James' POV'
To be honest?....Auring is the second person na pinagmamakaawaan ko.
Even my parents, hindi pa ako naka-try ng magmakaawa sa harap nila. They never even tried putting an eye on me. Puro trabaho lang ang alam Tch.
Even if I beg, everyone still leaves me.
That's why I don't like to beg on someone kasi kahit anong gawin ko,Iiwan parin nila ako.
Tch.. Ang bading ko na. Hahaha
Kahit anong gawin ko wala na akong magagawa. Okay, lang sana na umuwi siya sa Pilipinas kaya lang wala nang Auring dito, wala ng pikon. -_- Hayst..., bahala na....
Nadine's POV'
Three days na kaming nandito, hayst.. nakakamiss talaga dito."Guys, movie marathon tayo!"
As usual, hyper na sabi ni Kathreng."Nah! Ayoko..." sagot ni Yassi habang super higpit ng pagkaka-hawak sa damit ko.
Mapupunit na yata kasi todo hawak si Yassi sa damit ko habang si Kathryn todo hila sa kanya. Nakaupo kasi siya sofa.
Si Julia naman, naka-upo lang habang natatawa sa dalawa.
"Promise, hindi horror ang papanoorin natin" sabi ni Kath kay Yassi habang may nakakalokong ngiti.
"NO! A-yo-ko! Palagi ka nalang ganyan, dati sabi mo hindi horror tapos bigla niyo nalang akong pinosasan sa kama at horror ang pinanood. Waaah! Ayoko!" Sigaw ni Yassi
Natawa kami sa sinabi ni Yassi nung maalala yung nangyari kung bakit takot na takot yan sa multo.
Gabi pa naman yung nangyari ang insidenteng yun, kaya ayon, todo iyak si Yassi noon.
Nasabi ko na nga ba natrauma dun si Yassi dahil lang sa kagagawan naming magkabarkada?
Natatawa talaga ako kapag naaalala ko yun.|Flashback|
Bata palang kami, maarte na talaga yang si Yassi. Mga 11 years old kami noon, halos gabi-gabi nagyayayang magshopping sa mall si Yassi pero dahil wala naman kaming magawa nila Julia at Kath kaya sumasama nalang kami.
Hanggang sa ilang araw ng ganyan at nagsawa na kami nila Julia at Kath pero si Yassi gusto pa rin .
Nung pa-uwi na kami, doon namin tinakot ng todo si Yassi, ang sama ba naming kaibigan? Hehe. Peace. Ayun nga pumunta kami sa parking lot, which means, madilim.
Doon namin siya sinasabihan ng kung anu-ano. Kesyo may na-rape daw noon sa parking lot at ngayon ay nagmumulto, kesyo may nakatira doon sa puno ng niyog na hindi katulad natin, kesyo pag may mahulog na kung ano galing sa puno ng niyog, siya na yung nagmumulto at sign nandito na siya.
Pero napasobra yata kasi pagkasabi namin sakanya na pag may mahulog galing sa puno ng niyog yung nagmumulto na yon ang kagagawan. At yun nga may nahulog kaya pagtingin namin sakanya, wala ng malay.
Bilang mabait na kaibigan dinala namin siya simbahan--este sa hospital at nalaman namin na ang pagkatakot ng sobra ni Yassi ang dahilan kung bakit siya nahimatay.
Simula non, may phobia na siya sa mga multo. Minsan daw napapanaginipan niya na magkamukha na sila nung pangit na multo kaya sobrang takot niya, kasi nga, ayaw niyang pumangit. -_-
Pero nung lumaki si Yassi nawala-wala na daw ang takot nito pero bumalik na naman dahil sa ginawa namin bago kami nagkakahiwa-hiwalay
Hahaha... Bestfriend niya nga kami^_^
|End of Flashback|
*knock-knock*
"Yassi pakibuksan nga yung pinto, mukhang may tao eh" utos ni Julia
"Gaga!! Naka-posas na nga ako dito tapos ako uutusan niyong magbukas? Ano ako elastic woman?"
Nasabi ko na bang nakaposas ulit ngayon si Yassi dahil ang likot niya at talagang nagsisigaw pa na ayaw niyang manood? At saka nasabi ko na rin ba nasa bahay kami nila Kath at kung siniswerte ka nga naman, wala si Tita (mommy ni Kath) kaya ang itsura ng bahay....
Bahala na kayong mag-isip.Ano ba yan dami ko nang di nasasabi sa inyo.
"Ah Julia, mas mabuti kung ikaw nalang" sabay sabi namin ni Kathryn
"A--anong ako? Kath ikaw na.. Ikaw ang may ari malamang ikaw hinahanap" sagot ni Julia. Diyos ko. Itong dalawang to talaga.
"Ako na nga lang" sabi ko sabay tayo
Lumakad na ako paalis ng kwarto ni Kath.
Bakit parang, bawat hakbang ko bumibigat ang pakiramdam ko sabay ang pagkanerbyos?
Pinihit ko na ang pintuan....
O_-.....
-_O.....
O_O.....
"Kat-----Nadine?" Bago pa man ako makasagot niyakap na niya ako.
Bwisit naman oh! Bakit kung kailan mo gustong lumabas ang luha, e ayaw lumabas tsaka na nung ayaw mo itong palabasin, e kusa namang lalabas.
Kathryn's POV'
"Julia, tingnan mo nga kung sino yung kumatok.. Ang tagal kasing bumalik ni Nadz.. baka kinain na yon ng pinto""Ayoko nga, ang ganda nitong Sinister oh. Nakaka-tense.." sagot ni Julia
Napatingin naman ako kay Yassi. Natawa nalang ako nung nakita kong halos mangiyak-ngiyak na sa takot.
"Ako na nga lang.."
Papunta na sana akong pintuan, pero pagkakita ko pa lang, kusang luha ko na ang tumulo.
Badtrip naman oh! Ba't ngayon pa.
Hindi ko naman siya gusto diba?
Hindi ko naman gusto si Daniel diba?
Please sagutin niyo ako.
Wala akong nararamdaman, hindi ba?Mabuti pa ang manhid. Tssk.
Nakita ko lang naman na magkayakap si Nadine at Daniel.
Nanghihina na agad ang tuhod ko at lumabas agad ang bwisit kong luha.
Wala na akong pake pero kusa na namang tumakbo ang mga paa ko papuntang kwarto ni Mama. Mabuti nalang at wala siya.
"Kathryn!" Narinig ko pang sigaw ni Julia bago ako makapasok.
Don't tell me na alam niya na umiiyak ako ngayon. Anubayan.
Sana bumalik ang dati, yung bata pa ako. Atleast sa ganon, wala pa sa vocabulary ko ang love. Palagi nalang akong nasasaktan dahil sa bwisit na love na yan eh.
Sana bumalik ako sa pagkabata,
Yung ang alam ko lang ay ang mga kabaliwan kasama sila Juls, Nadz at Yassi.Ang sakit pero di ko maintindihan kung bakit.
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
RandomFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...