Chapter 21

342 25 0
                                    

Kathryn's POV'
Nakatitig lang ako sa bracelet na bigay niya. I don't know but I felt happy nong binigay niya to, nawala ang galit ko. Galit nga ba? Basta.

6:00 am pa lang, susunduin ako ni Daniel dito mga 9:00 am.

Sabi niya may ipapakita daw siya sakin. I don't know kung ano.

Basta may isang napakalaking habilin siya 'DON'T WEAR HEELS' kasi di naman party pupuntahan namin. So, magje-jeans nalang ako.

"The way you look, the way you laugh
The way you love with all you have,
There ain't nothing bout you that don't do something for me
The way you kiss, The way you cry,
The way you move when you walk by
There's ain't nothing bout you (there ain't nothing bout you)
That don't do something for me

Once I thought that love was something I could never do
Never knew that I could feel this much
But this yearning in the deep part of my heart for you
Is more than a reaction to your touch
It's a perfect passion and I can't get enough "

Napatingin ako sa lamesa ng kwarto, ang phone ko nagri-ring.

Tiningnan ko ito at..

Daniel
Calling...

Accept | Reject

Sinagot ko ito agad, magsasalita pa sana ako pero inunahan na niya ako sa kabilang linya.

"Kath... magready ka na. Mukhang mapapa-aga ako ng sundo sayo. Sige bye"

Di na talaga ako nakapagsalita dahil binaba na niya ang tawag. Walang manners yung lalaking yun.

Naligo nalang ako. Kahit sa totoo lang inaantok ako kasi di ako makatulog ng maayos kagabi.

Hanggang ngayon di pa rin ako nakakaget-over sa bracelet.
Hoy! Wag echusera! Hindi dahil sa nagbigay. Kundi dahil sa binigay.

Dream come true din kaya tong bracelet na to. Matagal ko nang pinapabili ni Mama to pero dahil sa ang mahal, eh di niya ako binilhan.

Wait.....
Bago pa magloading ang utak ko....

Naalala ko lang... Waaah! Ang mahal-mahal nito.

Mga 100,000 din to ah. Pano niya nabili to? Baka ninakaw niya. Kasi pure yung gold kaya sobrang mahal! Nako lagot ako nito. Ayoko pang makulong!

Siguro kung may kasama ako dito, siguro kanina pa ako nababatukan.-_-

*beep**beep*

Bago pa man din nangyari ang makalabas ako ng kwarto. Nagrattle agad ako.

Napaparami yata sinasabi ko, eh di ko namalayan na hindi pa pala ako nakakabihis, naka-tuwalya palang.

***
"Ang tagal mo yata" bungad niya agad sakin nung pagkapasok ko sa kotse niya.

"Wag ka nang magtanong"

"Yes, ma'am" sabay saludo niya

"San ba tayo pupunta?"

"Wag ka nang magtanong"

"Teka. Linya ko yan ah"

"Oops. Tao lang tapos may bibig"

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon