[ONE WEEK AFTER]
Nadine's POV'
Nasa kwarto ko ngayon si James. Naglalaro kami ng chess.Meron kasing chess board si Bangky.
"Waaah!!, Ba't ang daya?" reklamo ko. Nakakapagod na.
Naka-walong panalo na siya ako wala pa.
"Anong madaya? Di ko kasalanang magaling lang talaga ako no?" sabi niya.
"Ang hangin" sabi ko.
"Oo nga, pati hangin na-iinlove na sakin kasi di lang ako magaling, gwapo pa" sabi niya sabay nag-macho pose.
"Pilosopo ka rin eh no?"
Nagusap-usap lang kami hanggang sa..
"Whooohoh. Yeaaaahhh!!! I won!! I won!!" sabi ko at di napigilang mag-victory dance.
For the first time, nanalo ako laban sa kanya sa laro
"Oh, ano? di ba magaling din ako?" confident kong sabi.
"Isang panalo ka palang. For pete's sake, this is our 15th game. Hay nako, Auring" sabi niya.
"Kahit na nanalo pa rin ako no"
"Sige na, ayoko na" sabi niya
"Bakit takot ka na ba na manalo na naman ako?"
"Nope, sawa na akong manalo" sabi niya. Ang hangin talaga, I swear. Magkakabagyo ba? Please wag naman po.
"Bangky, maligo tayo sa beach ngayong gabi" aya ko. Like duh? Ilang weeks na akong nandito, pero hindi pa ako nakakaligo don. Halos gabi-gabi nga akong sumisilip dito sa bintana ko sa dagat, ang ganda kasing tingnan. Para akong nasa heaven pag tumitingin sa dagat, joke lang.
"Sige" sagot niya. Ang tipid naman nitong sumagod.
"Pahingi ng chocolates mo sa Ref " sabi niya.
"Ayoko nga. Biro lang, kuha ka lang doon kahit ubusin mo pa, okay lang"
Umalis siya at pumunta sa mini ref ko.
Humiga na ako sa kama ko. Nakakapagod.
Nakita ko si Bangky na nakaupo sa upuan at ang harap niya ay ang ref."Bangky, pahingi" sabi ko
"Tamad, ikaw kaya pumunta dito at bumangon ka diyan"
"Di ako tamad, sadyang wala lang ako sa mood bumangon na naman"
Gusto kong matulog pero ayaw pumikit ng mga mata ko. Hayst.
*knock-knock*
Si Bangky sana uutusan ko para magbukas kaya lang naalala ko, kwarto ko to kaya ako ang hinahanap ng kumatok.Bumangon na ako sa kama. I swear papatayin ko talaga ang nagsasabing mas malakas ang gravity ng earth kaysa sa gravity ng higaan.
Binuksan ko na ang pinto. At nagulat ako sa nakita ko.
"SURPRISE!!"
(O-O)
Kathryn's POV'
"Kuya Neil!!" Sigaw ko.Yaaaah! Umuwi na si Kuya Neil galing Bicol, doon kasi siya nag-aaral.
Iwan ko ba dito at ngayon lang naisipang umuwi.
"Kathreng!!"
Ano ba toh!, kay gandang tawag ko sa kanya, Kuya Neil. Eh yun naman ang kabaliktaran ng tawag niya sakin, Kathreng.
"Kumusta ka na Kathreng, ang laki mo na ah" sabi niya
"Kaw nga rin Kuya Neil, mature na tingnan, eh isip bata naman. Tigilan mo na kasi ang pagtawag sakin ng Kathreng. Kathryn dapat"
"Baka nakakalimutan mo, ikaw nagrequest noon na Kathreng ang itawag ko sayo"
Blackmail? Kasalan ko bang na kukyutan ako noon sa Kathreng? Nagsisisi na talaga ako.
"Okay, talo na ako. Pero Kuya Neil may nililigawan ka na ba? Please ipakilala mo sakin"
Ngumiti lang siya. Meron nga.
"Waaah, pakilala mo siya sakin! Pakilala mo siya sakin! Gusto ko siyang makilala!"
"Pagnagkataon"
Nu ba yan, pinuntahan ni Kuya si Mama sa kwarto nito. Si Mama na walang kaalam alam na dadating ngayon si Kuya Neil.
Ewan ko ba bakit di narinig ni Mama ang malakas kong boses sa pagsigaw kanina. Tulog siguro yun.
Pumunta na akong kwarto. 5:00 pa lang naman ng umaga eh.
Aga kasi dumating ni Kuya Neil.
Babalik na muna ako sa pagtulog..
***
Kumakain na kami ng breakfast, ako, si mama, si kuya Neil. Si Papa? Busy sa Work at nasa Korea para sa business namin dun. Business partner ni Papa ang papa ni Daniel. Pano ko nalaman? Kasi naikwento na ni Mama, and that time, kami pa ni James. Sa phone lang naman kinwento ni Mama."Kathreng, balita ko may naging boyfriend ka na?" tanong ni Kuya Neil. Ewan ko pero biglang tumahimik ang paligid. Simula nong naging kami ni James, ayaw ni Mama at Papa kay James kasi marami daw'ng nakapaligid na babae at baka lokohin at iwan lang ako but guess what? ako ang nang-iwan.
"Yup, si James" sagot ko sa tanong ni Kuya.
"Nagbreak kayo?"
Walang alam si Kuya sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon dahil ilang taon na din siya sa Bicol.
Di ako makasumagot o ayaw ko lang talagang sumagot. Napansin naman yung ni Kuya kaya iniba nalang niya ang topic.
"Kathreng, naalala mo pa ba si Nadine na bestfriend mo noon?" Tanong ni Kuya Neil.
Ofcourse, I miss Nadya!!
"Oo Kuya Neil, bakit?"
"Mga ilang taon na kayong di nagkikita?"
"4 years, I think?." sagot ko nalang.
Pero sa Airport.. Si Daniel.. I heard him shouting the name Nadine?
Oo nga pala, itatanong ko pa pala sakanya kung bakit siya nage-escandalo siya sa Airport.
Sa susunod nalang kung magkikita kami.
"And uhmm.. Do you also still remember Yassi and Julia? Di ba Magkabarkada kayo non nila Nadine?"
"Siyempre naman, sila pa, makakalimutan ko? Hindi no"
Bilib na ako sayo kuya, kilala mo silang lahat.
Si Nadya, Juls, Yass, and me, Kathreng [Hay nako pati sila Nadya nahawa narin sa pagtawag sakin ng Kathreng, si Kuya kasi eh] magkabarkada kami nung Elementary at nong Highschool kami nagkakahiwa-hiwalay. Wala na akong balita sa kanila ngayon.
"Alam mo bang nakita ko si Julia sa Bicol. Nangangamusta nga siya sa iyo eh, at sa iba kung makita ko daw sila. Sa Bicol nag-aaral si Julia, sa isang highschool na paaralan doon."
"Talaga? Di ba siya babalik dito sa Manila?" tanong ko.
Atleast kung babalik si Julia dito, Si Yassi na lang at si Nadine kulang.
Sana makompleto ulit kami. I bet mabubuo na naman ang mga baliw dito sa mundo.
Tapos na akong kumain nang may kumatok sa pinto.
"Kathreng/ Anak ikaw na magbukas" sabay sabi ni Mama at ni Kuya Neil.
Pagbukas ko ng pinto. Lumaki ang mata ko sa gulat.
(O_O)
![](https://img.wattpad.com/cover/36643323-288-k996568.jpg)
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
RandomFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...