Chapter 30

29 2 1
                                    

3 days later...

Nadine's POV'
Magkasama kami ngayon ni Bangky. At oo, nakahanap na kami ng condo niya pero di kami nagsasama sa iisang condo ah? Bumalik na ako sa bahay namin dito sa Pilipinas pero bumisita ako sa condo niya ngayon.

Wala pang nangyayaring di maganda hanggang ngayon. At yung narinig kong pag-uusap nila Kath sa Book Store, sigurado akong nagsisimula na sila sa plano nila.
Yung mga nangyayari sa aming apat nung nakaraan, planado ba yung sa kanilang dalawa ni Yassi at Kath para di sila mapaghalataang kasabwat ni Julia B?

"Okay ka lang Auring?"

Tumango lang ako bilang sagot.

Si Juls? May kinalaman din ba siya?

"Bangky, si Julia?"

"Bakit? Kakampi din ba siya nila Kath?"

"Hindi ko alam. Yun din ang tanong ko"

Nagkatitigan lang kami ni Bangky hanggang sa may biglang may kumatok sa pintuan ng condo niya.

"Anyways, I ordered some pizza. Baka kasi nagugutom ka na" sabi niya kaya ngumiti naman ako nung nakabalik na siyang dala-dala yung pizza.

"Of course, you're always hungry"

"Tumahimik ka nga Bangky, kung ako sayo, kumain ka nalang din. Ang sarap oh"

"Di naman ako papatalo no" sabi niya sabay lamon kaya nagtawanan kami pero natigil yung nung biglang umubo ng umubo si Bangky.

"Okay ka lang? Bangky?!"

Hinimas-himas ko yung likod niya baka nabilaukan lang pero walang epekto

"Uy Bangky! Anong nangyayari sayo?!"

Umubo na naman siya.

"Bangky!?"

"Y-yung.. pa... pagkain" napatingin agad ako sa pizza. Mukha agad nila Kath, Julia B, at Yassi ang pumasok sa isip ko

Naiyak nalang ako bigla

"Bangky, teka lang, hihingi ako ng tulong sa labas. Mabilis lang ako" paalam ko kay Bangky na namumula na ngayon bago ako kumaripas ng takbo palabas

Para akong nanghihina. Si Bangky...

Agad akong kumatok at nagsisisigaw ng tulong sa mga pintuan na nadadaan ko.

Naiiyak na talaga ako na kinakabahan na ewan. Di ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Parang naghalo-halo lahat.

Patuloy lang ako sa pagkatok habang nagsimula nang tumulo yung luha ko.

Kasalanan ko to eh. Kasalanan ko kung bakit pati si Bangky nadadamay.

Ilang segundo lang ang lumipas, biglang may tumakip sa bibig ko sa kalagitnaan ng pagsisigaw ko ng tulong.

"HMMMMMPFFFF!#+/"++!*!!###" reklamo ko

"Sssssssssssssssh! Calm down"

Agad akong napatigil,
"Bangky? Okay ka na?" alala kong tanong pero bigla lang siyang tumawa
"Nagbibiro lang ako kanina Auring. Peaceeee"

Tinulak ko agad siya,
"Di yun nakakatuwa. Bahala ka na nga jan. Uuwi na ako"

"Auring, hey! Di ko naman aakalaing ganon talaga magiging reaction mo. Nagbibiro lang ako. Uy, saan ka pupunta?!"

Daniel's POV'
Araw-araw akong bumibisita kila Kath pero everytime bibisita ako, tulog siya palagi. Tanghali na siya kung gumising.

Nag-aalala na kasi ako, alam kong may hindi tama. Simula nung nagkausap sila ni Julia B na yun noong mga nakaraang araw, bigla nalang nag-iba yung Kath na nakilala ko.

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon