano..."
"Si ano? Sino?" takang tanong niya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Si Enrique" sabay naming sabi"Bakit magkasama sila ni Julia?" Tanong niya sakin
Nagkibit-balikat lang ako. Aba malay ko kakauwi lang namin pareho dito noh.
"Pano kung malaman to nila Liza at Julia B.?, baka war na naman. Tara puntahan natin si Julia" bubuksan na niya sana ang pintuan ng kotse pero pinigilan ko.
"Huwag, sasusunod nalang natin kausapin si Julia at baka alam niya din kung nasaan si Kathryn. Pero di pa natin siya pwedeng kausapin sa ngayon" Paliwanag ko.
"Bakit?"
"Basta......"
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
De TodoFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...